Chapter 15: Nerd Much
Ang bilis lumipas ng araw.
Natapos na ang boring na orientation. Kung saan, pinapakilala lahat ng Dean ng bawat college. Pinakita yung bawat buildings at facilities ng university. Tapos diniscuss yung about sa student's handbook. Yung mga rules and regulations ng school.
Natapos na din yung B.A.G.A. Business Administration General Assembly. Naalala ko pa nga na tumakas kami nila Louise, Geline at Nica habang nagpapakilala yung mga officers ng Jfinex. Actually, pinatapos lang namin si Kuya Jerome. Crush nila. Hahaha.
Kaming apat ang laging magkakasama.
Nung makalabas kami ng B.A.G.A, dumiretso kami sa katapat na K.F.C. Ang lakas pa nga ng trip namin kasi hinintay pa naming matunaw yung ice cube na tinusok namin sa straw bago kami umalis. ang dami na ngang nagpaparinig na ang tagal daw namin.
Kasundo naman nila sila Kaye. Sabay pa din kami nila Kaye, Erick at Sunget na umuuwi.
Si Sunget lagi ngang nandyan. Pero, tahimik pa din siya. Ang cold pa din nya.
Si Kuya Rence naman ayun. Busy sa pag-aaral at paghahanap kay Elisa. Medyo malayo nga lang siya kasi sa iba siya nag-enroll. Dun lang kasi na-credit mga subjects nya.
Natapos na din yung POWHIRI. Yung welcome party para sa mga freshmen. Bawat blocks may hinandang presentation. May mga banda na tumugtog. At yung initiation rites. Hindi naman yung hazing.
Masaya yung POWHIRI. Libreng concert. Kasama ko sila Kaye, Erick at Sunget. Syempre pati sila Louise, Geline at Nica. Lahat kami nasa field at feel na feel ang pagsabay sa bawat kanta. Dumagdag pa sa concert spirit ang malakas na ulan. Pero balewala lang yun sa aming lahat.
Ang saya-saya ko. Kahit medyo nangangati na yung mukha ko sa pinturang nakalagay sa pisngi ko, okay lang. Pula at puti. Warrior kasi kami.
Feeling ko naging bata ako ulit ng mga sandaling iyon.
"Hoy! Mukha kang tangang nangangarap dyan mag-isa!"
Naputol ang day dream ko dahil dito kay Sunget. Asungot as ever talaga.
"Che!" Nagroll eyes lang ako sa kanya.
"Mag-aral ka nga. Hindi yung nakatunganga ka lang dyan."
"Oo na po Boss!"
Hell week nga pala.
Yun ang tawag ng mga college students sa major exams.
Midterms na namin. Ang bilis ng araw diba?
"Alis na ko." Sabay talikod sa'kin.
Tiningnan ko na lang siya habang unti-unting papalayo.

BINABASA MO ANG
It's Gotta Be You
Fiksi RemajaLove develops slowly. It can either make you or destroy you. Love motivates and will bring the best out of you. <3