CHAPTER 9

2.1K 61 1
                                    

CHAPTER 9

PARA AKONG dinaganan ng isan-daang bakal pag-gising ko kinaumagahan.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko na naging dahilan para tamarin akong bumangon. Ngayon lang ako nagising ng maliwanag na. Sabagay, hindi nga pala ako natutulog sa gabi dahil pang gabi palagi ang shift ko sa store. At kung pang umaga naman, hindi rin ako tinatanghali ng bangon dahil kailangan madaling araw pa lang gising na. Aasikasuhin ko pa kasi ang umagahan naming tatlo bago pumasok sa school.

Kaya naman ngayon, nakabawi-bawi ako ng tulog. Napasarap din ang pagtulog ko dahil sa komportable at malambot na kama.

Maliwanag na sa labas at ang sinag ng papasikat pa lang na araw ay kumakaway na sa akin.

Hindi ko nga pala tinanggal ang tali ng kurtina, kaya pumapasok dito sa loob ang liwanag mula sa labas ng bintana.

Tanghali na ba?

Bumango na ako ng kama kahit pa tinatamlay. Inayos ko muna ang bedsheet at unan bago magtungo sa closet para kumuha ng damit.

Maliligo muna ako baka sakaling mahimasmasan at mawala ang bigat ng pakiramdam ko.

Nang matapos maligo at mag-ayos ng aking sarili, medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Nagkaroon na rin ng gana ang katawan kong kumilos. Pagkatapos kong magsuklay, lumabas na ako ng kwarto at nagtungo agad sa ibaba.

Ngunit habang tinatahak ang mahabang hagdanan, bigla akong natigilan ng maalala ang nangyaring kababalaghan kagabi.

Mula sa bulto ng lalaki na nasa labas ng veranda hanggang sa malamig na hanging bigla na lang dumaan sa aking likuran kagabi.

Lahat ng iyon ay biglang bumalik sa aking ala-ala.

"WAAAHHHHHH! MAMA, PAPA!"

Nagtatakbo ako pababa ng hagdan. Hinihingal na nakarating ako sa kusina. Inilibot ko ang paningin ngunit wala pang tao. Hindi pa dumarating sina Nanay Wilma.

"Anong oras na ba?"

Bumaling ako sa likuran kung saan makikita ang wall clock sa living room.

"Mag aalas-otso pa lang? Ang bagal naman ng oras?"

Nagmartyang nagtungo ako sa island counter para gumawa ng aking almusal. Nasanay akong hindi kumakain sa umaga at tamang kape lang, kaya hindi ko alam kung anong kakainin ko ngayong umaga.

Lumapit ako sa ref saka iyon binuksan.

"Hhhmmm... ano kayang masarap?"

Halos lahat ng pagkaing nasa harapan ko ay masasarap. May iba't ibang prutas, may gulay, karne, isda at iba pang frozen foods. Kompleto rin sa imported na gatas, bottled mineral water, chocolate drink, itlog, tinapay at kung anu-ano pang pagkain. Meron ding chips, curls, chocolate bars at iba't ibang kutkutin.

"Mag titinapay na lang siguro ako."

Kumuha ako ng tasty bread at nutella para pampalaman. Nagdala na rin ako ng chocolate drink bago bumalik sa island counter. Nilapag ko muna ang mga dala ko sa ibabaw para kumuha ng high stool na mauupuan.

Kumuha rin ako ng tasa para ilagay ang chocolate drink ko at iinit iyon. Habang hinihintay na uminit ang tsokolate ko, nagpalaman na ako ng tinapay saka kinain iyon.

Habang kumakain napaisip ako.

Paano kaya kung totoo iyong sinabi ni Kuya Migs na haunted ang mansion na ito? Tapos may mga ligaw na kaluluwang nakulong dito at hindi na nakaalis. O kaya naman ay dating sementeryo ang buong Villa na ito at iyong nakita ko kagabi at naramdaman ay mga kaluluwa na nagpaparamdam?;

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon