26

981 32 4
                                    

Tin' pov.

Lakad lamang ako nang lakad. Nakasunod lamang sa nagiisang daanan.

Mausok man ang buong paligid ngunit paonti nang paonit ay nakaklaro ko na kung nasaan ako.

Is this a tunnel?

"tulong! please help me!" Paghingi kong saklolo dahil baka may mag mabuting loob na tumulong sa akin.

"s-sino po yan?" May narinig akong boses ng babae.

nagliwanag ang mukha ko ng maaninag ang isang babaeng mas maliit lang sa akin ng kaonti na naglalakad papalapit sa pwesto ko

"Help!" I shouted upang marinig niya pa ako lalo.

nakasuot ito ng tulad ng unipormeng sinusuot ng mga nanny ni Kyle.

"m-ma'am Tin? Ma'am Tin, Ikaw nga ho!" Tila nakilala ako nito at dali-daling nag tatakbo papalapit sa'kin.

makailang beses akong napaupo ng malanghap ang kumakapal ng usok sa paligid.

"ma'am Tin, paano ho kayo napunta rito?" Tinignan ko ito nang makabawi ako sa paghinga at doon ko lamang ito namukhaan.

Siya si Lilybeth, dating kasambahay namin ni Leo sa mansion noong mga panahong nagsasama pa kami.

"t-tulungan mo 'ko Lilybeth, kinidnap ako ni Leo at kinulong dito, p-pinagsamantalahan niya a-ako" doon na ako muling bapahagulgol nang muling maalala ang mga nangyari kanina.

"Napakawalang hiya talaga ni sir Leo! Maski ho kami ma'am ay ikinulong niya kaya ho kami naririto" naiiyak nitong na lubos kong ikinagulat, ikinulong din sila dito ni Leo?

"k-kayo? sinong kasama mo?"

"Si Candy ho ma'am, iyong anak ho ni ma'am Cendra, ilang araw na ho kaming nakakulong rito at ayaw niya ho kaming palabasin" tila binuhusan ng malamig na tubig ang aking sistema nang marinig ang sinabi nito.

s-si Candy..

"asaan siya?? Lilybeth asaan siya??!" Tila nawala ang panghihina sa aking katawan at pinilit makatayo upang mapantayan ito.

"k-kinuha ho nung mga lalake ma'am e, nag i-iiyak ho yung bata" kung hindi ako nagkakamali marahil ay iyong mga armadong bantay rito sa mansion ang tinutukoy niya.

Mas lalong nagliyab ang galjt sa puso ko sa mga natuklasan.

hayop ka Leo, pati ang bata hindi mo na pinalagpas!

tila nawala lahat ng plano kong pagtakas sa isipan at agad na bumalik sa loob, wala nang ibang tumatakbo sa isipan ko ngayon kun'di ang makuha si Candy mula sa kanya.

kinuha ko ang mga nagkalat na piraso ng kahoy at nakasunod lamang sa akin si Lilybeth habang tinatahak namin ang makipot na daanan pabalik sa mansion.

walang nang ibang mahalaga sa'kin ngayon kun'di ang kaligtasan ni Candy, p-pati ang sarili niyang anak ay ikinulong niya sa mansiong ito? Anong klase siyang ama??

Ilang sandali pa ng makabalik kami sa maliit na pintuang pinaglabasan ko kanina.

Tinignan ko muna ang buong paligid at nakahinga ako ng maluwag ng wala namang ibang tao o bantay na narito maliban nalang di piraso ng mga boteng nagkabasag-basag.

Nang makalabas ako ay inalalayan ko rin si Lilybeth at akmang lalabas na sana ako sa pintuan nang bigla na lamang may palad na tumakip sa bibig ko

"mpphh!" Impit kong sigaw rito ngunit agad rin akong natigilan nang marinig ang boses nito.

"Shh, calm down, it's me.. Dirk" walang iba kun'di si Dark.

naaninag ko ang mga bantay na paparating ngunit bago paman nila kami tuluyang makita ay agad na akong nahila ni Dirk sa likod ng pintuan ganoon rin si Lilybeth.

"shhh, they might hear us" mahinang bulong nito sa tenga ko.

"Wala dito, sa baba!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga bantay at kasunod na noon ay ang mga yabag ng paa ng ilan pang mga bantay.

Nang makasigurado ay sinilip ni Dirk ang labas at doon lamang niya tinanggal ang kanyang palad sa aking bibig nang makitang wala na ang mga lalake.

"Dirk ano 'to?! Huwag mong sabihing pati ikaw may kinalaman dito?!"

"Tin, believe me, i'm not!" Pag dipensa nito at sinubukan akong lapitan pero agad din akong lumayo.

"kung ganon anong ginagawa mo rito?? Papaano mo nalamang may mga bantay na nagiikot?"

"Cendra called me, she told me na kinuha ka ni Leo at kinulong rito" he said na mas ikinabigla ko pa.

"what? At bakit niya naman gagawin iyon? kasabwat siya ni Leo, Dirk!" Why would she do that?

"Yes, 'cause Leo blackmailed her, hawak ni Leo si Candy at pinagbantaan niya si Cendra na idadamay niya yung bata kapag hindi nakipagtulungan si Cendra sa kanya" he said.. gulong-gulo na ako.. ano bang totoo?

"p-pero anak ni Leo si Candy.. b-baki-"

"Candy is not leo's daughter, Tin" Ano?

"Candy si Cendra's daughter with Chase! Your brother's friend, inako lang ni Leo ang responsibility kay Candy para makaganti kay Chase" hindi ako makapaniwala sa nalaman, ang buong akala ko ay anak nilang dalawa si Candy.

Kung ganoon, kaya naman pala wala lang sa kanya kahit madamay ang bata rito dahil hindi naman pala niya anak ang bata.

"and you know all of this.."

"maniwala ka sa'kin, Tin. Sinubukan kong pigilan si Leo, i-I tried everything I can para mailayo ka sa kanya.." ang mga mata nito ay para bang nangingiusap na pakinggan ko siya.

"a-anong ibig mong sabihin?" Nagugulumihanan kong tanong rito.

"mahigit ilang taon kanang hinahanap ni Leo bago paman kayo magkita ulit.. and i'm the reason kung bakit sa loob ng mahigit anim na taon ay hindi ka niya mahanap-hanap, ako ang humaharang sa lahat ng mga private Investigator na hina-hire niya upang maghanap sayo" tila nanghina ang mga tuhod ko sa mga sinasabi niya.

"bakit?"

"Dahil alam ko kung anong klaseng tao si Leo! Isang taon after mong makaalis na-confine si Leo sa mental hospital dahil halos mabaliw siya nang malamang inilayo ka na nila Gello at ng pamilya mo.. madami siyang napatay.. kaya minabuti namin ipagamot na siya at ang buong akala namin ay gumaling siya.. pero hindi, naging mas malala pa" nanginginig kong kinuha sa kamay niya ang iniabot niyang brown envelope.

at halos mahigit ko ang sariling hininga nang makita ang mga laman nito.

lahat ito ay mga pictures ko na tingin ko ay 3 years ago. Sobrang dami at may picture rin rito ng isang kwartong punong-puno ng mga picture at g-gamit ko? mga tv screens na puro mukha ko ang nakaimprinta.

a-ano ito..

"he became so obsessed with you"

"papaan-"

ngunit bago ko pa man matapos ang sasabihin ay nakarinig kami ng malakas na putok ng baril kasabay ang pagdilim ng paningin ko.

____

Ngayon lang ulit nakapag udd😭😭

good eve poo!💖

My Obsessed Ex-Husband ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon