🚫 WARNING!! [Harm words/ mention of killings/ violence ahead]
Tin's pov.
Halos dalawang araw na ang nakalipas na ako parin ang nagsusundo kay Kyle dahil na extend ang out of town nila kuya.
At sa dalawang araw na yon.. nakikita ko man si Candy hindi ko naman siya makausap ni ang hawakan siya hindi ko magawa.
at hindi ako tanga para hindi makita ang hindi normal na pagtrato ni Cendra sa bata.
"What did I told you?! Huwag na huwag kang lalapit sa kanya!" Sa pangatlong pagkakataon nasaktuhan ko na naman siyang sinisigawan ang bata and this time hindi na ako mananahimik
nanatili akong tahimik nitong nakaraan hindi ko siya pinakelaman pero hindi na ngayon.
I've done enough. Sobra na ang babaeng iyon.
"Pwede mong kausapin ng mahinanon yung bata, hindi mo kailangang sumigaw" matigas ko sambit rito.
"walang kang pakealam sa kung paano ko didisiplinahin ang anak ko!"
"anak mo? Anak mo nga pero ganyan mo naman tratuhin!" Hindi na ako nakapag timpi nang akmang hahatakin na naman nito ang bata na umiiyak na.
"Ano ba Cendra natatakot na sayo yung bata" I swear pilit kong pinapakalma ang sarili ko lalo pa't nandito si Candy.
hindi niya dapat nakikita ang ganitong senaryo. She can be traumatize.
"you!.. wala kang karapatang diktahan ako sa mga bagay na gagawin ko. I am the mother, I have the rights to do whatever I want to my own daughter"
"pero hindi kasama ron ang mga ginagawa mo kay Candy!" Ikinuyom ko ang kamao upang kumalma.
"It is. You just didn't know- oh wait! How could you even know? Wala ka namang anak.. hindi mo naman nagawang mabigyan ng anak si Leo noon" at roon na napigtas ang natitirang pagtitimpi sa akin.
Agad na lumagapak sa magaspang nitong pisnge ang palad ko.
"wala kang alam" n-ng dahil sayo..
nang dahil sayo hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko sa pagkawala ng anak ko.
lahat nawala sa'kin ng dahil sayo.. lahat-lahat Cendra.
"bakit? Totoo naman diba?! You failed to give him a baby.. maybe that is why he choosed me over yo-
"Enough" pareho kaming natigilan sa boses na iyon.
Nang paglingon ko ay agad na bumungad sa'kin ang walang kaemosiyon-emosiyon na si Leo.
at sino pa nga ba ang mga kasama? Edi yung mga tuta niya.
"l-leo" namutla ito ng makita ang demonyong nasa harapan namin.
"Ate Tin?" Nalingat ang tingin ko nang makita si Kyle na papalapit na sa amin.
nilapitan ko ito at akmang igagayak na paalis nang makita ko si Candy.
She doesn't deserve to be in this situation. She's just a child pero ngayon pa lang naiipit na siya sa galit sa'kin ni Cendra.
Cendra's pov.
"l-leo m-masakit.." naiiyak kong pakiusap sa kanya habang sabunot nito ang buhok ko papasok ng kwarto.
"what did i tell you? stay away from her. Is it that hard to understand my words and you can't even stock it on that f*cking cunt of yours??" Kalmado ngunit mapanganib nitong sambit at mas hinigpitan pa ang pagkakasabunot sa buhok ko.
"l-leo please.. masakit, please Leo!" Pagmamakaawa ko rito.
mas lalo pa akong napaluha nang ihagis ako nito pabagsak sa sahig.
"You know what? Kung marunong ka lang sanang umintindi at hindi ka tatanga-tanga.. hindi naman tayo aabot sa ganito" ang kaninang walang emosyong mukha napalitan ng malademonyong ngiti.
Parang hindi na ang Leong kilala ko ang nasa harapan ko ngayon.. parang na siyang ibang tao.
"Shhh.. you don't know how happy I am while seeing you crying.. I feel like I just want to tear your eyes out.. hmm?" Hinaplos nito ang pisnge kong puno ng natuyong luha.
"bakit? Bakit Leo?! Bakit mag mula ng bumalik ang babaeng iyon nagbago ka na!" naiiyak kong sigaw rito.
"me? Did I?" Tila nakikipagruang sambit nito.
"l-leo just let her go.. bumalik na lang tayo sa dati! Kaya kong ibigay lahat ng gusto mo.. k-kaya kong gawin lahat para sayo!" I desperately said.
tumayo ito at umupo sa sofa. Pinaglaruan ang sing-sing na nasa kamay niya.
"hmm" animoy nagiisip sa akto niya habang nakapangalumbabang nakatingin sa'kin.
"You will do everything I want? Really?" Sunod-sunod akong tumango rito.
oo leo. Lahat-lahat kaya kong gawin para sayo.
ganon kita kamahal.
"K*ll yourself then" anito na ikinataas ng mga balahibo ko.
sinabi niya iyon na para bang simpleng hiling lang ang sinambit niya..
"nah! I change my mind. That would be too boring. Instead! Why don't you skin yourself alive and feed it to our dogs?" Malademonyo itony ngumiti.
He's a psycho..
This man is a psychopath.
BINABASA MO ANG
My Obsessed Ex-Husband ( On Going )
Misteri / ThrillerLiving her life in misery, Celestine was left with no choice but to sign the divorce paper and finally let go of his husband who wants nothing but to get away from her. In the depth of mourning from losing her child, Celestine soon realized that she...