Chapter 7: Harana
After mag-usap ni Kuya at ni Sunget, parang lumayo na siya sa’kin. Well, kinakausap naman nya ko. Pero di na katulad ng dati. T__________T
Isang buwan na yung lumipas pero di na nya ko masyadong nilalapitan. Parang bigla kaming nagkaroon ng gap sa isa’t isa. Biglang lumayo yung pagitan sa’ming dalawa kahit magkatabi lang naman kami sa room. Minsan nga lumilipat pa siya ng upuan. Kahit simpleng convo nga parang ang hirap na gawin. :'(
Bakit ganun? Dati parang inis na inis ako sa kanya kasi lagi nya kong binubwisit. Ngayon, nakakamiss din yung taong nangungulit noh?
Dati nabubwisit ako kapag ginugulo nya yung buhok ko kahit kakasuklay ko lang. Naiinis ako kapag nilalagyan nya ng scratch ng geom yung bulsa ng bag ko tas kapag ginantihan ko, paglilinisin ako ng bag nya. Nakooo. Pasalamat siya mabait ako. Yung mokong na yun kasi, super linis sa bag nya. Parang babae. May dalang alcohol, powder, suklay at salamin. Bakla ba yun? Di naman ata.
Naalala ko tuloy nung minsan. First grading namin. Nagpustahan kami na pataasan ng grade sa values. Hahahaha :D Kung sinong matatalo, slave for 1 week. 98 ako tas 97 siya. One point ang lamang ko. Ang walangya, lagi akong tinatakasan kapag mag-uutos ako. Eh, may pagkaulyanin pa naman ako nun. Nakakalimutan kong ako boss nya for 1 week. ABA ANG LOKO, AKO ANG INUUTUSAN. AKO NAMAN SI SHUNGA, SUMUSUNOD. >.<
Naputol ang pag-iisip ko nung marinig kong may nag-strum ng gitara.
Nakita ko siya. Kasama yung isang classmate namin. Si Christine. Nag-gigitara siya. Wala kasi si Ma’am TLE kaya free hour namin.
Akala ko ba masungit siya sa ibang babae? Ba’t parang naging friendly na siya? o_O
Uso pa ba, ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka..
Sino ba tong mukhang gagong nagkandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa kaba?
Meron pang dalang mga rosas.
Suot nama’y maong na kupas.
At nariyan pa ang barkadang nakaporma’t nakabarong
Sa awiting daig pa ang minus one at sing along
Nakatingin lang siya habang kumakanta. Ako naman parang na-magnet din sa kanya.
Nangangasar nanaman siguro to kaya nya ko tinititigan. Pero bakit ganun? Dati naiilang ako kapag may nakatingin sa’kin. Ngayon, napapatitig din ako.
Bakit ba kasi di mo ko kinakausap Sunget? Bakit ka ba lumalayo? Friends naman tayo diba? Bakit ganito na? Sana bumalik na kami sa dati.
Puno ang langit ng bituin.
At kay lamig pa ng hangin
Sayong tingin ako’y nababaliw.. giliw
At sa awitin kong ito,
Sana’y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana….
Para sa’yo
Di nya natapos ang kanta dahil biglang dumating ang teacher namin sa math. At shems. May quiz kami. Huhuhuhu T_______T
“Ang tagal mo naman diyan. Recess na. Di ka pa ba kakain?”
Kaasar. Lagi siyang ganyan. Ang hirap hirap ng Geom e. Kala mo naman kasi kasing talino nya ko.
BINABASA MO ANG
It's Gotta Be You
Teen FictionLove develops slowly. It can either make you or destroy you. Love motivates and will bring the best out of you. <3