Chapter 14

58 3 8
                                    

Dahil lagi mong tinatanung kung kailan ang UD. Dedicated sayo tong chapter na to. :)

Chapter 14: Perfect Maturity

First day of school.

At hindi ako excited. In fact, kundi pa pumunta si Sunget ay di ko pa maaalala na pasukan na naman pala. ಥ_ಥ

College.

Oo college na ko.

MATURITY. Big word.

Pero I think, kailangan ko yun talaga. Lalo pa na wala dito si Kuya Myco. ︶︿︶

A week after kasi ng trip namin sa batangas eh, hinatid na namin siya sa airport.

Para tuloy ang lungkot ng bahay. Kulang kasi eh.

"Hoy Maica! Ang bagal mo naman kumilos dyan!"

Ayan na po si Sunget. Balak na yata nyang gibain ang pinto ng kwarto ko.

"Psh. Eto na nga eh. Ang aga-aga pa kaya." 

"Tara na."

Okay Maica. Pagpasensyahan mo na ang isang yan. alam mo namang may PMS yan. Hahahaha.  ᵔᴥᵔ

"PMS ka dyan. Bilisan mo na lumakad."

Narinig nya sinabi ko? (O.O)

"Oo! Ang lakas mo bumulong. Kundi lang--"

"Oo na. Oo na. Kundi ka lang sana natalo sa game nyo ni Kuya, hindi ka sana mag-aalaga ng isang isip batang katulad ko? Memorize ko na. Kasalanan ko bang weak ka? Hahahaha."

Bago pa siya magwala eh, hinatak ko na siya pababa. Weak naman talaga siya. Lels.

Kala ko dala nya yung kotse nya. Pero hindi pala.

Kaya pala siya nagmamadali dahil magko-commjute kami. Oo. Kasi nga coding daw kasi siya eh.

Swerte.

Hindi naman ako maarte no. Okay lang sa'kin mag-jeep. Pero late na nga talaga kami.

Ayoko naman magFx or magtaxi. Nasusuka kasi ko sa amoy nung pine tree. Hahaha. Basta ayoko nung amoy nung air refreshener.

Siksikan nga lang sa LRT kanina. First day kasi kaya madami pang estudyante.

Pag dating namin sa University of Echos, hinatid muna niya ako sa SFC304. Saka siya pumunta sa College of Engineering.

Pagpasok ko, konti pa lang ang nandun. At wala pang prof. Ganito pala sa college.

Kala ko katulad nung high school na bawal ma-late kasi masasaraduhan ka ng gate.

Sa unahan ako umupo. Ayoko sa likod kasi baka ma-distract ako sa ingay.

It's Gotta Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon