CHAPTER 37

1.5K 42 1
                                    

CHAPTER 37


THIRD PERSON'S P.O.V

MAAGA pa lang ay handa na ang ilang gamit na dadalhin ni Arissa sa pag-alis.

Sinadya rin talaga n'ya na gumising ng maaga para makapagluto pa ng breakfast ng kanyang boss at dalawa nitong pinsan. At bago nga s'ya tuluyang lumabas ng mansion, sinigurado muna n'ya nakahanda na ang umagahan nila.

Sa susunod na tatlong araw ay ang mga katulong na lang sa mansion ang bahalang magluluto ng kakainin ng tatlo habang wala si Arissa.

Ngayon kasi ang day-off n'ya sa trabaho.

Uuwi muna si Arissa sa kanilang tahanan dahil miss na miss na rin kasi n'ya ang dalawang nakababatang kapatid. Maghahanap din si Arissa ng trabahador para sa pag-aayos ng bahay nila habang wala pa s'yang trabaho.

Sa loob ng ilang buwan ay nakapag-ipon naman na s'ya ng pera para sa pagpapagawa ng kanilang tahanan, na pinaglumaan na yata ng panahon. Hindi na sila bumili ng bagong bahay dahil ayaw nilang umalis sa lugar na binuo ng kanilang mga magulang. Ipaparenovate na lang n'ya ito at padadagdagan para lumuwang.

Actually, two days lang talaga ang day-off n'ya. Pero nagpa-extend pa s'ya ng isang araw. Gusto lang n'ya na makapag-isip isip muna. At hindi n'ya iyon magagawa kung mananatili s'ya sa mansion. Habang araw-araw n'yang nararamdaman ang malamig na trato ni Travis sa kanya. Ang pag-iwas nito at pakitungo nito sa kanya na para bang isa s'yang hanging hindi nakikita.

"Kuya Migs tara na po. Mauuna na po kami Mr. Smith."

"Nakapagpaalam ka na ba kay Travis, Arissa?" Tanong ni Mr. Smith na nagpatigil sa kanya.

Umiling si Arissa bago pekeng ngumiti sa matanda.

"Nag-iwan na lang po ako ng sulat sa may pinto ng kwarto n'ya. Hindi rin naman po ako kikibuin no'n eh. Magdaramdam lang po ako lalo, kaya hangga't maaari, hahayaan ko po muna s'ya."

Rinig n'ya ang malalim na buntong hininga ni Mr. Smith.

"Napakatigas talaga ng ulo ng batang iyon," bulong pa nito. "Oh s'ya, mag-iingat kayo sa pag-alis. Migs ikaw na ang bahala kay Arissa."

"Huwag po kayong mag-alala Mr. Hanz. Ako pong bahala kay Arissa, iuuwi ko 'to ng safe sa kanila."

"Sige na, para hindi kayo abutin ng tanghalian sa byahe."

Nagpaalam na si Arissa sa matanda bago nagtungo sa pintuan ng sasakyan. Ngunit bago s'ya tuluyang pumasok, tumingin muna s'ya sa itaas ng mansion, kung nasaan ang third floor.

Bukas ang bintana ng balkonahe at tinatangay iyon ng hangin.

Naningkit ang kanyang mga mata ng may mapansing nakatayo sa likurang bahagi ng puting kurtina. Bulto iyon ng isang lalaking nakamasid sa kanya.

Gusto n'yang isipin na si Travis iyon, ngunit sa tuwing naiisip n'ya ang pagiging walang pakielam nito sa kanya sa lumipas na mga araw, natutunaw ang pag-asang baka nga si Travis iyon.

Ipinilig n'ya ang ulo para mawala ang kung ano mang kanyang naiisip.

Muling kumaway si Arissa sa nakatayong matanda sa may pintuan bago pumasok sa loob ng kotse.

Sa kabilang banda, tahimik na nakatanaw si Travis sa labas ng bintana. Mula sa kanyang pagkakatayo sa may veranda ng third floor, natatanaw n'ya ang tatlong tao na nag-uusap sa ibaba.

Matamang pinagmamasdan ni Travis ang maamong mukha ng babaeng ilang araw din n'yang iniwasan. Nakasimangot ito kay Hanz. Gusto n'yang matawa sa itsura ni Arissa. Kahit busangot ang mukha ay maganda pa rin ito.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon