20

1.4K 33 8
                                    

Chapter 20

"so what's your plan?" Clyde looked at me.

"You know in the first place what's my plan. I just want a peaceful life. Siya lang naman itong pilit nanggugulo sa'kin" kibit balikat ko.

"but now he can't do that anymore. Teka hindi ko pa pala naihahanda ang party mamaya!" Sulpot ni danica.

"party?" Naguguluhang tinignan namin ito ni Claude.

"yes party? Ano ba?? For sure naman matatalo natin si Leo sa ebidensiyang meron tayo! Hello? Celebration ba!" Anito na ikinailong na lamang.

Malakas ang kutob ko na ang lahat ng hawak naming ebidensiya ngayon ay malakas ang laban sa korte.

thanks to Cendra.

"Andito na tayo" anunsiyo ni Claude.

napabuga ako ng malalim na buntong hininga bago nag angat ng tingin sa kanilang dalawa.

"I just need to end everything. After that.. magsisimula na ulit ako" hiling kong pagkatapos ng lahat ng 'to.

Hindi na niya ako guluhin pang muli. Wala na siyang rason at wala na siyang papel sa buhay ko.

___

"Order in the court"

Naiiyak na napayakap sa'kin si Danica ng maibigay na ang pinal na hatol ng judge.

"Tin" Malaking ngiti ang isinukli ko kay Claude at ganoon rin sa pamilya ko.

Mapupunta sa'kin ang titulo ng lupa. Sobrang laki ng naitulong ng mga ebidensiyang ibinigay ni Cendra sa akin. Hinding-hindi na ako magugulo ni Leo. Tapos na.

Natalo ko na siya.

Nalipat ang tingin ko sa kampo nila Leo, wala itong kaemosiyon-emosiyong nakaupo lamang.

Sinabi ko naman sayo.. wala ka nang makukuha na kahit ano mula sakin ngayon.

I won over you. Ngayon hindi na ako ang talunan sa ating dalawa.

"Congrats" nawala ang tingin ko rito sa taong biglang sumulpot na lamang sa harapan ko.

Dirk.

Tanging pagtango na lamang ang itinugon ko rito.

"let's go, sis" kuya Gello then came to me

"Hm" bago kami tuluyang umalis ay nilingon ko pang muli si Leo sa huling pagkakataon na siyang ikinatigil ko.

he's looking at me.. b-but not just.. is he about to something?

"Tin?" Nabalik ako sa ulirat sa pagtawag sa'kin ni Claude.

"Ha? Ah yeah let's go" pilit ko na lamang itong ipinag sawalang bahala.

marahil ay namamalikmata lamang ako.










"Ma'am sigurado ho ba talaga kayong ayos lang? Pwede ko naman pong tawagan na lang iyong kapatid ko" sambit ni Jepoy

kanina pa siya, sinabi ko nang ayos lang talaga. Nag paalam kasi itong maagang uuwi dahil nahospital daw ang nanay niya at walang ibang magbabantay.

"Ano ka ba, sinabi ko na sayo ayos lang talaga, baka hinihintay ka na ng mama mo, ako nang bahala mag sara nitong shop" maaga kasing umalis yung dahil payment day nila ngayon kaya maaga ka na silang pinag off sa trabaho.

"gabing-gabi na po kasi ma'am, nagaalala lang po ako hindi naman po kayo sanay na uma-

"Jepoy. It's fine. Shop ko 'to nung wala pa kayo ako at si Danica lang din ang nagsasara nitong shop kaya sige na, mauna kana" pagkukumbinsi ko rito.

"s-sige po ma'am, una na po ako. Ingat po kayo pag uwi" nagaalangan man ay umalis narin ito.

ilang minuto makalipas ay wala ng pumapasok sa cafe, tinignan ko ang oras sa relo.

Alauna na ng madalaring araw, magsasara na ako.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko at inoff na lahat ng switch, kailangan kong umuwi ngayon dahil bukas ang check up ni ate Gail at ako muna ang sasama sa kanya dahil nasa ibang bansa si kuya.

Lumabas na ako at inilock na ang pinto ng shop nang matigilan ako nang maaninag ang dalawang liwanag ng ilaw na nagmumula sa sasakyang nakaparada sa tapat ng cafe.

kaninong sasakyan yon? Bakit naman iniwan na bukas ang ilaw?

"Excuse me!" Akmang lalapit na sana ako papunta rito upang tignan kung may tao roon ng biglang mag ring ang telepono ko.

kinuha ko ito sa bag at sinagot ang tumatawag.

"Dan, bakit?"

["pauwi ka na? andito na si Gail, hintayin ka namin"]

"oo pauwi na ko, pakisabi na lang kay ate Gail magpa-

natigil ako sa pagsasalita nang makarinig ako ng malakas na kalabog pero paglingon ko ay wala namang tao.

ano yon?

["Tin? Andiyan ka pa?"] Isinawalang bahala ko na lamang

"ah oo, andit- hmmp!

bago pa man ako makapagsalita ay bigla na lamang may mala bakal na bisig ang yumapos sa katawan ko at tumakip sa aking bibig.

pilit akong nagpumiglas ngunit sadyang malakas ito.

"Hmmp! hmmp!" pilit akong sumisigaw at nagpupumiglas ngunit tila bingi ito at walang balak na pakawalan ako.

may itinakip itong malambot na tela sa aking ilong at nang malanghap ko iyon ay tila onti-onting nawala ang lakas ko hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sarili kong katawan.

anak.. tulungan mo si mommy.

Lupay-pay na bumagsak ang katawan ko sa demonyong may hawak sa'kin.

bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay naramdaman ko pa ang marahan na pagdami ng palad nito sa pisnge ko.

At tuluyan ng bumigay ang talukap ng mga mata ko.

My Obsessed Ex-Husband ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon