Chapter 16: Katorpehan101
Nathan's POV
Lahat na siguro naguguluhan kung bakit biglang nagbago ako. Lalo na siguro si Maica.
Ewan ko ba. Naguguluhan din ako.
Bago yung swimming namin sa Batangas, nag-usap kami ni Myco. Inuman actually.
Tinanung nya ko tungkol sa nararamdaman ko sa kapatid nya.
Ngumiti lang ako.
Sinapak nga ako nung gag* e.
Sabi ko sa kanya hindi ko alam.
Totoo naman e. Hindi naman kasi ako sigurado pa. Di ko alam kung gusto ko ba siya o nasanay lang ako sa presence nya.
"Ang labo mo Pre! Daig mo pa babae."
Yan. Yan ang sinabi sa'kin ni Myco nung sabihin kong di ako sigurado. Buti nga't di ako sinapak ulit.
Naalala ko nung dinala ko si Maica sa isang playground. Nung tinanung nya ko kung may nagugustuhan daw ba ako.
Di ako makasagot.
Di ko kasi alam.
May nagustuhan na ko noon. Pero hanggang dun lang. Hanggang gusto lang. Natatakot kasi ako na baka pag lumalim eh, hindi ko na kayanin. Natatakot ako sa rejection. Sino ba namang hindi diba?
Yung kay angel? Gusto ko sya kaya ko siya niligawan. Pero seryoso ako sa kanya. Hindi ko nga lang masasabing minahal ko sya pero gusto ko sya. Magkaibang bagay ang dalawang yun.
Nag-isip-isip ako. Tinry ko na medyo lumayo. Ito naman kasing si Myco, bigla nalang umalis. Sa akin pa iniwan yung kambal nyang pasaway na cute na ang ganda ngum-- Wait. Ano ba tong sinasabi ko?! Ayun. So mas hindi ako makapag-isip kasi lagi ko siya dapat kasama.
At may narealize naman ako.
Siguro nga gusto ko na si Maica. Mahal ko na nga ata e.
Bakit di ko pa nasabi? Kasi di pa naman ako sigurado dati.
Sasabihin nyo torpe ako? Parang sakit naman ata talaga ng halos lahat ng lalaki yun. Lalo na yung mga seryoso. Kasi kung talagang gusto namin ang isang babae, ilang libong beses pa bago kami makapag-isip ng magandang salita na mag-eexplain ng nararamdaman namin. At mahirap mag-ipon ng lakas ng loob para sabihin ang mga salitang yun.
Gusto ko nang sabihin sa kanya. Oo nga. Sinabi kong naduduwag ako sa possibility ng rejection, pero parang mas mahirap namang kalabang yung "what ifs." Ayoko nang rejections, sino ba namang may gusto diba? Pero kung hindi ako susugal ngayon, wala akong chance manalo. At para ko na ring sinampal sa sarili ko yung rejection na kinatatakutan ko.

BINABASA MO ANG
It's Gotta Be You
Novela JuvenilLove develops slowly. It can either make you or destroy you. Love motivates and will bring the best out of you. <3