30 (Flashback)

1K 24 5
                                    

Disclaimer: This chapter wasn't supposed to be posted pero why naurt.

this is just a glimpse of how was Leo and tin's relationship back then.

newlyweds moment!






Flashback —
(9 years ago)


"it was perfect" everything was almost perfect.

sobrang ganda ng naging kasal namin. Hindi ganon ka engrande tulad nang napag pasyahan naming pareho, tanging mga kakilala, kaibigan at kapamilya lang rin namin ang imbitado.

maayos na sana ang lahat ngunit ewan ko ba hindi ko magawang maging masaya.

bukod siguro sa alam kong hindi naman talaga niya ako mahal.

habang ang lahat ay nagkakasiyahan at nagsasayawan ay eto kaming dalawa at walang imikan.

mas ramdam ko pa ang kalamigan niya kesa sa mga aircon na narito.

"anak, ija. Bakit hindi kaya mauna na kayo sa hotel? anong oras na rin baka pagod na kayo, magpahinga na kayo" sabi ni tita, napansin niya atang wala naman kaming balak makisalo sa kasiyahan nila.

kasal ko ba talaga 'to? mas ramdam ko pang nag e-enjoy 'tong mga taong narito kesa sa akin eh.

"okay lang po ako tita, pero.. baka po si Leo gusto na magpahinga" hindi na ako tumingin sa direksiyon ni Leo dahil hanggat sa maari ay ayoko munang makita kung gaano kalamig ang mga mata nito para sa akin.

"We'll go ahead now" bigla na lamang nitong sabi.

we? kasama ba ako?

hindi pa man ito tuluyang nakakaalis ay muli itong lumingon sa akin at pinag taasan ako ng kaniyang kilay.

"what are you waiting for?" nababagot na tanong nito.

"h-huh? ah o-oo" Dali- Dali na akong tumayo at sumunod rito, nagpaalam pang muli ako Kay tita bago tuluyang sumunod sa kanya.












tahimik lamang kami habang nasa biyahe, nakapikit lamang ito at hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ito.

halos perpekto ang lahat sa kanya.. mula sa napakaperpektong tangos ng ilong nito at sa kanyang panga.. sa magaganda niyang mga mata.

tama bang pumayag ako sa kasal?

pero kung ayaw niya naman talaga sa akin bakit pumayag siyang magpakasal sa akin? hindi ba dapat nagalit siya at pinigilan ang kasal.

pakiramdam ko tuloy ay napakamakasarili kong tao sa harapan niya.

"Are you done staring at me?" doon lamang ako nabalik sa huwisyo at dali-daling nag iwas ng tingin.

nakakahiya!

"sir andito na po tayo" Hala kuyang driver thanyou so much!

life saver ka!

mabilis akong bumaba ng sasakyan at nauna nang pumasok sa loob ng hotel.
















"ANO ISANG ROOM LANG ANG NAKABOOK??"

Papaanong nangyari 'yon? sigurado akong nasabi ko Kay mama na dalawang kwarto ang ibook para sa akin at Kay Leo.

"yes po ma'am, tama naman ho diba? hindi ho ba bagong kasal po kayo?" tanong nito at nagpabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Leo.

pilit na ngiti na lamang ang tinugon ko rito.

kami lang ata ang bagong kasal na hindi gustong makasama ang isa't-isa sa iisang bubong.

My Obsessed Ex-Husband ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon