"Good morning iha, kakagising mo lang? Akala ko magkasabay kayo ni Leo na pumunta sa isla" agad na bungad sa akin ng Ina ni Leo nang makababa ako at naabutan silang naghahain sa mahabang lamesa.
nakipag beso ako rito bago tinanaw sila mommy at daddy kasama si tito Jandrick na tila may pinag-uusapan sa malayo.
"sa site ho?"
"yes, iyong lupang in-offer ni Congressman Lopez, Leo bought it, I think he's already planning for your future house" nakangiting wika nito.
your house..
tipid na lamang akong ngumiti rito.
"Jandrick mamaya na yan, let's eat first" pagtawag nito sa asawa at sa mga magulang ko.
"Oh anak? bakit hindi ka sumama kay Leo?" agad na tanong ni dad nang makalapit ito.
akmang sasagot na sana ako nang maunahan na ako ni mommy kaya't napalabi na lamang ako.
"eh paano itong anak mo, nagbubuhay dalaga parin! nakalimutan atang kasal na siya" nagtawanan naman sila sa sinambit nito na inilingan ko na lamang.
nang matapos kaming kumain ng lunch ay nagpaalam na'rin muna akong maglilibot-libot lamang sa resort.
"kuya Gino? saan ba pumunta si Leo?" tanong ko rito nang mapag alaman kong siya ang naghatid kanina kay Leo sa kabilang isla.
"ah sa kabilang isla po ma'am, titignan po ata iyong lupang binili niya kay Congressman" magalang na sagot nito at Inalalayan akong makasakay sa bangka.
"pwede mo rin ba 'kong ihatid dun kuya?" Gusto ko lamang makita ang lugar na sinasabi nilang pagtatayuan ng bahay namin ni Leo.
Gusto ko sana iyong tahimik at maaliwas na lugar lamang.
hindi naman importante sa akin kung gaano kalaki o kagarbo ang bahay na titirahan namin, mas gusto ko nga ay iyong simple lang, ang mahalaga naman sa akin ay iyong magiging komportable kaming pareho at matatawag itong tunay na tahanan namin.
ilang minuto pa nang tuluyan na kaming makarating sa Isla.
it's not that big but I can tell that the whole area is already enough for a house.
"Hintayin mo na lang kami rito Mang Gino" ngumiti naman ito at tumango.
I couldn't take off the smile on my lips while holding and trying to hide the pendant I want to return to Leo inside my palm.
napag-alaman Kong pendant ito sa kwintas ng lola niya na napaka importante sa kanya, sabi ni tita ibinigay daw ito ng lola ni Leo sa kaniya noong buhay pa ito nang sa ganon kapag dumating ang panahon na mahanap niya na ang babaeng para sa kanya ay gusto ng lola niyang ibigay ito ni Leo sa babaeng iyon. Sa babaeng mamahalin niya ng wagas.
At aaminin ko, may kung ano sa akin ang umaasang sana ako ang babaeng iyon.
alam kong imposible dahil hindi ko naman alam kung totoong mahal din ba ako ni Leo o talagang ako lang ang tanging nagmamahal.
pero wala naman sigurong masama kung magbaka-sakali ako diba?
while walking I noticed a pair of sandals outside the mini kubo house here.
I thought it was only Leo who's here?
iniwan ko ito at pumasok sa kubo ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ay agad akong napaatras at napatago sa likod ng kahoy na pinto.
I covered my lips to prevent my sobs from coming when I saw who's inside with my husband and what they're doing.
"Cendra stop!" rinig kong pagigil ni Leo sa paghahalikan nila.
"No! I won't! ahas ang babaeng iyon! Leo please stop this babe! I'm sorry sa nagawa ko nag sisisi na ako I'm begging you please!" her pleas.
"suit your self Cendra! Stop this already. I'm married now, you can't just do this"
"No! hindi ako papayag! m-mahal kita Leo, mahal na mahal kita! I won't accept this! diba mahal mo pa rin ako? n-napilitan kalang tell me! hindi mo mahal ang babaeng iyon!"
"I do.. why would marry her in the first place if I don't love her" he said.
gusto kong matuwa.. gustong-gusto kong maniwala pero paano ko 'yon magagawa kung alam ko naman kung ano ang totoo?
"Leave now" wala ng kasing lamig ang boses nito.
"you don't love her.. if you really love her you wouldn't have that look in your face"
I looked back at them only to see the look on him she was talking about.
he was.. senseless, emotionless almost like a numb to see.
"Leave!" he growled with a raising voice.
I immediately left the cabin as I heard the upcoming footsteps from inside and went straight to where Mang Gino is.
"u-umalis na ho tayo" hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito at sumakay na sa bangka, mabuti na lamang at hindi na ito nagtanong pa at pinaandar na ang makina.
tila sapat na ang mga nakita ko upang ipamukha sa'kin ang katotohanang kahibangan lamang ang paghahangad ko ng pagmamahal mula kay Leo.
that was not a look of love but... loosing.
BINABASA MO ANG
My Obsessed Ex-Husband ( On Going )
Mystery / ThrillerLiving her life in misery, Celestine was left with no choice but to sign the divorce paper and finally let go of his husband who wants nothing but to get away from her. In the depth of mourning from losing her child, Celestine soon realized that she...