Chapter 19: Back to Reality
End of Flashback... (Refer to Chapter 1)
Ganito pala yung feeling. Parang slow motion ang lahat. Pakiramdam ko napakahaba ng aisle na nilalakaran ko ngayon papalapit sa lalaking mahal na mahal ko.
I just can't wait to start my forever with him.
Pakiramdam ko tumigil ang mundo sa pag-ikot. Pakiramdam ko siya lang at ako ang tao ngayon dito. Siya lang ang nakikita ko. Nabibingi na din ata ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sobrang overwhelmed ako sa nangyayari na parang ang hirap paniwalaan.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako, naiiyak pero nakangiti dahil sa sobrang saya. Totoo nga pala talagang nakakabaliw ang pag-ibig. Dahil kaya mong maramdaman ang madaming emosyon sa iisang pagkakataon dahil sa isang tao. Pakiramdam ko mayroong butterflies sa tiyan ko ngayon. Akala ko sa wattpad lang ang ganito, meron din pala sa totoong buhay. Ewan. It is exactly the same feeling I felt the first time I saw him.
At muli akong napangiti nang maalala ko ang oras na yun. Ang oras kung saan ko siya unang nakita at nakausap ng personal.
Flashback...
"Maicaaaaaa! Bumangon ka na diyan!"
Hay naku. Ang aga aga nambubulabog tong si Kaye. Dapat yata ay i-lock ko na ang kwarto ko para hindi siya basta basta nakakapasok eh.
"Maica dali na bangon na dyan!"
"Kaye naman ang aga-aga pa oh." Sabay tingin sa orasan sa ibabaw ng lamesa ko. "Kaye naman! Alas singko pa lang ng umaga!!! Patulugin mo muna ako." Sabay talukbong ng kumot dahil sobrang inaantok pa talaga ako.
Napuyat kasi ako kagabi. Panu ba naman kasi ay alas tres na ng umaga kami natapos mag-usap ni Cj. Kaya sobrang antok pa ko. Two hours pa lang ang tulog ko, wala pa nga ata eh tapos bubulabugin na nya ko. Huhuhuhuhu T______________________T
"Sige na nga. Di nalang kita isasama sa pag-uwi ko sa Bataan. Sayang at naipaalam pa naman na kita kina Tita na isasama kita sa fiesta at birthday ng tita ko."
Wait. Ano daaaaaaaaaaw?!
Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga ko.
"Uuwi ka? At isa-sama mo ako?!"
"Oo. Kaso ayaw mo bumangon dyan. Kaya sige babye nalang." At saka siya dahan-dahang lumakad papuntang pinto.
"Hintayin mo ko sa baba, maliligo lang ako."
---
Okay na kami ni Cj. Balik sa dati? Siguro.

BINABASA MO ANG
It's Gotta Be You
Dla nastolatkówLove develops slowly. It can either make you or destroy you. Love motivates and will bring the best out of you. <3