8

999 19 2
                                    

Tin's pov.

"Bakla, ang pretty ah, saang lupalop ng mundo mo ba napulot 'to?" Mahinang bulong sa'kin ni Danica.

kaaga-aga chika agad ang bungad niya, eh paano pagkagising ko nandiyan na siya sa malaking sofa sa tapat ng kama at prenteng  nakatingin sa'min, pasalamat siya at wala akong sakit sa puso, dahil kung hindi nako.

"sa labas nga tayo magusap" ani ko rito at inayos na muna ang pagakakahiga ni Candy bago nauna nang lumabas.

"so ano nga te? Kaninong anak yun?" Rinig kong pag sunod nito

pumunta ako sa ref at kumuha roon ng malamig na tubig, nakasanayan ko na kase ito sa tuwing gumigising ako ng maaga.

"hindi ko alam, okay? Nakita ko lang siya nung dumalaw ako sa puntod ng anak ko, mag isa tsaka umiiyak, naawa ako kaya sinama ko muna" I said, mapanuri naman ako nitong tinignan.

"gaga! Baka makasuhan ka ng kidnaping niyan" napahimalos na lang ako sa mukha

"boba, nag report na kami sa mga police okay, hihintayin na lang namin yung tawag nila pag may balita na" ani ko rito

"Pero ang ganda nung bata, para ngang nakita ko na noon hindi ko lang maalala kung saan" anito na tila may kung anong pilit inaalala

Same as mine.. pamilyar talaga.

"kamusta pala yung family trip niyo? Ang bilis niyo naman ata makabalik" pagiiba ko ng usapan

"hayys, eh paano yung asawa ni ate nag-aya agad umuwi, nakakainis di ko tuloy naenjoy yung beach" naiiritang sambit nito

"Isipin mo na lang hindi pa 'to ang tamang oras para mag bakasiyon ka, dumadami na yung customer ng cafe, kailangan na namin ang mala armalite mong bunganga" natatawang wika ko rito

"Grabe siya, anyway girl, asan si Claude?" Tanong nito

oo nga noh? Napansin ko rin halos dalawang linggo na itong hindi dumadalaw rito o sa cafe, I mean wala namang kaso sakin yon, nasanay lang siguro ako na madalas siyang nakakasama.

"Ewan, bakit mo naman sakin hinahanap, anong malay ko ron"

"hindi dumalaw?"  Kunot-noong tanong nito

umiling na lamang ako

"weh? Himala eh yung e—

~"Cring, Cring, Cring"~ pareho kaming natigilan ng tumunog ang telepono ko

Tinignan ko ang tumatawag, si atty?

"Atty? napatawag po kayo?" Bungad ko rito

"t-tin.." natigilan ako ng mabakas ang pagkabalisa sa boses nito

"may.. problema ho ba?"

"i-im dropping the case" tila nabingi ako sa narinig

she's what?

"Atty? You're what?" I just want to make sure if I heard it right

"I'm sorry, Ms Montenegro, but I'm dropping the Lot's Case with Mr Leo Juarez" May pinalidad na wika nito

"What? Atty? i-is there a problem? Why would you drop the case? Wait, let's meet up, we need to talk" anong nangyari? Bakit bigla siyang nagdesisyon na bitawan yung kaso? Ayos naman ang naging paguusap namin nung nakaraan kaya bakit bigla?

"No Ms Montenegro, We don't need to talk anymore. My decision is final, I'm dropping the case" anito bago tuluyang pinatay ang tawag

tulala akong naiwan at gulong-gulo ang isipan

w-what the.. bakit naman biglaan niyang i-dodrop yung case?

"Bes bakit? Ano sabi ni atty?" Rinig ko pang tanong ni Danica pero nanatiling puno ng katanungan ang isip ko

My Obsessed Ex-Husband ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon