CHAPTER 26

1.5K 54 0
                                    

CHAPTER 26


PUMUPUNGAS nang matang tinahak namin ang medyo masukal na daan papasok ng kagubatan. Kahit six na nang umaga ay madilim pa rin ang paligid ng nilalakaran namin, dahil na rin sa mayayabong na sanga at dahon ng mga punong kahoy. Nasa unahan ko naman si Kuya Migs na s'yang sinusundan ko. Ito kasi ang inutusan ni Sir Boss na sumama sa akin papunta ng Hacienda at ito rin ang may alam ng tamang daan patungo roon.

Masasabi kong hindi basta-basta ang pagpasok sa gubat. May ilang pasikot-sikot na daanan at mayroon ding dalawa o tatlong daanan. Pero isa lang daw ang tamang daanan sa tatlong daanan.

Gets n'yo ba?

Ibig sabihin, pampaligaw at pampalinlang ang dalawang maling daanan. Sa tatlong daanan, iisa lamang ang tama.

Iba rin ang utak ng magpipinsan 'no?! Mga wais!

"Anong itsura ng Hacienda del Cordovia, Kuya Migs?" Puno ng kuryusidad ang boses ko.

First time ko kasi ito na makapunta sa isang hacienda. Sa mga palabas lamang naman kasi ako nakakapanood ng mga mayayaman na may hacienda.

May kuwadra rin kaya roon? Gusto kong sumakay sa kabayo.

Maganda kaya ang view sa mga ganoong lugar?

Ang alam ko kasi napapaligiran ng luntiang kapaligiran ang mga hacienda. Matataas na punong kahoy, malawak na parang sa gitna ng kabundukan.

"Isa lang ang masasabi ko... refreshing."

Naexcite ako bigla.

Naiimagine ko na ang magandang tanawin sa gitna ng kabundukan na may malawak na berdeng kapaligiran. Malawak na sakahan na may iba't ibang tanim na puno ng prutas at gulay.

Sabik din akong makakilala at makipag-usap sa ibang tao, maliban sa mga tao sa mansion at sa tatlong magpipinsan. Hindi rin naman ako nakikipag-usap sa iba kong kaklasr dahil feeling ko ini-echos lang nila ako.

Parang gusto ko nang magmadali na makarating sa hacienda. Nakakasawa rin kasing makipagtitigan sa malawak na pader ng mansion, lalo na at sobrang tahimik pakiramdam ko multo ako.

Hindi ko naman palaging makausap ng matino si Sir Boss. Magsusungit lang iyon o di kaya naman ay lalaitin lang ako hanggang sa mainis lang ako sa kanya.

Wrong move iyon.

Maganda rin ito. Makakapamasyal naman siguro ako roon at hindi lang basta babantayan ang walang hiyang si Tyron. Ano ba naman kasing ginagawa ng lalaking iyon at hindi na lang manatili sa mansion?

Habang kinakabisado ko ang daang tinatahak namin, napahikab ako ng malakas na s'yang ikinatawa ni Kuya Migs.

"Ang aga mo yatang magising, Arissa? Inaantok ka pa eh."

"Hay naku, Kuya Migs. Sinabi mo pa. Alas-kwatro pa lang ginising na ako ng amo mong magaling."

Alas-kwatro yata ng umaga ay kinatok na ako ni Travis. Bigla ko tuloy naimagine ang bagong gising na itsura nito. 

Mukha itong hindi natulog.

Hindi naman malaki at malalim ang gucci bags n'ya sa ilalim ng mata, sadyang mukha lang s'yang hindi natulog. Gulo-gulo ang medyo asul na buhok nito, halatang nagpagulong gulong lang sa kama magdamag. Mas nakaattract din ang kulay puti nitong highlight na humalo sa magulo nitong buhok.

Tapos iyong mata.... jusko...

Nakikita ko ang luntiang kagubatang tinatahak namin sa kulay berde n'yang mga mata.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon