Chapter 12

79 6 2
                                    

Chapter 12: Memories

Nakapag-usap na kami ni Kuya Myco. As if I had a choice. Sobrang kulit kaya nun saka aalis na nga siya aawayin ko pa ba?! Mamimiss ko yun kaya bawat moment dapat sulitin at wag ng sayangin.

At dahil nga babawi daw siya, magsu-swimming kami. Kaming apat lang. As in KUYA, KAYE, NATHAN at AKO.

Gusto sana naming isama si Nadine kaso sabi ng parents nila wag na daw kasi mag-aalaga lang kami at hindi makakapag-enjoy. Sila Mommy naman, ayaw na sumama kasi baka mailang lang daw kami kung may bantay kami. Besides kasama ko naman daw si Kuya.

“Ready?” Tanung ni Kuya pagpasok nya sa kwarto ko.

“Yep. Taralets! Y^_____^Y” Masayang sabi ko.

“Di naman halatang excited ka dahil dyan sa dala mong maleta. One month ka ba dun?” Pang-aasar niya sa’kin.

Tiningnan ko yung bag ko. OA ba? Eh overnight kaya kami. Palibhasa siya isang backpack lang ang dala nya.

“Che! Palibhasa tamad ka magdala ng gamit. Don’t worry. Dinala ko na lahat ng posibleng iwanan mo.”

“Oo na. Bumaba ka na. Nandyan na sila sa baba.”

Nagpaalam na kami kina Mommy at Daddy.

Pagpasok ko ng van, nandun na nga sila Nathan at Kaye.

Tulad ko, isang malaking bag din ang dala ni Kaye. Partida, kasama pa sa dala ko yung gamit ni Kuya. Samantalang si Nathan, isang backpack lang din. Tss. Lagi silang ganyan. Kalalaking tao, mga tamad magdala ng gamit.

Nagtataka kayo bakit apat lang kami at wala si Erick?

Simple lang. Ayaw ni Myco-lit! Hahahaha xD

Aalis na lang siya at lahat eh, di pa rin niya matanggap si Erick.

Ang pwesto namin sa van? Sa unahan, Kuya at Kaye. Ayaw niya daw sa likod. Sa likod naman, Nathan at Ako. Ayaw ni Nathan sa unahan. Eh ayaw ni Kaye sa likod kasi nga nahihilo siya agad.

So ang resulta? Ang ingay naming sa van. Nasa unahan kasi si Kaye. Dapat tabi nalang kami.

Si Nathan at Kuya, mukang mga inaantok pa. Ayan. Palibhasa mga inumaga ng uwi. Medyo lasing pa. Kasama nila buong varsity team. Despidida siguro ni Kuya tutal, next week na alis nya.

Kung matutulog lang sila dapat pinagtabi na nila kami ni Kaye. Tutal pareho kaming di pa makatulog.

So ayun, panay ang tawanan namin ni Kaye nang biglang sumigaw si Sunget.

“Ingay nyo!”

Inisnab ko lang siya at sinamaan ng tingin. Tapos tuloy ang kwentuhan.

“Tss -_-“ Parang di kayo nagkita ah!?” Tapos bigla nya kong hinila palapit sa kanya. Nilapag sa lap ko yung maliit na pillow sa kotse. Kapal talaga nito. Aalisin ko sana yung ulo nya kaso,

“Patulog.” At nilagay yung earphone sa tenga ko. Bago pa ko makapag react, nagsalita siya ulit.

“Ayan para di ka mainip.” Sinabi nya habang nakapikit ang mata.

It's Gotta Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon