15

1.1K 21 2
                                        

Tin's pov.

"Good morning ma'am!" bati ng mga empleyado ko nang makapasok ako sa cafe.

"good morning din, kumain na ba kayo?"  tanong ko sa mga ito.

"yes ma'am!"

"ay nako ma'am sobrang busog! Thank you talaga sa libreng pafood ma'am" napatawa naman ako sa sinabi nito.

"ako ang dapat magpasalamat, kung tutuusin kulang pa yon sa sobrang sisipag ninyo"

"ih ma'am naman eh! Kaya crush kita e pakiss nga!"

"Nurse gising na siya!"

"hoy uminom ka ba ng gamot mo?"

natawa naman ako sa mga ito. Hindi talaga buo ang umaga ko hanggat hindi ko naririnig ang bardagulan nila.

bahagi na ata iyon ng morning routine ko.

"o sya, pag butihin ang trabaho!" Pagcheer up ko sa mga ito.

"yes ma'am!"

____

"Kuya asaan ba dito si Kyle?" kausap ko sa magaling kong kapatid sa telepono.

Nagulat na lamang ako nang tumawag ito kanina sa opisina para makausap na ako na lang daw muna ang mag sundo sa kapatid ni ate Gail na si kyle dito sa eskwelahan dahil hindi pa raw ito makakauwi.

"kapag may batang lumabas na nakasalamin" anito.

gusto ko na lamang siyang bigwasan dahil sa sinabi niya.

"ang daming batang nakasalamin dito! Malay ko kung sino siya dito?" Sumbat ko sa kanya

"babe, pano to?" Anito sa kabilang linya, tingin ko'y kausap si ate Gail na kasama niya ngayon.

"Nakablue na medyas si Kyle sabihin mo kay Tin" boses ni ate Gail na narinig ko.

"Blue daw Tin na medyas" tinignan ko naman ang mga batang lumalabas.

Wala namang nakablue na medyas?

"Tin, gotta go, I'll call you later" bago pa man ako makapagsalita ay pinatay na nito ang tawag.

Napasinghap na lamang ako sa hangin, saan ko naman hahanapin ang batang iyon?





"Manong guard? May nakita ka bang batang lalakeng lumabas na nakasalamin tapos kulay blue iyong medyas na suot?" Tanong ko sa guard ng school.

"Blue po na medyas?.. ah! Si Kyle po ba?" Agad naman akong napatango rito.

"baka nasa play ground po, doon po kasi iyon dumideretso kapag wala pa iyong sundo niya rito, kayo ho ba ang sundo niya?" Tanong nito.

"opo, kaibigan po ako ng ate niya, si ate Gail, hindi kasi siya masusundo ni ate Gail kaya ako na lang muna ang susundo sa kanya" sambit ko rito

"ah ganon po ba ma'am, sige po sa likod lang po ng school iyong play ground, may mga teacher naman po na nagbabantay roon" nag pasalamat pa muna ako rito bago pinuntahan ang likod ng school.

may mga ilang mga bata ang naglalaro nang makarating ako. Sinubukan kong hanapin si Kyle at saktong may nakita akong batang babaeng nakatalikod habang kausap ang tingin kong si Kyle?

"Kyle?" Kuha ko sa atensiyon nito.

"po?" Napangiti naman ako.

"Hi, ako si ate Tin, kaibigan ako ni ate Gail mo, wait let me call your ate" mukhang naguguluhan ito kaya't tinawagan ko na mismo si ate Gail upang siguraduhin sa kanya.

"Kyle? She's ate Tin, siya muna susundo sayo ah? Kapatid siya ni kuya Gello and my friend also. Be good to ate Tin okay?" Sambit ni ate Gail sa kabilang linya.

"okay po ate! Babye po!" ang cute-cute naman nito.

"let's go?" marahan kong tanong rito.

ngumiti naman ito ng malawak pabalik bago tumingin sa batang kausap niya kanina. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa pwesto ko.

"Ate Tin, she's Candy po pala, my friend" anito na nagpatigil sa akin.

"c-candy?" Para akong napako sa kinatatayuan ko nang humarap ang batang babae sa akin.

Candy..

"Mom— h-hello po.."  nanatili lang akong nakatingin rito.

I missed her.. I missed her so much.

parang may kung ano sa'kin ang kumalma nang makita ang napakaganda nitong mukha.

magmula nung trial ay ngayon ko na lang ulit siya nakita..

And god knows how much I wanted to hug her.

"c-candy.. baby" bahagya akong lumapit rito ngunit nagulat ako ng bahagya rin itong umatras.

"oh.. s-sorry" siguro ay nabigla ito sa ikinilos ko.

"how are you? Candy?.." I tried to smile at her.

"o-oway naman po" mahinang sambit nito.

what's the problem? Bakit parang.. naalala niya naman ako diba? Imposible namang makalimutan niya agad ako..

imposible nga ba?

"m-may problema b—

"Candy!" I heard a womens shout.

Hindi ko na kailangang lumingon pa upang kumpirmahin kung sino ito dahil sa boses pa lang niya ay kilalang-kilala ko na siya.

"what are you doing??" Hinila nito papunta sa tabi niya si Candy nang makaharap ko ito.

"Kyle, come here, let's go" akmang kukunin ko na sana si Kyle nang pigilan nito ang kamay ko.

"Don't you eved try to talk to Candy again" banta nito na nanlilisik pa ang mga matang nakatingin sa'kin.

"I don't have time for you" aniko at kinuha na si Kyle.

tinignan ko pang muli si Candy na nakayuko lamang sa tabi ni Cendra.

I'm sorry baby..











Cendra's pov.

Nang tumalikod ito ay napansin ko ang nalaglag sa bag nito na puting tela.

"stay here" I said to Candy

kinuha ko ang telang nalaglag mula sa bag ni Tin and to my surprise this thing looks so familiar..

Parang nakita ko na ito noon.. tinignan ko ang hugis pusong nakaburda sa puting tela at roon lamang nabuhay sa ala-ala ko ang nangyari noong nakaraang pumunta ako sa bahay ni Leo.

Inilabas ko mula sa aking pouch ang panyong nakuha ko sa kwartong iyon.

I knew it.

this! k-katulad na katulad ito ng panyong nakasabit sa ding-ding ng kwartong iyon!

sinasabi ko na nga ba.. b-but why? Bakit meron siya nang kaparehas ng panyo ni Tin?

naikuyom ko ang aking kamao sa hindi maipaliwanag na damdaming nabubuo sa sistema ko.

lahat ng mga gamit na nasa kwartong iyon.. is it possible t-that all of those things..

b-belongs to Tin?

My Obsessed Ex-Husband ( On Going )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon