CHAPTER 58

1.5K 53 0
                                    

CHAPTER 58

MAY PALUNDAG-LUNDAG pang nalalaman si baby Zion nang hawakan nito ang kamay ng ina, pagkababa nila ng sasakyan.

"Mommy where we'll go first?"

"Saan ba gusto ng baby ko? Gusto mo bang kumain muna? Then after nating kumain mag-grocery na tayo?"

"Mommy gusto ko ng chicken po. Iyong may malaking bubuyog."

Arissa laugh at what her son said.

Napakainosente nito. Pero pagdating sa mga seryosong bagay ay aakalain mong mas matanda ito sa iyon.

"Ah, gusto mo ng chicken sa Jollibee?"

"Yes po, Mommy!"

"Okay! We will eat in Jollibee."

"Yehey!"

Tuwang tuwa si Zion. Ito pa nga ang naunang maglakad kaysa sa ina, na akala mo'y alam kung saan ba pupunta. Hila-hila ng tuwang tuwang bata ang kamay ng ina papunta sa fastfood chain na nais nitong kainan.

May ilang naglalakad sa loob ng mall na napapatingin sa dalawa, especially kay Zion. Cute na cute kasi ito sa suot na long sleeve blue polo at black jeans, na pinaresan din ng itin na sneakers. Parang binatang binata na talaga ito kung pumustura. At talagang bagay na bagay ang suot nito sa kanya. Kulang na nga lang ng shades at aakalain mo nang batang artista.

Hindi mapigilang mapangiti ni Arissa habang nagpapahila sa anak.

Sa bawat pagdaan kasi nilang mag-ina ay napapasunod din ng tingin ang mga taong naroroon sa mall. May ilan pa nga na tinuturo ang anak saka kukuhanan ng larawan. May iba naman na tuwang tuwa sa kabibuhan ni Zion lalo na iyong mga bagets pa at ang ilan naman ay iyong mag seniors na may mga apo na rin.

Naalala ni Arissa ang kanyang ina't ama. Kung nabubuhay lang siguro ang mga magulang ay tuwang tuwa rin ang mga ito sa apo nila.

Pero alam n'ya na kahit wala na ang mga magulang ay proud na proud ang mga ito sa kanya. At mula sa lugar kung nasaan man ang mga ito, alam ni Arissa na tuwang tuwa ang mga magulang sa kanyang anak.

"Waahh! Ang cute no'ng bata. Pwede nang maging artista."

"Paglaki n'yan, maraming maghahabol d'yan."

Sigurado rin si Arissa sa bagay na iyon.

Pero syempre mas gusto n'yang lumaking simple lang ang anak. Ayaw n'yang lumaki ang ulo nito dahil sa kasikatang matatamasa mula sa ibang tao. Dahil naniniwala s'yang ang malayo sa media at mayayamang pamilya, malayo rin sa issue at bali-balita.

At kung dumating man ang araw na makilala n'ya at maalala ang ama ng kanyang anak, mas nanaisin n'yang mamuhay ng tahimik at malayo sa gulo ng showbiz kasama ang mga ito.

Pagkatapos kumain nina Arissa at Zion ay napagpasyahan na nilang mamili muna ng mga grocery at ilang gamit sa bahay.

"Anong gusto ng baby ko?"

"Mommy I want chocolates po."

"Chocolates? Pero bawal sa'yo ang matatamis, hindi ba? Your doctor said it's not good for your teeth. Gusto mo bang masira ang ipin mo at mabungi ka? Sige ka, pagtatawanan ka ng mga tao."

"Pero Mommy konti lang naman po ang kakainin ko. Once in a day lang po, Mommy. Promise po ni Zion he will brush teeth po after kumain ng chocolates. Saka iinom din po ako ng more water."

Sunod sunod na sagot ng anak.

Napangiti naman si Arissa.

Syempre hindi pa rin n'ya matitiis na hindi ito pagbigyan.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon