13

1.1K 19 0
                                        

Tin's pov.

"Hi tin! Andito na yung pinapadala ng kuya mo" otomatikong napasilip ako sa bintana at kinawayan si ate Gail.

"nako ate, bakit ikaw pa nagdala nito? Kuya talaga oh" nagaalala kong kinuha ang malaking kahon na dala nito. Medyo may kabigatan rin ito kaya mas lalo pa akong nagalala dahil malaki na ang tiyan ni ate baka mapano pa siya.

"ayos lang, hindi rin naman alam Gello na nandito na yung parcel, atsaka hindi naman gaanong mabigat" napabuntong hininga na lamang ako sa tuwiran nito. Patay na naman ako nito kay kuya.

Pagpasok namin sa loob ay agad na nahagip ng mata ko si Danica na animo'y aligagang aligaga at may hinahanap.

"Dan" tawag ko rito

"Hi bes! Oh ate Gain? Hello!" Anito at bumalik sa ginagawa niya.

"ayos ka lang? May hinahanap ka ba?" Ibinaba ko sa lamesa ang kahon at pinaupo muna si ate Gail sa mahabang sofa.

"ah oo, nawawala kasi yung kabilang pares ng hikaw ko, asan na ba yun?" Tila problemadong sambit nito

tinungo ko naman ito at tinulungan na siya sa paghahanap.

"alin ba? Iyong lagi mong ginagamit pag may lakad ka?"

"Oo, iyong dalawang malaking bilog" anito at doon ko lang rin napansin na bihis na bihis ito at mukhang may lakad.

"may lakad ka?"

"Oo, sa bar diyan lang" natigilan naman ako sa sinabi nito

bar? Akala ko ba hindi na siya pumupunta ron?

"Bar?" Tila natauhan naman ito at nilingon ako.

"ahh.. kasi si Jerome, gustong makipagkita, ipapakilala niya raw ako sa mga kaibigan niya" jerome?

"Sinong Jerome?" Naguguluhan kong tanong rito

"Boyfriend ko.." nakayukong sambit nito

"May boyfriend ka?!" Gulat kong sambit rito

"o-oo.. yung nakilala ko last week sa cafe" what the? Bakit wala akong naalala na..

"hindi mo alam kasi nga nabussy ka diba sa Case, kaya wala akong time ikwento sayo.. sorry bes" mahinang sabi nito

lumapit naman ako rito "bakit ka nagsosorry? Wala namang kaso sakin yun at isa pa tama ka naman, sobrang bussy ko lately kaya wala akong time sa ibang mga bagay, it's okay. As long as your happy and that guy.. as long as he's good to you, is he?" Agad namang nagliwanag ang mga mata nito at makailang beses na tumango-tango.

"oum! promise mabait si Jerome.. medyo mapaglaro pero I think mabait naman siya" sambit nito na tinanguan ko na lamang.

nagaalala ako sa kanya. Mabilis kasi siyang magtiwala sa isang tao pero hindi naman siguro niya ilalagay ang sarili niya sa sitwasyong hindi niya rin gugustuhin.

I trust her.

"Okay na bes nahanap ko na" nakitang kong ikinakabit na nito ang kabilang pares ng hikaw kaya't binalikan ko na ang kahon sa lamesa.

"wow! may boyfriend ka narin Dani? Congrats ah" natutuwang sambit rito ni ate Gail.

"Oo ate, salamat ah! Dibale pag may time papakilala ko kayo sa kanya- or, wait ate bussy ka ba ngayon? Ikaw bes bussy ka ba?" Anito na ikinakunot ng noo ko.

"hindi naman Dan, bakit?" Ate Gail asked her.

"ngayon na lang kaya? Sama kayo sa'kin" anito na akala mo'y isang magandang ideya ang sinabi niya.

"ayos ka lang? Buntis yayayain mong pumunta sa bar?"

"Ay oo nga pala.. or ikaw na lang bes?" Baling nito sakin

My Obsessed Ex-Husband ( On Going )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon