CHAPTER 21

1.7K 55 0
                                    

CHAPTER 21

LUMABAS kami ng OdS campus at nagtungo sa nigth market lulan ng sasakyan ni Sage.

Namamangha pa rin ako sa lugar habang nakatanaw sa labas ng bintana. Tumigil ang sasakyan sa isang bakanteng lote malapit sa plaza.

Nauna akong bumaba ng kotse at sumunod naman si Sage.

He's now wearing his black avaitor.

Artistahin yarn?

Grabe ang taas ng araw. Sobrang nakakasilaw. Kailangan talaga naka-sunglass sa gabi?

Hindi na rin n'ya suot ang coat, pero hawak-hawak naman ito. Tinanggal na rin ang blazer, tanging white long sleeve na lamang at necktie ang natitira.

"Wear this."

Inabot n'ya sa akin ang hawak na coat. Nagtatakang kinuha ko naman iyon.

"T-Thanks."

Jacket naman ang suot ko pero croptop nga lang. Kahit na, hindi naman ako nilalamig. Kinuha ko na lang din ang coat para walang masabi.

Nang masuot ko iyon ay nagulat ako nang bigla na lang hinawakan ni Sage ang wrist ko sabay hila.

"Hoy, dahan-dahan naman. Saka huwag mo nga akong hilahin."

Pero hindi n'ya ako pinakinggan at tuloy lang sa paghila sa akin papunta sa kung saan. Nakarating kami sa loob ng plaza.

"Wow! Ang ganda naman dito."

Napakalawak ng loob. May iba't ibang booth sa bawat gilid na halos mga naka-uniform ng OdS ang nagkukumpulan roon. Puno ng tao ang loob ng plaza at may kanya-kanyang ginagawa.

"Huwag kang lalayo sa akin."

Bulong ng lalaking kasama ko na kung makahawak sa akin ay parang makakawala ako.

"Paano ako makakalayo sa'yo kung hawak-hawak mo ako? Nasaan ang common sense doon?"

"Tsk! Daming sinasabi. Doon tayo." Tinuro n'ya ang likod ng plaza kung saan may iilang lumalabas at pumapasok na mga tao.

At hinila na nga po n'ya ulit ako.

Nakipagsiksikan kami sa grupo ng mga nagkukumpulang tao. Lumabas kami ng magulong plaza at pumasok sa hindi ko alam kung anong tawag ditong lugar.

"Saan tayo pupunta, Sage?"

"Sa City Market."

City Market?

"We're here."

Nang makalabas kami sa parang tunnel na hindi gaanong kadiliman, bumungad naman sa aking mga mata ang maliwanag na...

"This is the City Market. Kung sa mga tao ang tawag dito ay Star City."

Napanganga ako sa natunghayan.

May malaking Ferris wheel sa gitna, na mas malaki pa nga yata sa ferris wheel sa Star City. Kung marami nang tao sa plaza, doble ang dami ng tao dito. May mga grupo ng mga kabataang katulad namin ay hindi rin pumasok. Meron naman na partner-partner lamang at ang iba naman ay solo flight.

May mga booth sa paligid na nagtitinda ng kung anu-ano. May mga palamuting hindi ko alam ang tawag, may nagtitinda ng street foods pero wala akong nakitang shomai at fishball.

May street foods bang kulang ng fishball at shomai? Ang ikinangiwi ko pa, mga lamang loob lang ang tinitinda. Tapos 'yong juice nila kulay pula pa o parang medyo black pa nga eh.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon