Chapter 17

39 1 0
                                    

Chapter 17: One Down

Maica's POV

Enrollment na naman. Ang bilis ng panahon. Lalo dito sa University of Echos. Baka next update eh graduation na. Hohoho. Gagraduate na kasi si Author.

Kasama ko ngayon si Kaye. Actually, nakaupo lang kami dito sa may garden. Habang sila Sunget at Kuya Myco naman ay inaasikaso yung mga requirements at schedule namin. Yes! Bumalik na si Kuya. \m/

Joke!

Bakasyon lang nya. 2weeks tapos babalik na ulit sa Australia.

Kakabalik lang ni Kaye galing Macau. 1week ata sya dun. Kaya kwentuhan to the max.

"Sasagutin si Erick!" Masayang sabi ni Kaye.

"Talaga??" Oops. Napalakas ata pagkasabi ko. Kasi napatingin lahat.

"Oo. Wag ka maingay Mai. Hahaha."

"Sorry naexcite lang. Kailan naman Kaye?"

"Sa birthday ko. Actually, sinabi ko na sa kanya na if pupunta siya eh ipapakilala ko na siya kina dad bilang boyfriend ko."

Kaso parang ang lungkot ni Kaye.

"Bakit parang hindi ka masaya Kaye?"

"Di ko kasi alam kung bakit parang may nag-iba kay Erick. Lately kasi, lagi ko siyang hindi nakikita. Hindi na din siya sumasama sa mga lakad natin. Tapos minsan walang paramdam."

"Baka naman kasi naghahanda ng surprise. Saka, sinabi mo naman na pala sa kanya na ipapakilala mo siyang boyfriend diba? Naku naman Kaye. Ang tagal tagal nya yung hinintay. Wag ka ngang mag-overthink dyan."

Dumating na sila Kuya at Sunget.

"Oh eto na yung sched nyo." Inabot ni sa'min yung regi namin na may enrolled subjects na.

"Thank you!!" Sabay naming sabi ni Kaye.

"Tara kain na tayo. Baka nagutom kayo sa pag-upo e." Sarkastikong sabi ni Mr. Antipatiko. Si Sunget. Si Nathan Elizalde. -_-"

***
Natapos na ang birthday ni Kaye.

Pero walang Erick na dumating.

Walang Erick na nagpakita.

Di ko ma-gets.

Ang tagal-tagal nyang niligawan si Kaye.

Ang dami nan yang ginawang effort.

Pero ba't ganun?

Ba't bigla siyang nawala?

Ba't umalis sya nang di man lang nagsabi?

A day after ng birthday ni Kaye, nalaman namin na lumipad papuntang U.S si Erick.

Walang pasabi.

Wala man lang paalam.

Kaya ito. Nandito ako kina Kaye. Sinasamahan siya. Nung isang araw pa siya umiiyak.

Ayoko makita yung best friend ko sa ganitong sitwasyon. Ayoko siya makitang umiiyak.

Kung ano man yung reason ni Erick, sana katulad nang kay Kuya Rence na super valid.

Dahil di ko talaga alam kung anung meron at iniwan nya si Kaye sa ere.
Ready na sana e. Ipapakilala na siya. Pero siya yung umalis.

"Mai. Bakit siya biglang umalis? Ayaw na nya sa'kin ganun? Bakit kung kalian naman ready na kong sagutin siya, saka naman ganito?"

"Kaye. Di ko rin alam. Pero if ever, siguro naman may valid reason si Erick."

It's Gotta Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon