5

1.3K 20 0
                                    

Tin's pov.

"Good morning ma'am!"

"Good morning, nag-almusal na kayo?" Nag sitanguan naman ang mga ito.

Mabuti pa sila kumain na.

halos hindi ako makakain nang maayos dahil hindi ako magkanda-ugaga sa pag aasikaso ng mga papeles ng loteng ninakaw ng pesteng yon, sakin.

tatlong araw na ang nakalipas matapos ng naging sagutan namin sa coffee shop at buti naman hindi na ito muling nagparamdam at nanggulo pa.

wala na akong pakealam kung gaano pa siya makapangyarihan na tao, gagawin ko ang lahat mabawi lang sa kanya ang loteng iyon.

Natapos ang buong maghapon, matapos nung celebration namin noong nakaraan ay marami ng customer ang kumakain sa shop which is a good thing dahil mas lumalaki na ang kita ng coffee shop kumpara noon.

"After ng last hour niyo kayo na ang bahala mag sara nitong shop ah? May importante pa akong pupuntahan eh" paalala ko sa kanila, kadalasan kasi ay ako o si danica ang nagsasara nitong shop, eh dahil wala si danica ngayon, nag out of town kasi sila ng pamilya niya ngayon at ako naman ay kailangan umalis ng maaga kaya sila na muna ang bahala sa shop.

"Yes ma'am!"

Paglabas ko ng shop ay tinignan ko muna ang oras sa relo ko at saktong 4:16 na ng hapon.

Dumaan muna ko sa flower shop bago tumungo sa pupuntahan ko.

_

Agad kong dinama ang malamig na simoy ng hangin.. dito nakakahinga ako ng maluwag, pakiramdam ko wala akong problema pag nandito ako. This is my home. My daughter. She's my home.

Inihipan ko ang alikabok sa lapida at tinabi ang mga dahong tumatabon rito, maalikabok na agad ito kahit na kadadalaw ko lang rito noong nakaraang lingo.

"Calia Elys Montenegro" pagbasa ko sa pangalang nakaukit sa lapida, my daughter.

"how are you there, my little angel?" Hinaplos ko ang pangalan nito.

"Naging good girl ka ba kay papa god?" Sinindihan ko ang kandilang nasa tabi nito at inilagay ang bulaklak sa tabi nitong laruan.

"anak, sorry ah, ngayon lang si mommy nakadalaw" kung hindi lang talaga ako na bussy nitong mga nakaraan dahil sa pagaasikaso nung lote ay baka noong nakaraang araw pa ako nakadalaw sa anak ko.

"I miss you, my little angel" sobra.. araw-araw.

"nagtatampo ako sayo ah, hindi ka na dumadalaw sa panaginip ni mommy" kailangan ka ni mommy ngayon anak..

Araw-araw sa tuwing nakakakita ako ng mga batang may kasamang ina, hindi ko mapigilang maiingit.

Andami kong what if's, andaming gumugulo sa isip ko.

paano kung nalaman ko kaagad? Hindi manlang ako nakaramdam ng kahit na anong morning sickness, madalas paiba-iba ang emosiyon ko, naging madam-damin din ako pero ang buong akala ko ay dahil lamang iyon sa sobrang stress sa sitwasyon namin ni Leo noon, hindi ko rin napansin ang paonti-onting pag umbok ng tiyan ko dahil ang alam ko ay natural na tumaba talaga ako noon, kaya nga siguro nag sawa sa akin si Leo. Alam kong may kasalanan rin ako dahil hind ko manlang namalayan ang lahat ng nangyayari sa katawan ko noon.. kung sana naging maingat ako.. s-sana.. sana hindi siya nawala

ano kayang pakiramdam na maalagaan ko siya? 6 years old na sana siya ngayon, nahahatid sundo ko na sana siya sa iskwelahan, nakakantahan bago matulog, napaglulutuan ng mga paborito niyang pagkain.. lahat ng iyon. Pinangarap ko ring magawa lahat ng iyon kasama ang anak ko.

"Miss mo na ba si mommy? Dibale pag naayos na ni mommy lahat ng problema niya, lagi kitang pupuntahan anak, hintayin mo si mommy ah?" Please, anak hintayin mo ako.

My Obsessed Ex-Husband ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon