Chapter 18: Cedric James Flores
Maica's POV
"Uyy Maica. Kanina ka pa nakatulala dyan." Sabi ni Sunget na kanina pa pala ko kinakausap. "Sino ba yang nagtext?"
Sino nga ba?
Edi si CJ. Si Cedric James Flores. Siya lang naman. Wala namang issue dun.
Oo tama hinala ko. Siya nga yung nagtext. Sa kanya lang naman din kasi nagrereact ng ganito yung puso ko. Ewan ko nga kung bakit e. Siguro namiss ko lang siya kasi matagal kaming di nakapag-usap.
Siguro ganun nga.
"HOY! Kanina pa kita kinakausap." Pasigaw na sabi ni Sunget sa'kin. I'm spacing out again.
"Ayy wala sunget. Wrong number lang." Pagsisinungaling ko. Bakit nga ba di ko sinabi sa kanya? Eh kasi di naman nya kilala si cj.
"Ano gusto mong isunod na movie?"
"Ayy sunget. Uwi na ko. Inaantok na kasi ako e."
"Ahmm, sige. Dalhin mo na tong fries." Sabay abot sa'kin nung fries.
Umalis na ko. Alam ko na medyo nagtataka si Sunget habang tahimik akong lumalakad palayo.
Ewan. Hindi ko din alam bakit ganun. Bakit parang huminto yung oras nung nagtext siya. At hindi ko alam kung bakit biglang nagbago yung mood ko.
Agad-agad akong pumasok sa kwarto ko. Kinuha ang isang maliit na kahon sa pinakadulo at pinakatagong parte ng cabinet ko.
Ang dati kong phone. At notebook.
Nagpalit ako ng phone nung time na nalaman kong may gf na siya. Kung bakit? Hindi ko alam. Siguro kasi punong puno nang messages niya ang inbox nitong phone na to. Punong puno ng pangalan nya yung call logs. At picture nya ang wallpaper ko. :( Picture na hiningi ko kay Kaye.
Abnormal nga ako na lagi ko pa ding china-charge ang phone na ito para wag masira. Lagi kong pinapaloadan ang sim ko para wag madeactivate. At lagi pa din akong umaasa na may message na manggagaling sa kanya.
Pero wala. Wala ni isa.
Tiningnan ko yung notebook.
Isang maliit na notebook na puro text messages nya na sinulat ko ang laman.
Magmula sa pinakaunang message nya, yung good mornings at good nights, pati yung mga korning banat nya na kinilig naman ako.
Siguro nga ganun talaga kalakas ang epekto nya sa'kin. Naiiyak na naman ako. At hindi ko alam kung bakit. Naaalala ko na naman yung time na sinabi nya na may gf na sya. Ang sakit kasi. Sabi niya kasi mahal niya ko. Sabi niya mahalaga ako. Pero lahat yun sabi niya lang. Kasi hindi naman totoo.
Sabi ko magmomove on na ko. Ano ba yan? Magmomove on ako eh hindi nga naging kami. Hays. Sabi ko kasi dati di ako maiinlove. Sabi ko friends lang. Sabi ko hanggang dun lang. Pero sabi ko lang din yun.
Si cj kasi yung comfort zone ko. Parang naging madali sa'kin ang mag open sa kanya ng mga bagay bagay kasi di naman nya ko personally na kilala. I mean. Oo pinsan siya ni Kaye. Pero di pa kami nagkita ever.
Saka may something sa kanya na di ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko. Kapag tinotopak ako, isang text lang galing sa kanya, okay na ko. Kapag walang wala na kong confidence sa sarili ko, naboboost nya ulit yun.
Gwapo sya. Matangkad. Matalino. Magaling sa sports. Masarap kausap.
Pero.
Babaero. Hmm, lapitin ng babae. Yun ata yung term. Umiinom ng alak. Nagyoyosi. In short may bisyo. Nasabi ko bang matalino sya? Yeah. Matalino PERO BULAKBOL. TAMAD MAG-ARAL. Sadyang matalino kaya pumapasa sya kahit ganyan ginagawa nya. Puro laro kasi nasa isip nya.
Pero responsable naman sya e. Yun nga lang may pagkaisip bata talaga. Bully din yun minsan. Malakas kasi mantrip. Pero sobrang sweet. Siguro kasi nga babaero kaya sweet.
Unknown number calling...
Dugdug. Dugdug. Dugdug.
"He-hello?"
"Maica."
Boom. The bomb exploded the moment I hear him say my name. Parang lahat ng inis ko sa kanya nawala. Nakakainis naman oh. Ang unfair. Bakit ganun?
"Sino to?" Sabi ko. Gusto ko marinig mismo sa kanya yung confirmation.
"Cedric. Hmm, musta ka na Maica?"
"Okay naman. Ikaw?"
"Okay naman din."
Moment of silence. Ngayon lang yata nangyari na naubusan kami ng pag-uusapan.
"Musta school?"
Siya unang nagsalita.
"Hmmm, okay naman. Masaya naman. Madaming new friends. Ikaw? Musta pala kayo ng gf mo?"
Ge lang Maica. Saktan mo sarili mo sa mga tanung mong ganyan. Tsk. Tsk.
"Wala na kami. Last month pa."
Dugdug. Dugdug.
Di ko maexplain nararamdaman ko. Hmmm, masaya ba ko?
Bago pa ko makasalita ay narinig ko nang tinatawag ako ni mommy para kumain ng dinner.
"Hmm, cj. Kakain na kami ng dinner. Next time ulit. Bye."
At iend ko na yung call.
Ang bilis pa din ng heartbeat ko. Magpacheck up na kaya ako at baka may sakit na ko sa puso.
Tiningnan ko yung phone ko. Napahawak nalang ako sa may puso ko. Ang bilis pa din talaga ng tibok.
Napatingin ako sa salamin sa tapat ko. At di ko napansin na kanina pa pala ko nakangiti. Yung totoong ngiti. At siya pa din ang reason nang ngiti kong yun.
Cedric James Flores. Sino ka ba at ganito ang epekto mo sa'kin? Bakit ba nagkakagulo ang sistema ko nang dahil sayo?
BINABASA MO ANG
It's Gotta Be You
Teen FictionLove develops slowly. It can either make you or destroy you. Love motivates and will bring the best out of you. <3