Chapter 18.2: Cedric James Flores
Matangkad. Varsity. Matalino. Matangos ang ilong. Singkit. With perfect set of white teeth na akala mo eh nagmomodel ng isang brand ng toothpaste.
Ganyan ko siya ide-describe base sa picture na hawak ko ngayon. Kuha ang picture na ito nung championship nila sa basketball two years ago. Binigay to sakin ni Kaye.
Si Cedric yung typical playboy na mababasa mo sa story sa wattpad. Varsity siya kaya lapitin ng babae. Nasabi ko naman na yun last update diba? Pero higit dun, matalino din kasi siya kaya lang TAMAD kaya hindi tuloy halata. Nasabi ko na din yan. Gusto ko lang ulitin. (TAMAD talaga siya parang yung author kaya ang tagal ng update. Dejoke. Busy talaga yung author. Hahaha.)
Sabi nga ni Kaye, si Cedric ay parang walang kaseryosohan sa buhay pero once naman na alam nyang seryosong tao ang kausap nya, seryoso din siya.
Babaero. Umiinom. Nagyoyosi. Ewan ko nga kung bakit nakakapagbisyo sya eh diba athlete siya? Tapos laging absent sa klase kasi priority nya yung game niya. Kapag pumasok naman ang ginagawa lang niya ay matulog.
In short, siya yung typical fictional character na nasa wattpad. Yung tipong sa simula ng story eh kinaiinisan ng bida sa pagiging badboy pero at the end of the story, mamahalin din dahil sa pagiging ideal niya.
Pero ako? Siguro nga hindi ako bida sa isang wattpad story. Di ako katulad nung ibang nerd na bida na kapag naayusan eh sobrang ganda. Kasi kahit anung gawin ko ata, mukha pa din akong nerd. At saka, nagustuhan ko kasi siya sa simula pa lang ng story namin. Ay mali. Nagustuhan ko na siya bago pa magsimula ang story namin. Duwag lang ako nun kaya hindi ko naamin. Kasi ang love story naming dalawa? Isang example ng nakakalokong 'once upon a time' na sinundan agad ng 'the end'. Oo. The End. Hindi 'happy ending' o 'happily-ever-after'. Wala naman kasi kami sa isang fairy tale para magkaron ng ganun.
Ang story namin, bago pa magsimula talaga ay natapos na agad. Mahal daw niya ako. Natakot ako. Nawala siya. Saka ako naging handa. Nasaktan ako. Nagmove on. Ngayong okay na ko, babalik siya?
GRABE NAMAN TADHANA!!! BAKIT MO NAMAN AKO PINAGLALARUAN NG GANITO?
Kinuha ko yung dati kong phone. Pinakinggan ang isang voice record. Ito yung time na tumawag siya sakin at kinantahan ako ng Para Sa'yo.
Bawat linya sa kantang ito saktong-sakto sa aming dalawa. Para bang isinulat tong kantang to para sa aming dalawa.
Nagdadrama nalang din naman ako, bakit di ko pa lubos lubusin diba? Pinindot ko yung play at narinig yung boses na sobrang familiar sa tenga ko at hanggang ngayon ay nagpapabilis ng sobra sa tibok ng puso ko.
Lumayo ka na sa akin
Wag mo kong kausapin
Parang awa mo na
Wag kang magpapaakit sa akin
Ayoko lang masaktan ka
Malakas ako mambola
Hindi ako santo
Ewan ko kung bakit pakiramdam ko sinasabi nya sakin talaga to. Oo malakas ng sya mambola. Kaya siguro ang daming babaeng nahuhulog sa kanya.
Pero para sa'yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo

BINABASA MO ANG
It's Gotta Be You
Teen FictionLove develops slowly. It can either make you or destroy you. Love motivates and will bring the best out of you. <3