CHAPTER 55

1.5K 55 0
                                    

CHAPTER 55

DAHAN-DAHANG nagmulat ng mga mata si Arissa. Puting kwarto. Puti ang kwarto na s'yang bumungad sa kanyang mga mata.

"Nasaan ako?"

Pinilit n'yang bumangon ngunit muli pa rin s'yang napahiga dahil hindi pa kaya ng kanyang katawan. Nakaramdam din s'ya ng matinding hapdi sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.

Napatingin si Arissa nang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang isang lalaking nakasuot ng pang-doctor na coat. Kasunod nito sina Tyron at Sage. Tila may malalim at seryosong pinag-uusapan ang mga ito ngunit ng mapatingin sa kanya ay para bang isang taon din silang hindi nagkita-kita.

"Ty? Sage? Nasaan ako? Anong nangyari?"

Nagkatinginan ang dalawa. Nang hindi makasagot ang mga ito, ang doctor na ang nagsalita.

"Mabuti naman at nagising ka na iha. I'm Doc. Ken and I'm your personal doctor. Ako ang inatasan ng Young Master na tumingin sa kalagayan mo. Wala ka bang nararamdaman? Masakit pa ba ang mga sugat mo sa katawan?"

"Ahmm... medyo mahapdi lang po ang mga sugat ko pero okay naman na ako, Doc. G-gusto ko lang pong itanong... kamusta ang baby ko?"

Doon na nagkatinginan ang tatlo.

Sa mga oras na 'yon nararamdaman na ni Arissa na may mali, na may hindi magandang nangyari. Dinaga ang dibdib n'ya dahil sa kaba. Kaba sa maaaring marinig na isasagot ng doktor sa tanong n'ya.

"D-doc, please tell me po. Kamusta ang baby ko? Okay naman s'ya 'di ba? Ligtas naman ang baby ko 'di ba po Doc? Sumagot ka naman Doc!"

Tumulo ang luha sa mga mata ni Arissa nang tumagal pa ang katahimikan bago tuluyang sumagot ang doktor. Huminga muna ito ng malalim bago s'ya pakalmahin. Ngunit paano s'ya kakalma kung nararamdaman n'yang masasaktan s'ya sa isasagot nito.

"Ms. Montecarlos pakiusap huminahon ka muna. Makakasama sa kalagayan mo ang matinding stress. Alam ko na masakit para sa'yo ang malalaman mo, but please, you also should think of your self."

"D-doc, ang baby ko. Ang baby ko, Doc."

"We're very sorry, Ms. Montecarlos. We did everything we need to make sure your baby is safe. But due to blood loss, the baby didn't make it. I'm so sorry!"

Parang nabingi si Arissa sa narinig. Hindi ito nagsalita o kumibo man lang. Nakatulala lang ito sa kawalan. Pilit na pinoproseso ang katotohanang nalaman.

"Ang baby ko."

Sobrang sakit. Mas masakit pa sa mga sugat na nasa katawan na natamo n'ya. Halos hindi na n'ya makayanan ang sakit na unti-unting dumudurog sa kanyang puso.

I loss my baby. Travis, we loss our little angle. Hindi ako nag-ingat. Pinairal ko na naman ang katigasan ng ulo ko. This is my fault. Kung nakinig lamang siguro ako sa'yo, hindi ako makukunan. I'm so sorry our little baby, patawarin mo si mommy dahil hindi ka n'ya naingatan.

Durog na durog ang puso n'ya pero parang tuyo na ang kanyang luha dahil wala nang lumalabas sa kanyang mga mata.

Pagod na itong umiyak, pagod na pagod na.

"Dollface you should rest. Kailangan mong magpagaling, para sa sarili mo. Tandaan mo na hindi lang ikaw ang nawalan, kahit kami rin ay nanghihinayang. Sinisisi ni Uno ang kanyang sarili dahil hindi s'ya nag-ingat. Hindi n'ya agad nakontrol ang sarili. Alam ko na kahit maging ikaw, sinisisi mo rin ang sarili mo, pero walang may kasalanan."

"Ty, ang baby ko. Wala na ang baby ko. Wala na s'ya."

Their baby.

Their poor little angel didn't make it.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon