CHAPTER 47

1.5K 51 0
                                    

CHAPTER 47


NANG sumapit ang Holiday break, umuwi ako sa amin para icelebrate ang holiday season kasama ng dalawa kong kapatid. Dinalaw din namin ang puntod nina Mama at Papa at syempre nagtungo sa kapilya para magpasalamat sa Amang may likha.

Binisita ko rin ang restaurant at coffee shop na pinapagawa ko na malapit nang matapos. Konting rennovation na lang at pwede nang ayusin ang mga equipment sa loob.

Baka before dumating ang mid'year ay pwede nang buksan ang restaurant at coffee shop sa mga costumers. Sakto iyon sa graduation day ko.

Hindi na ako makapaghintay.

Bago mag alas-dose ay nagpasundo ako kay Kuya Migs sa bahay pabalik ng mansion. Nangako si Travis na magcecelebrate kami ng New Year kaya inagahan ko talaga ang pagbalik.

"Nasa hacienda pa sina Sir Travis, Arissa. Mamayang hapon pa sila babalik. May maliit na handaan kasi na idinaos doon para sa trabahante ng hacienda. May oras ka pa para maghanda. Gusto mo bang tulungan kita?"

"Naku, h'wag na Kuya Migs. Kaya ko na 'to, ako pa ba. Isa pa kailangan mo na ring bumalik sa inyo para makapaghanda na rin kayo para mamaya."

"Oh s'ya, aalis na ako. Goodluck! Galingan mo ang performance mo."

"Sira ka talaga. Sige na Kuya, ingat and Happy New Year! Next year na ang regalo."

"Happy New Year din Arissa!"

Nagpaalam na si Kuya Migs. Pumasok naman na ako sa loob ng mansion. Binuksan ko ang ilaw ngunit nakamamatay na katahimikan ang sumalubong sa akin. Wala manlang kadeko-dekorasyon kahit na christmas light man lang. Ang boring talaga ng mansion na ito kapag wala ako.

Hayyy!

Ibinaba ko sa couch ang bag ko at ilang paper bags na naglalaman ng gift ko para sa tatlo. Alam ko na mayaman na sila at hindi na kailangan ng kahit anong regalo, pero gusto ko pa rin na magbigay kahit simple lamang. Atleast pinaghirapan ko ang ibibigay ko at higit sa lahat mula ito sa puso.

Maaga pa naman kaya may oras pa ako para magluto. Kompleto naman ang mga ingredients na kakailanganin ko sa refregirator, kaya wala na akong poproblemahin pa.

Nagtungo na ako sa kusina para magsimula.

Dalawang oras ang ginugol ko sa pagluluto at pagpi-prepare ng handa sa mesa bago ako matapos. Sobrang haggard pero masaya sa pakiramdam. Lalo na kung may halong pagmamahal ang ginagawa mo para sa isang espesyal na tao sa buhay mo.

Nang matapos akong mag-ayos ng hapag ay nagmadali akong nagtungo sa kwarto para maglinis at magpalit ng maayos na damit. Nakakahiya namang amoy kusina akong haharap sa kanila.

Simpleng white dress ang sinuot ko at pinaresan ko lang ng black flat sandals.

"Okay, perfect!"

Nagsusuklay ako ng buhok nang maalala kong naiwan ko nga pala sa salas ang mga dala ko, pati na rin 'yong gifts ko sa tatlong tukmol.

Nagmamadaling binalikan ko ang mga dala ko sa salas.

"Ilalagay ko na lang siguro ito sa labas ng kwarto nila o isasabit ko sa doorknob. Sure akong tatanggihan nila itong ibibigay ko kapag personal kong iaabot."

Tama! Isasabit ko na lang sa doorknob ng kwarto nila para sure.

Nagtungo ako sa ika'tlong palapag ng mansion. Pagkarating ko sa itaas ay switch agad ng ilaw ang aking hinagilap. Sa sobrang dilim kasi ng palapag kahit na may sinag naman ng ilaw mula sa ibaba, nakakakilabot pa rin ang kadiliman sa lugar na ito.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon