Chapter 10

79 6 0
                                    

Chapter 10: A night to remember or A night of disaster?

Nathas POV

Huling prom na to. Dahil after nito, graduation naman ang iisipin namin.

Sa hotel na pagmamay-ari ng family nila Kaye gaganapin yung prom. Ang nagcater naman ay ang restaurant nila Maica.

“Baby, iiwan muna kita kina Ate Maica. Aalis kami aa?”

“Yes kuya. Enjoy po kayo dun aa. I’m sure Ate Maica is so pretty tonight.”

Kapag wala ako, iniiwan ko si Nadine kina Maica. Tuwang tuwa naman sila sa kapatid ko. Minsan nga gusto na nilang ampunin si Nadz.

Nagready na ko. Pagdating namin sa kanila, nag-aayos pa daw si Maica. Pero si Myco ready na.

“Uyy pre!” Tama! Bati na kami. Di naman kami pwedeng mag-away dahil nasa iisang team lang kami at ayaw naming maapektuhan ang game namin.

“Si Maica? Baka naman suot pa nya yung malaki nyang salamin ha? Hahaha.”

“Loko. Wag kang maiinlove sa kapatid ko kapag nakita mo siya.”

Tapos nakita ko siya. Pababa ng hagdan nila. Ang ganda niya. Parang hindi siya. Wala na yung malaking salamin nya na tumatakip na halos sa buong mukha niya. Grabe. Mukha siyang prinsesa. At sana ako nalang talaga yung prinsipe nya.

“Kakasabi ko lang na wag kang maiinlove e. Bibig mo baka pasukin ng langaw yan.”

“Lol.”

Lumapit na ko sa kanya. At isinuot yung corsage na binili ko para sa kanya.

Biglang sumingit yung bubwit kong kapatid,”Wow ate Maica. You’re so beautiful. Bagay kayo ni Kuya.”

Mukha talaga siyang prinsesa lalo na sa pink na gown na suot nya. So ganito pala ang itsura nya kapag naayusan?

“You look good Geek. Ready to go?”

“Yes. Thanks. Ikaw din. You look good. Di ka na mukhang payatot sunget. Bagay sayo yung suit mo. Mukha kang tao. :P”

Kapal talaga nun. Payatot daw ako.

“Tara na. Nag-aantay yung driver sa labas.”

Pinahiram ni Mommy yung kotse nya. Nasa may batangas kasi siya ngayon, si Dad nasa Dubai pa. Ayaw pa nila ko bilhan ng kotse kasi nga underage daw. So, yung kotse ni Mommy ang gamit namin. Syempre may driver kasi nga bawal pa daw ako magdrive.

Si Myco, hinatid ng dad nila kina Kaye. Bawal din siya magdrive. High school pa lang eh. Si Kaye kasi ang date nya. FRIENDLY date daw. Lols. Ewan ko sa kanila.

Pagdating naming sa venue, lahat nakatingin kay Maica. Sino ba naming hindi? Eh naging swan na yung ugly duckling. Hahahaha.

“Hi Beautiful.” Si Asungot.

“Hi Erick.”

“Nakakahinayang naman na di ako yung date mo.”

“Baliw.”

Sumingit na ko sa usapan nila. Nakakainis eh. “Tara na dun Panget.”

“Bye Erick. Good luck mamaya.”

Hinatak ko na siya. Nababadtrip ako sa mukha ni Asungot eh.

“Ano yung good luck na yun?”

“Wala.”

Arrgh. Asar talaga.

Dumating na sina Kaye at Myco. Ang ganda talaga ni Kaye. Di naman na nakakagulat yun.

It's Gotta Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon