CHAPTER 43

1.5K 51 0
                                    

CHAPTER 43

NAKASANDAL ako sa dingding ng kwarto habang nakatitig sa natutulog na si Travis.

Nagpapahinga na ito at malamang dahil sa pagod at pananakit ng katawan kaya mabilis itong nakatulog. Pero natutulog ba ang mga bampira? Nagpapahinga lang siguro sila.

Iyong nangyari kanina, buong buhay ko hindi ko aakalaing magagawa ko iyon. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong sugatan ang sarili ko para lang ipainom ang aking dugo sa isang bampira, na never pumasok sa isip kong mangyayari sa akin. May kung ano sa loob ko na gustong tulungan si Travis at iyon lang ang tanging paraan na alam kong magagawa ko.

Nabasa ko sa isang libro na kailangang painumin ng dugo ang bampirang nanghihina dahil sa full moon.

At hindi ko inaasahan mai-aapply ko iyon ngayon, at sa boss ko pa.

Nagpunta ako dito, tinanggap ko ang trabaho, para sa kinabukasan naming tatlo ng mga kapatid ko. Pero hindi ko inaasahan na may mala-fantasy movie rin palang mangyayari sa akin sa loob ng ilang taong ilalagi ko sa mansion na ito.

May mga bagay at pangyayari talaga na hindi natin inaasahang mangyayari sa atin.

Pero hindi ako nagsisisi na napunta ako dito at nakilala ko si Travis. Hindi rin ako nagsisisi na nahulog ako sa isang bampirang katulad n'ya.

Life is really full of surprises.

Surprises that might change our lives, forever!

Napatitig ako sa aking braso. Tuyo na ang kaunting bahid ng dugo sa sugat pero sariwa pa rin iyon maging ang bakas ng pangil ni Travis.

Huminga ako ng malalim.

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog dahil sa nangyari kani-kanina. Ilang oras na akong nakaupo sa tabi ng natutulog na si Travis at hindi pa ulit ako bumabalik sa kwarto ko. Hindi rin naman kasi ako makakapagconcentrate kung gagawin ko ang report ko. Kaya napagpasyahan kong bantayan na lang si Travis habang hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Napatitig akong muli sa lalaking mahimbing na nagpapahinga.

Napangiti ako.

Napaka-amo ng kanyang mukha na hindi mo aakalaing isa palang mabangis at kinakatakutang mythical creature, isang bampira. Maliban na lang kung pagbabasehan ang physical appearance, pwede. Maputla ang kanyang balat na akala mo'y nakalunok ng isang boteng gluta. Malamig ang tempratura katulad ng isang patay. Those are some of vampire appearance.

At hindi ko rin ini-expect na may mga nilalang na katulad nila ang nabubuhay at pagala-gala sa mundong ito.

They can communicate with human being in an easy way. Ni walang nakakapansin na hindi sila tao. Even I, didn't realize in the first place na hindi ko pala kauri ang pamilyang pinagtatrabahuhan ko.

So, ibig sabihin tangin si Mr. Smith at Nanay Wilma lang ang nakakaalam ng kanilang sikreto? And ofcourse, me.

Nang mabagot ay nagpasya akong lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa library na nasa second floor para maghanap ng mapaglilibangang libro. Habang naghahanap ng magandang babasahin, nakita ko iyong kapareho ng librong nabasa ko sa opisina ni Travis.

Kinuha ko iyon bago nagtungo sa isang upuan sa tabi ng bintana. At hindi ko namalayan na napasarap na pala ako sa pagbabasa. Kung hindi pa ako nakaramdam ng antok ay hindi pa ako titigil.

Isinara ko na ang libro saka 'yon ibinalik sa kinalalagyan nito, pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa itaas. Sisilipin ko lang si Travis bago  bumalik sa kwarto ko para matulog. Madaling araw na rin pala. Kailangan ko na ring magpahinga dahil maaga pa ako bukas.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon