CHAPTER 59
NAGISING si Arissa sa isang hindi pamilyar na lugar. Wala s'ya sa kwarto o sa kama, kundi nakahiga s'ya sa gitna ng isang malawak na damuhan.
Dahan-dahang bumangon si Arissa at saka inilibot ang paningin sa paligid.
Marami s'yang nakikitang malalaking punong kahoy sa paligid. Sana isang gubat s'ya kung ganoon. Ngunit anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon? At papaano s'ya napunta sa gubat?
Maraming gubat sa San Roque. Pero iisang gubat lang ang alam n'yang may ganito kalaking espasyo. At iyon ay ang gubat sa kabilang bayan, ang San Isidro.
Ilang beses na rin kasing nabalita sa radyo at television ang tungkol sa gubat. Maraming nagsasabi na kakaiba raw ang gubat na iyon kaysa sa mga normal na gubat sa San Roque. Ayon kasi sa ilang kabataan na nagtangkang pumasok sa gubat, tila nababalot daw ng kakaibang enerhiya ang lugar. Maraming nagtataasang puno sa paligid at malalagong damo. Ang mga baging na nakakabit sa bawat sanga ng mga punong kahoy ay nagbibigay ng mabigat na vibes sa mga taong nagtutungo roon.
May ilan pa nga na nagsasabing baka raw hunted ang gubat. May iba naman na nagsasabing baka roon ang kampo ng mga NPA o kaya ay mga mamamatay tao.
Wala namang makapagsabi kung totoo nga ba ang mga bali-balita ayon sa nasabing gubat.
Pero may ilan pa rin ang naniniwalang may diwatang nagbabantay sa gubat, upang mapangalagaan ang lugar laban sa mga taong nagtatangkang manira sa mga puno sa gubat.
Akmang lalakad si Arissa nang mapatigil s'ya. Wala s'yang suot na kahit anong pansapin sa paa. Nakapagtataka! Anong nangyayari sa kanya? Paano s'ya napunta sa gubat na wala man lang suot na tsinelas? Naghihirap na ba sila? At nasaan ang mga kasama n'ya? Si Zion?
At upang malaman kung nasaan nga ba s'yang lupalop ng pilipinas naroroon, nagpatuloy s'yang muli sa paglakad. Lakad lang ng lakad si Arissa hanggang sa makarating s'ya sa harap ng isang malaking gate.
Gawa sa bakal ang mataas at malaking gate na may nakaukit na uwak sa itaas nito. Makapal at mukhang napakatibay ng pader na humaharang sa kung ano man ang nasa loob ng gate.
Lumapit siya't sinipat ang kalooban.
At dahil madilim pa, hindi n'ya maaninaw kung ano bang meron sa loob niyon. Hahawakan na sana n'ya ang gate nang bigla na lang itong bumukas. Lumikha ng malakas at masakit sa taingang ingay ang pagbubukas nito.
"Hala! Bakit biglang nagbukas?"
Gulat na napaatras si Arissa.
Wala naman s'yang ginagawa ngunit tila ba computerize ang gate dahilan para bumukas ito kapag nasense na may tao sa labas.
Pero bakit kaya ito bumukas?
Ibig bang sabihin, maaari s'yang pumasok sa loob? Paano kung makita s'ya ng may-ari at mapagkamalang magnanakaw? Eh 'di nayari na s'ya?!
"Hindi bale na. Mukhang wala namang tao. Saka gusto ko lang malaman kung anong lugar ito."
Kahit kinakabahan sa maaaring mangyari ay pumasok pa rin si Arissa sa loob. Pagkapasok n'yang kusa ring sumara ang gate.
Nagpatuloy si Arissa sa paglalakad sa gitna ng mahabang pathway na napagigitnaan ng malawak na vermuda grass sa magkabila. Siguro kung umaga lang ay mas maaappreciate ni Arissa ang paligid. Mukha kasing nasa isang private land s'ya ng isa sa mayayamang negosyante sa bayan ng San Roque
Mula pa lang sa malaking gate ay alam n'yang may mansion na nakatayo sa gitna ng malawak na lupain.
At hindi nga s'ya nagkamali.
BINABASA MO ANG
Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓
VampireTRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; and in order to survive, build a strong wall and don't let your heart fall. Arissa Paige is the brea...