CHAPTER 32
AKALA ko ay sisitahin ako ni Travis about sa sinabi ko, pero iniwan lang n'ya ako sa kusina pagkatapos no'n.
Wala akong nagawa kundi tapusin ang aking pagkain. Hinugasan ko rin ang pinagkainan ko at ang ilang ginamit ni Travis sa pagluluto. Pagkatapos ay umakyat muna ako saglit sa kwarto para kunin ang phone ko, bago ako lumabas ng mansion.
Dumiretso ako sa likod-bahay para pumunta sa garden ng hacienda. May shortcut sa likod papunta roon.
Hindi naman na siguro ako maliligaw dahil maliwanag naman. Kita ko na ang tamang daan.
Ilang saglit pa ay natatanaw ko na ang naka-arkong kahoy sa bukana ng hardin. May halamang baging na nakapukupot sa kahoy na nagsisilbing gate niyon. Napalilibutan ang baging ng iba't ibang kulay ng bulaklak. Feeling ko tuloy papasok ako sa isang mahiwagang hardin. Kulang na lang ng kumikinang na mga paruparong nagsisiliparan sa paligid nito, para maging isang mahiwagang paraiso na talaga ito.
Pumasok ako sa loob at bumungad sa aking mga mata ang isang malawak na lupaing natatamnan ng iba't ibang uri ng bulaklak.
My eyes twinkling in amusement. I felt like I got mesmerized by the beauty of the whole garden.
"WOW! Ang ganda!"
Sa isang mabahang plat ng lupa ay isang uri ng bulaklak ang nakatanim. May sunflower, giant and dwarf. Mayroon ding daisies, lily, lavender, orchids at iba't ibang kulay ng mga roses.
May fountain sa gitna na may nakatayong rebulto ni cupid. May tubig na lumalabas mula sa ibabaw niyon.
"This place is incredibly amazing."
Sa kabilang bahagi naman ay isang malawak na taniman ng...
Tulips!
"WAAAHHHHHH!"
Excited na tinakbo ko ang daan papunta sa taniman ng mga tulip.
May anim na plat para sa anim na kulay ng tulip. May pink, read, orange, white, yellow and lastly mg favorite, purple. Bukadkad na ang lahat ng bulaklak kaya napakagandang pagmasdan niyon. Lalo pa't maayos ang pagkakatanim ng lahat ng bulaklak.
Salute to those gardeners na nagmi-maintain ng kaayusan at kalinisan sa lugar na ito. Sobrang maalaga sila sa mga bulaklak dahil maganda ang pagkakatanim hanggang sa pagtubo ng mga halaman. Kaya nga ngayon na namumulaklak na sila, the flowers bloom perfectly and beautifully.
Kinuhaan ko ng litrato ang buong lugar. Iba't ibang anggulo at iba't ibang style. Nagselfie rin ako kasama ng mga bulaklak. Nagtimer na nga lang ako at ipinatong ang cellphone sa may fountain para makuhaan ako saka ang magandang view sa aking likuran.
Naka ilang shot din ako bago tumigil.
"Pwede kayang mamitas ng mga bulaklak dito? Tapos dadalhin ko sa mansion para naman may silbi ang flower vase nila."
Saktong may dumating na isang babaeng nasa edad na kinse siguro. May dala itong basket sa kabilang kamay at maliit na gunting sa kabila.
Nagulat pa nga ito ng makita ako, pero agad ding ngumiti saka ako binati.
"Magandang araw po!"
"Hello! Good morning din! Ako nga pala si Arissa."
"Nina po ang pangalan ko."
"Mamimitas ka ng mga bulaklak?"
"Ah, opo. Inutusan kasi ako ng Young Master na mamitas ng mga bulaklak na dadalhin sa kabilang bayan."
BINABASA MO ANG
Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓
VampireTRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; and in order to survive, build a strong wall and don't let your heart fall. Arissa Paige is the brea...