Chapter 2: Bus ride with an @sshole
“Ahmm, excuse me. Pwedeng pakibaba yung gitara mo? Para makaupo ako?”
-_-
“Excuse me kuya! Sabi ko pakibaba yung gitara mo.”
-_-
Aish. >.< BV na ko talaga. NR talaga? Wow. Napaka-ungentleman naman nito. Nagbabayad ba yung gitara nya? Hindi naman aa.
“SABI KO PAKIBABA YUNG GITARA MO PARA MAKAUPO AKO! BAKIT BAYAD BA YANG GITARA PARA PAUPUIN MO?” Wala na. Inis na talaga ko.
“Oo. Bayad tong gitara ko. So please miss, tumahimik ka! Ang ingay-ingay mo!”
O-K-A-Y. Pahiya ako. Binayaran pala nya yung gitara nya. Grabe naman. Ganun ba nya kamahal yung gitarang yun? Teka. Parang pamiyar tong bastos na to aa? San ko nga ba siya nakita?
Hmm.. San nga ba?
NP: I’m with you
♪It's a damn cold night
Trying to figure out this life
Won't you take me by the hand?
Take me somewhere new
I don't know who you are
But I... I'm with you
I'm with you♪
Shems. Tumatawag na si kuya myco.
“Hello?”
“HOY MAICA! ANUNG ORAS NA? ASAN KA NA HA? DI KA SUMABAY SA’KIN KASI SABI MO KASAMA MO SI KAYE. EH, KANINA PA NAKAUWI SI KAYE! SAN KA BA NAGSUSUSUOT HA?”
“Kuya pauwi na ko. Don’t worry. May tinapos pa kasi ako eh. Di ko tuloy namalayang gabi na pala.”
“Osige. Mag-ingat ka. Susunduin nalang kita sa may kanto.”
“Sige bye kuya.”
Si Kuya Myco talaga kahit kelan oa. 7pm pa lang naman. Tss. -_-“ Si Myco Fernandez, yung panget na tumawag. Kambal ko yun. Pero dahil nauna siyang ilabas sa mundong ibabaw eh, kelangan ko daw siyang tawaging kuya. Dalawa lang kami na magkapatid. Same school ang pinapasukan namin. Classmates. Kaya nga ang daming naiintimidate sa’kin na girls. Kasi lagi kong kasama ang isa sa heartthrob ng school. Varsity si kuya ng basketball. Tapos ang gwapo pa. DAW. Ewan ko sa mga mata nung iba kung bakit naman naiinlove sila sa panget na yun.
Teka, ba’t dito din bababa tong bastusing walang modong masungit na panget na to?! Kapit bahay ko ba siya? Ba’t parang di ko naman siya nakikita? Malamang kasi di ka lumalabas ng bahay. Ay bastusing kunsensya to. Kinontra pa ko. Oo nga pala. Taong bahay pala ko.
“Oh Maica, ba’t ginabi ka ata? Kanina pa nakauwi yung kuya mo.”
“Sorry po mi. May tinapos pa po kasi ako.”
“Osiya magbihis ka na muna tapos kumain ka na.”
“Mi, busog pa po ako. Kumain na po ako bago umuwi eh. Gagawa nalang po muna ako ng assignments ko.”
“Sige.”
Hay. Paano ko kaya sisimulan tong script na to?
One message received.
From: Kaye-ganda :)
~Kelan pa naging ganito pangalan nito sa cp ko?
Mai. Mall tayo bukas. Tas sa bahay ka na magdinner. ت
To: Kaye-ganda :)
Osige. Bakit anung meron? Tawag ka nalang landline. Wala na kong load e.
Riiiiiiiiiiing. Riiiiiiiiiiiiiiing. Riiiiiiiiiiiiiiing.
“Hello Kaye?”
“Maaaaaaaaaaaai. Birthday kasi ng pinsan ko next week. Wala pa kong gift. Tulungan mo ko humanap. Mahilig din yun magbasa. So, baka alam mo kung anong magandang book na ibigay.”
“Osige. Novels din ba?”
“Yep. Err. Tumawag kuya mo kanina. Hinahanap ka.”
“Oo nga e. Kasi di ko namalayang late na pala. Kumain din kasi muna ako bago umuwi.”
“Musta pala yung ginagawa mong script?”
“Ayun, wala pa ding progress. Kahit nga title wala e. Kainis. >.<
“So, BV ka na nyan? Kaya mo yan!”
“Actually, BV talaga ko. Panu ba naman kasi may nakasabay ako sa bus na bwisit na bastos na walang modo kanina. Nakaupo yung gitara nya kaya di ako makaupo. Aba’y nung sinabi kong di naman bayad yung gitara nya, sinungitan ako. Bayad daw yung gitara nya. Asaaaaaaaaar. Sinabihan pa kong maingay.”
“Alam mo naman kasi Mai, masyadong mabilis uminit yang ulo mo. Lagi ka pang nakasigaw kapag bv ka na. Baka sinigawan mo nga.”
“Hay. Ganun ba ko? Di ko maiwasan e. Kaasar kasi siya. Kaso alam mo Kaye, parang familiar siya sa’kin. Di ko lang maalala kung san ko nakita. Hmmm…”
“Baka sa school?”
“Kapitbahay namin siya. Pero alam kong di ko siya dito nakita. Maybe somewhere…”
Shemaaaaaaayssssssss! Alam ko na!
“Kaye. Mukhang natatandaan ko na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Siya yung nakabangga sa’kin sa park na di man lang nagsorry.”

BINABASA MO ANG
It's Gotta Be You
Teen FictionLove develops slowly. It can either make you or destroy you. Love motivates and will bring the best out of you. <3