Chapter 8: Valentine’s Day
This is it. Ngayon na yung play. Kinakabahan ako. Ang mga gaganap eh galing sa lower years. Since kaming mga 4th year ang ginawang committee.
After ng play eh, magsasalita ako sa dulo. Shemaaays. Di pa naman ako sanay mag-speech sa harap ng marami. Writter ako. Hindi Speaker.
Nandito ako ngayon sa likod ng stage. Nanunuod sa mga performers. Ang gagaling nila. Si Nathan ang nasa sounds. Tas si Kaye naman ang sa props. Galing naming noh.
Ang plot ng story ko? Simple lang. High school life. Kung saan makikilala mo ang mga friends mo na for keeps talaga. Although not in all cases. Ang high school life na best stage sa buhay ng lahat. Kasi sobrang enjoy. Yung tipong meron ng konting freedom. Makakapag-decision ka na kahit papano kasi medyo grown up ka na. Yung crushes na inspiration sa pagpasok sa araw araw. Love ang theme nitong play dapat kasi valentine’s. Pero sabi ng iba, high school love doesn’t lasts. Maybe for some. And maybe not for some. Iba-iba naman kasi e. But there is one love na mananatili. Yung love ng family at ng friends.
After ng program, umuwi kami kaagad ni Kuya Myco. Nakaka’stress ang play na yun pero worth it. Ang saya ko kasi naging successful. Y(^_^)Y
Tumawag si Cedric. Nagdadalawang isip akong sagutin yung tawag nya. Sabi kasi sa’kin ni Kaye, mukhang may something para sa’kin ang pinsan nya. Well, ako din naman. Pero ano bang malay ko kung totoo tong nararamdaman namin.
Nung una, nagdecide akong mag-go with the flow nalang. Kaso, ewan ko ba. Alam kong maraming nagkakagusto sa kanya. Sino ba naman ako kumpara sa mga babaeng yun diba? Matagal tagal na kaming magkakilala. Madami na kaming napag-usapan. Naikwento nya sa’kin yung about sa tatlo nyang ex. Oo. Tatlo na. Eh high school pa lang kaya kami.
Yung una nyang ex, medyo sineryoso daw nya yun. Tumagal sila 3months ata. Eh, 2days nya lang niligawan yun ha? Tas yung pangalawa at pangatlo, ayun, sabay yung dalawang yun. Niligawan nya yung pangalawa. Talong araw ata. Tas nung sila na, kinausap daw siya nung pangatlo, kahit daw maging kabit daw nya. WOW. At si mokong, pumayag. Pero laro laro lang daw yun.
So, panu kung laro laro lang din ako? Tas LDR (Long distance relationship) pa kami if ever.
So ayun, umiiwas na ko. Lagi kong dinadahilan na busy ako.
He’s so persistent. My phone keeps on ringing so I decided to take the call.
“Hello?”
“Buti naman sumagot ka na Mai. You’ve been ignoring me.”
“Ahmm, Ced sinabi ko naman sayo na medyo magiging busy ako diba? Kakatapos lang ng play namin at ng coaching namin sa English. Sorry for ditching your calls and messages.”
“So I suppose makakausap na kita ng maayos? May gusto kasi akong sabihin sayo. Actually, kinukulit nga ako ni Kenneth eh. Pero, di ko lang alam kung pano ko sasabihin sayo.”
Si Kenneth yung kapatid ni Kaye. Super gusto niya ako para kay Ced. Ewan ko.
“Spill it. What is it?”
“I want to court you. Will you let me?” Gusto ko. Pero natatakot ako. Nung nag-usap kami ni Kaye, akala ko ready na ko. Hindi pa din pala.
“Ced. You know my answer right? Ni hindi pa nga tayo nagkikita personally e. Baka mamaya hindi mo naman talaga ako gusto.” ~T_T~ Ayoko na masaktan. Baka kasi talagang mahulog na ko sayo pero di mo ko saluhin.
“Mai. Kung gusto mo pupunta ako dyan. Haharap ako sa parents mo pati sa kuya mo. I’m serious. I really do like you.” ⊙﹏⊙ Seryoso nga ata siya. Hala. Eh, panu kung di magwork? Panu friendship namin? Huhuhuhuhu T_____T
BINABASA MO ANG
It's Gotta Be You
Roman pour AdolescentsLove develops slowly. It can either make you or destroy you. Love motivates and will bring the best out of you. <3