Tin's pov.
"Balita ko hindi raw natuloy yung engagement ng ex-husb— i-i mean ni Leo tsaka nung bruhang kabit niya" walang prenong sambit ni Danica
ang babaeng ito talaga oh
"napaka chismosa mo talaga, magdahan-dahan ka nga sa mga sinasabi mo" kinuha ko ang remote na hawak nito at inilipat sa sports channel.
"Eh sa totoo naman eh, cheater daw yung babae tapos etong bobong ex mo naman nagpauto" napailing na lang ako sa sinabi nito.
"sayang lang niya, dahil pinakawalan niya ang isang anghel na mejo demonyitang tulad mo" agad kong dinampot ang nahawakan kong unan at ibinato ito sa kanya pero ang gaga tatawa-tawang umilag.
"tumahimik ka na nga, mag-uumpisa yung game oh" pagpapatahimik ko sa kanya
Napangiti ako ng makita na sa screen si Claude, laban ng team nila ngayon ng soccer. Sabi niya ay manood ako pero dahil hindi ko naman pwedeng iwan ang coffee shop ay dito na lang ako manonood.
susuyuin ko na lang mamaya pag nagtampo, tsk matampuhin pa naman yon.
"pogi talaga ni Claude noh, jojowain ko sana yan kung hindi lang ikaw ang bet niya" rinig kong pagdadaldal na naman ni Dani
"Sira ka talaga, sino naman nagsabi sayong ako ang bet niya?" Kinuha ko sa kanya ang popcorn na kanina pa niya inuupakan.
"halatang-halata kaya, duh?? Ikaw lang naman 'tong manhid eh" natigilan naman ako sa sinabi niya.
imposible namang magustuhan ako ni Claude, sus, sa sobrang dami ng naggagandahang babae na naghahabol don, imposibleng pagtuunan niya ng atensiyon ang isang tulad ko.
"para namang hindi mo kilala si Claude, mabait lang talaga siya sa mga kaibigan niya" pagiiba ko na lang, baka kung ano pang ipilit niya, parang armalite pa naman ang bunganga ng babaeng ito, walang preno.
"okayyyy, sabi mo ehh" nang-aasar pang sambit nito
Ibinalik ko na lang ang atensiyon sa panonood dahil mag uumpisa na ang game, nag patuloy ang laban nila at halos tabla na ang magkabilang team ng score, napansin ko rin na parang may kakaiba kay claude.. mukha itong walang gana habang naglalaro kaya hindi ko maiwasang mag-alala.
nung kalagitnaan ay malapit nang makahabol ang kabilang team sa score ng team nila Claude pero buti na lang at sila parin ang nanalo, napatalon ako sa tuwa nang inanunsiyo na ang team na nanalo, si dani naman ay naloloka na at tili nang tili, napatawa nalang ako ayaw pa kasing umamin, alam kong binibiro-biro niya paminsan-minsan si Claude pero alam ko ring paraan niya lamang iyon para makausap ito.
Naghuhugas ako ng plato nang biglang may humawak sa magkabila kong braso mula sa likuran na siyang nagpagulat sa'kin.
"ay butiki!" halos maihampas ko na sa kanya ang hawak kong babasaging plato, siraulong 'to.
"hahaha, that was epic, you looks like you're about to eat me" natatawa pang sambit ng gagong si Claude
siraulo talaga
"siraulo!"
"aling ulo ba?" Mas lalo pang lumaki ang ngisi nito, ng marealize ang sinabi niya ay agad ko siyang pinaghahampas ng kamay ko.
"bastos!"
"hey, I'm Just kidding" natatawa pang sabat nito na todo iwas sa mga hampas ko
"Ano ba yun? bakit ka ba nanggugulat??" Tinulak ko ito patabi at inilagay sa container ang mga platong nahugasan na.
Agad namang naglaho ang ngiti nito at bumusangot
problema nito?
"hindi ka pumunta sa game ko" nag iwas ito ng tingin
ah yun pala!
"Claude, sorry, madami kasing customer kanina dito sa coffee shop eh di ko naman pwedeng iwanan lang kay danica lahat" tinapik ko ito sa balikat
"did you watch?" pagbuntong hininga nito
"yes.. and I'm so proud of you! Galing naman ng player kong ito" pagmamalaki ko sa kanya at bahagya pang mahinang sinuntok ang dibdib niya, na kalaunan ay nagpangiti sa kanya
"hayst, you really know how to win me, huh?" he said at nagulat ako ng bigla nalang ako nitong hapitin upang yakapin.
Ramdam na ramdam ko ang bilis ng kabog ng dibdib niya
"I heard leo and tiara call of their engagement" isa pang chismoso 'to.
"Alam mo, bagay talaga kayo ni danica.. mga chismoso" narinig ko ang bahagya nitong pagtawa bago bumitaw sa yakap
"How do you feel?" He asked
"what do you mean?" I don't get him?
"do you feel a-affected?" Bahagya naman akong natawa dahil mukhang kabado pa itong tanongin iyon
"ano bang sinasabi mo? Bakit naman ako maapektuhan?"
"j-just.."
"Claude. I already move on, matagal na kaming tapos kaya wala nang rason para maapektuhan pa ako" galit siguro, oo andito padin.
pero pagmamahal? Matagal nang naubos.
"I know it, you're strong, kahit pinsan ko siya hindi ako magdadalawang isip na sapakin siya once magkita ulit kami" mayabang pang wika nito
"sira ka talaga, teka kumain kana ba?" Umiling naman ito at sabay kaming natawa nang bigla na lang kumalam ang sikmura niya.
"yan inuuna mo pa kasi ang chismis, halika may niluto ako kanina, kumain ka muna" natatawa naman itong nagpahila sa akin sa hapagkainan.
BINABASA MO ANG
My Obsessed Ex-Husband ( On Going )
Mystery / ThrillerLiving her life in misery, Celestine was left with no choice but to sign the divorce paper and finally let go of his husband who wants nothing but to get away from her. In the depth of mourning from losing her child, Celestine soon realized that she...
