CHAPTER 34
"AY KABAYONG PALAKANG NAHULOG—SIR BOSS!?"
Mabilis na lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Naabutan kong nakatayo habang nakasandal sa pintuan si Travis. Nakapamulsa ang dalawang kamay at kunot-noong nakatitig sa akin.
"Yeah, ako nga. So, let me ask you again. What are you doing here, Arissa? Hmm?"
Hindi ito galit.
Wala ring mababakas na inis o kung ano mang galit na emosyon sa boses nito ng kausapin ako. Kalmado lang itong nakatingin sa akin. Para bang expected na nyang makikita ako rito sa ika'tlong palapag, ang floor na ipinagbabawal na puntahan.
"Ah, eh, ano kasi..." Agad kong binaba ang ilaw ng aking cellphone bago nag-aalangang humarap sa kanya. "Nag-sleep walk ako Sir Boss, tapos nalaman ko na lang na dito pala ako napunta. S-sorry po!"
Hindi s'ya nagsalita. Bagkus ay napunta ang kanyang tingin sa aking likuran, kung nasaan nakasabit ang painting ni Ianna.
Hinintay kong makita ang reaksyon n'ya, ngunit hindi ako nagtagumpay. Saglit lang ang nilagi ng kanyang mga mata roon at bumalik na ulit sa akin.
"Hindi mo ako madadaan sa palusot mo, Arissa. I told you, hindi ka pwede dito. Pansin ko na sinusuway mo na ang utos ko. Alam mong may kaakibat na parusa ang hindi pagsunod sa akin, 'di ba?"
I bit my lower lip before nodding.
"This is your first warning. Sa susunod na makita o mahuli kitang pumupuslit paakyat dito sa third floor, alam mo na ang mangyayari."
"O-opo! Pasensya na."
"You should sleeping by now, Arissa. Hindi maganda sa isang babae ang nagpupyat. Bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga."
Lumabas na si Travis ng kwarto at sumunod naman ako. Tinakbo ko ang pagitan naming dalawa.
"Travis, sandali."
Tumigil ito saka ako nilingon.
"What?"
"M-may... may narinig akong kalabog kanina. Sa isa sa mga kwartong nandito. Anong nangyari? May nangyari ba sa'yo?"
"It's just your imagination, Arissa. Antok lang 'yan kaya itulog mo na. Malalim na ang gabi kaya kailangan mo nang magpahinga."
"Pero may narinig talaga ako. Akala ko may magnanakaw nang nakaakyat dito."
"Arissa, nasa gitna tayo ng kagubatan kaya anong magnanakaw ang pinagsasabi mo d'yan? At kung meron man, hindi na s'ya makakatungtong dito sa loob, dahil sa pagtapak pa lang n'ya sa labas, hindi na s'ya sisikatan ng araw kinabukasan."
"What do you mean?"
"Simple lang... mahigpit ang security ng Villa. Walang sinoman ang maaaring makapasok dito ng hindi nakikilala ni AI."
"AI? Sinong AI? May kasambahay ka ba o security na AI ang pangalan? Sa pagkaka-alam ko kasi wala eh."
"You're really innocent, eh? AI is the name of the security system of this whole Villa. Nakakonekta ang mga cctv na nakakalat sa labas at loob ng Villa, sa isa sa mga kwarto rito. At iyon ang bumabasa sa mga taong papasok o magtatangkang pumasok sa loob ng Villa. If wala ka sa system, you're not allowed to enter," mahabang paliwanag ni Travis.
"Now, if wala ka ng tanong, bumalik ka na sa kwarto mo at matulog. Goodnight, my sweet Arissa!"
My sweet Arissa...
BINABASA MO ANG
Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓
UpířiTRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; and in order to survive, build a strong wall and don't let your heart fall. Arissa Paige is the brea...