Chapter 12.2: Memories
Napansin ni Kaye at Myco na parang hindi maganda ang atmosphere kina Maica at Nathan.
After kasi na kaladkarin ni Nathan si Maica ay hindi na lumabas si Maica sa kwarto nya.
Pinipilit nilang lumabas ito pero ayaw talaga. Ni ayaw nga silang kausapin. Di nila alam kung ano ang naging pag-uusap nung dalawa dahil paglabas ni Nathan kanina ay galit ito na parang nagsisisi na hindi nila maunawaan.
Tinry nilang kausapin si Nathan. Pero bumalik lang ito sa pagiging man of one word.
Hinayaan na lang muna nila ang dalawa dahil alam nila na sa ugali ni Maica, lalo lang silang hindi kakausapin nito. At alam din nilang di nila mapipilit magkwento si Nathan.
***
Maica’s POV
Kanina pa katok ng katok sila Kuya at si Kaye. Siguro pansin na nila na di kami okay ni Sunget.
Okay naman na ko. Siguro nainis lang talaga ko sa kanya. Kapikon na kasi siya minsan.
At ngayon, ito ako. Nakatunganga sa tapat ng laptop ko, habang hawak ang cellphone ko. Hinihintay ko na magsorry siya sa’kin. Pero mamumuti na ata talaga ang mata ko pero wala pa din akong matatanggap na text mula sa kanya.
One message received.
Shems. Siya na ba to? Sana.
Dahan dahan ko pang binuksan ang phone ko. At ang nakakainis? Hindi pangalan nya ang nasa screen. Isang gm mula sa isang classmate kong grabe kung maka-hugot. Si Myra. Ayy grabe lang. Parang laging may galit sa mundo kung mag-gm.
Binuksan ko text nya. Kawawa naman kung di ko babasahin.
Kung minsan nga nama’y nakakabitter yung may katabi kang magsyota. Tss. Maghihiwalay din kayo wala kayang forever.
G.
Oh diba? Galit sa forever si ateng. Message delete.
Nakakaasar lang makabasa ng mga ganyang gm.
One message received.
Hay. Nakakaasar naman. Baka isang madramang message nanaman.
Ayoko na buksan.
One message received.
Matutulog na lang nga ko.
One message received.
Hays. Mabuksan na nga lang.
Sunget
Wait.

BINABASA MO ANG
It's Gotta Be You
Teen FictionLove develops slowly. It can either make you or destroy you. Love motivates and will bring the best out of you. <3