7

1K 18 0
                                    

Tin's pov.

"gandwa!" Rinig kong tawag ni Candy sa isa sa mga customer na kumakain.

Napatingin naman rito yung babae at napangiti nang makita ang bata.

"Beri good baby, ngayon naman iyong lalakeng nandun nakaupo ang tawagin natin, gayahin mo ko ah, hoy panot" akmang babatukan ko na sana itong si jepoy sa mga kalokohang pinagtuturo niya sa bata ng matigilan ang lahat sa biglaang pag sigaw ni Candy.

"Oii panowt!!" Natutuwang sigaw nito habang nakaturo sa lalake na nagpatahimik sa lahat

napangitin ako sa lalaking sinabihan niya na natigilan rin

shit.. ito na nga ba ang sinasabi ko

Lalapit na sana ako upang humingi ng dispensa sa lalake ng bigla itong tumawa na siyang sinundan ng tawanan ng iba pang mga customer.

"hahahaha! Nakakatuwa talaga ang batang iyan" rinig kong natatawa nitong wika

sinabihan na siyang panot natutuwa pa siya?

"sir pasensiya na po kayo, loko kasi itong isang barista namin, kung ano-anong tinuturo sa bata" paumanhin ko rito na tinawanan niya lang

"ayos lang, alam mo naman ang mga bata mapaglaro" nakangiting ani nito

mabuti na lang at mabait ito but still, I know it's wrong how Candy andressed him.

"Pasensiya ho ulit" ngumiti na lamang ito, huminga muna ako ng malalim bago nilingon ang kakamot batok na si jepoy

"KUNG ano-anong tinuturo mo sa bata, pano na lang kung yung nasabihan niya ay naoffend?" Sermon ko kay jepoy na nakayuko lamang

"Mabait naman po—

"Paano nga kung hindi? That's not the point here jepoy, tinuturuan mo nang kung ano-anong kalokohan yung bata" natikom na lang nito ang bibig

"sorry po ma'am, hindi na po mauulit" paumanhin nito, napabuntong hininga na lamang ako

"sige na, ayoko nang mauulit 'to, bumalik ka na sa trabaho mo" humingi pa muna ito ng paumanhin bago tuluyang umalis

binalingan ko naman si Candy na nakayuko lang din at tila naghihintay na pagalitan ko rin siya

bahagya akong lumuhod upang pantayan ito

"Candy" tawag ko rito pero nanatili itong nakayuko

"candy, look at me" hinawakan ko ang kamay nito pero nanatili parin ang tingin nito sa lapag

Napabuntong hininga na lamang ako.

"I'm not mad" doon ay dahan-dahan ito nag-angat ng tingin sakin

"sowy po" mahinang bulong nito.

"baby, bad yung sinabi mo kanina ah, even tho sinunod mo lang ang inutos ni kuya jepoy bad parin yon, mocking someone Is not a joke, candy. Paano na lang kung nasaktan yung taong sinabihan mo nung sinabi mo kanina, it can offend someone, Candy, promise me, wag mo na ulit sasabihin iyon sa iba, okay? Don't listen to kuya jepoy or to anyone if they asked you to do that again, okay?" mahabang sambit ko rito

"Sowwy po, di na gawin Candy, pwamis!" Anito at itinaas pa ang kanang kamay niya

"Good, uwi na tayo? Mag gagabi na eh" tinignan ko ang oras sa relong suot ko

"owayy! Uwi na candy!" Napangiti naman ako ng tila sumaludo pa ito, marahan  kong hinaplos ang buhok nito.

___

Hinaplos-haplos ko ang buhok nito at baka sakaling makatulog siya pero tulad kanina ay gising na gising parin ito.

"I want stowy.. mommy" natigilan ko ng marinig ang huling sinabi nito

"w-what did you called me?" tila may kung anong bumabara sa lalamunan ko at hindi ko maitanong iyon ng maayos

"mommy, can a col you mommy?"

Mommy.. it's the first time someone called me that.. sa lumipas na anim na taon lagi kong hinahangad na matawag na mommy ng sarili kong anak.. iniisip ko kung ano kayang pakiramdam? Gaano kaya kasarap sa pandinig.. but now I heard it.

"candy no mommy, I wan mommy!" Rinig kong mahinang sambit nito

"baka magtampo ang mommy mo niyan, y-you can call me t-tita if y-you want" but I like it— no I love it.

I know it's wrong, but I just liked it.

"Mommy? momm don't lab Candy, ayaw niya Candy" rinig kong sambit nito

"but she's your mom, sinong hindi magugustuhan ang maging anak ka?" hinaplos ko ang malambot nitong buhok

"she don't wan me" nababakas ko ang lungkot sa mga mata nito

Is it possible?

"okay, you can call mommy, for now.." nag-ningning naman ang mga mata nito at napahiga na lang kami pareho nang dambain ako nito ng yakap

"Mommy!! I wav mommy!" Natatawang nailing na lang ako sa kakyutan nito

"And I love candy too" gusto ko.

gusto ko din maramdaman kung paano maging ina.. kahit pa sa sandaling panahon lang.









"I'll tell you the story about the lost princess. Noong unang panahon may isang napakagandang binibini na may simpleng pamumuhay ang nakabihag sa puso ng napakakisig na prinsipe.. gusto nila ang isa't-isa pero dahil sa estado ng buhay ng binibini hindi sila maari.. hadlang ang lahat maski ang mundo sa pag-iibigan nila.. naroong maraming pagsubok ang dumaan sa buhay nila, pero ang hindi alam ng babae siya pala ang nawawalang prinsesa, akala niya ng umangat na ang estado ng pamumuhay niya ay magiging madali na ang lahat.. pero hindi ganon, hindi naging madali bago sila hinayaan ng tadhana.. pero dahil mahal nila ang isa't-isa, pinaglaban nila ang pag-iibigan nila, hanggang sa paonti-onti, natanggap sila.. natutunan ng mundo na tanggapin sila, a-at namuhay sila nang mapayapa"

pero hindi lahat ng kwento ay humahantong sa masayang pagtatapos.. hindi lahat fairy tail na may happy ending, hindi lahat hinahayaan nang mundo.. hindi porket mahal niyo lang ang isa't-isa hahantong na ang kwento niyo sa magandang pagtatapos.. kahit pa gaano ka kakampante na happy ending na hindi mo parin masasabi.

Noong bata ako naniniwala ako na lahat ng kwento may happy ending, pero habang lumalaki ako onti-onti ko ring narealize na hindi lahat may happy ending, at napatunayan ko iyon sa pagsasama namin ni Leo.

Naging kampante ako noon, na masaya kami. Na kasal kami, na akin siya.. pero hindi pala sapat na mahal mo lang siya, dahil baka hindi mo namamalayan.. hindi na pala kayo pareho nang nararamdaman para sa isa't-isa.

Pero para sa'kin ito ang happy ending. Ang makalaya ako sa relasiyong wala na akong ibang maramdaman kun'di puro sakit.. kung saan natabunan na lahat nang pagmamahal. Ito ang happy ending para sakin. Ang maging malaya.

"But that's not how life works" mahinang bigkas ko sa hangin.

naramdaman ko ang mahina nitong paghilik sa aking bisig, nang silipin ko ito ay mahimbing na itong natutulog

iniayos ko muna ang kumot nito bago hinayaan ang sariling lamunin ng antok.

My Obsessed Ex-Husband ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon