Chapter 13.2: The beginning of everything
"Wow Maica. Ikaw ba yan?"
Nakangiting sabi sa'kin ni Kaye.
"Panget ba?"
"Baliw bagay nga sayo e. Ang cute mo. Wag ka na ulit magsalamin."
Nginitian ko lang siya. Nanibago siguro ang lahat kasi di na ko mukhang nerd. Inalis ko na kasi yung malaking salamin ko. Di ko naman kasi talaga kailangan e. Nakasanayan ko lang.
Natapos ang buong araw na di ko nakita si Kuya Rence.
Siguro, busy sya sa practice ng graduation. 3weeks nalang kasi gagraduate na sya. Lilipat na siya ng building kasi highschool na siya. >
Pauwi na kami ni Kaye. Pasimple akong tumitingin sa paligid.
"Parang ang tamlay mo Mai."
Biglang nawala yung lungkot ko sa boses na narinig ko.
Si Kuya Rence.
"Malungkot yan kasi wala siyang chocolate brownies." Sagot ni Kaye.
"Ito talaga. Busy sa practice e. Oh Maica para di ka na malungkot." Saka nya ginulo nanaman ang buhok ko.
Naiinis ako kapag ginugulo nya ang buhok ko dati. Di kasi ako mahilig magsuklay tapos guguluhin pa nya.
Pero nakasanayan ko na din.
"Salamat Kuya Rence!"
"Tara uwi na tayo!"
Ang saya saya ko na. Habang naglalakad ay kinakain ko yung bigay nyang brownies.
Di ko namalayan nasa tapat na pala ako ng gate namin.
"Babye Mai!" Paalam ni Kaye sa akin.
"Babye Kaye. Babye Kuya Rence."
"Babye Maica."
Tatalikod na sana ako ng magsalita si Kuya Rence.
"Ahmm, Maica."
"Hmm.."
"Bagay sayo."
Tapos ay umalis na sila.
Ang saya saya ko dahil di na ko mukhang nerd na weird sa mata ng lahat.
***
Summer na.
Tapos na ang graduation nila Kuya Rence.
Ang saya saya ko kasi lagi ko silang kasama. Lagi nila akong pinupuntahan sa bahay para sunduin at sabay sabay kaming pupunta sa play ground.
Lagi kaming magkakasamang nagba-bike paikot ng subdivision.
Kaso hindi ganun ang nangyari.
Ganito yan.
Nang matapos ang graduation ni Kuya Rence, akala ko lagi na kaming magkakasama nila Kaye. Pero nagbakasyon ang family ni Kaye sa Hongkong.
Si Kuya Rence naman ay lagi akong dinadalhan ng brownies. Kasi sabi nya baka daw nalulungkot ako kasi wala si Kaye.
Pero isang araw, walang dumating na brownies. Walang Kuya Rence na naghatid nun.
"Mommy, aalis po ako."
"San ka pupunta?"
"Kila Kuya Rence po. Di po kasi siya dumaan kanina eh."
"Ayy. Dumaan siya. Ginigising ka namin pero ayaw mo bumangon kanina. Iniwan nya pala."
May inabot si Mommy sa'kin na brownies at isang regalo. Alam ko naman ang laman kasi malambot. Unan to na malaki. Alam nyang mahilig ako sa unan.
"Umalis na sila kanina."
"Pupuntahan ko nalang po siya."
"Ngayon ang flight nila papuntang ibang bansa."
Parang wala akong narinig. U-umalis siya? Iniwan nila ko pareho ni Kaye.
"Gusto daw sana nyang magpaalam sayo kanina kaso nga ayaw mo kasing bumangon. Nag-iwan nalang siya ng note."
Nagstart na kong umiyak. Bakit ganun? Si Kaye, umalis kasi magbabakasyon sya. Pero si Kuya Rence.
Si Kuya Rence bakit pakiramdam ko matagal siyang mawawala?
Maica.
Sorry hindi ako nakapagpaalam sayo. Kasi tulog na tulog ka. Papunta kami ngayon sa Canada. Doon na kasi naka-base yung business namin. Doon na ako mag-aaral. Biglaan kasi kaya di ko nasabi sa inyo ni Kaye. Sana wag kang magtampo.
Kuya Rence.
Umakyat ako ulit sa kwarto ko at hindi na ko lumabas.
Ang daya-daya naman nya. Umalis siya agad.
Sana man lang, binuhusan nalang nya ko ng tubig para nagising ako.
Edi sana nakapagpaalam man lang ako sa kanya. Kaso hindi eh.
Umalis siya nang hindi ko man lang siya nakita.
Simula nung umalis si Kuya Rence, parang ang daming nagbago. Parang may kulang na.
Dumating na si Kaye galing sa bakasyon nya sa Hongkong. Nakakausap naman namin si Kuya Rence pero sa phone nalang.
Nakabalik na din pala si Kuya Myco. Hindi nya tuloy nakilala si Kuya Rence.
"Maica naman. Lagi ka nalang nakasimangot."
"Maica. Cheer up! Di naman porket umalis yung si Rence eh, wala ka nang kuya. Nandito naman ako ha?" Sabi ni Kuya Myco.
"Saka tingnan mo. Suot mo nanaman yang salamin mo."
Balik ako sa pagiging loner ko. Simula nung umalis si Kuya Rence, parang ayoko na ulit makipagkaibigan.
Baka kasi iwanan na naman ako. Okay na sa'kin si Kaye at si Kuya Myco. At least sila di ako iiwanan.
Ako pa naman kapag na-attach, mahirap na ma-detach.
***
Mabilis na lumipas ang mga araw.
Si Kuya Rence, katulad ng inaasahan ko, hindi na nagparamdam.
Nagbago na siya. Nakalimutan na nya kami.
Nakalimutan na nya na may mga kaibigan siya dito.
Habang pinahahalagahan ko yung friendship namin
Habang pinapahalagahan ko siya
Balewala lang yun sa kanya.
Balewala lang sa kanya yung friendship na super halaga sa'kin.
Kinalimutan nya yung bagay na hinding hindi ko makakalimutan.
***
Merry Christmas and Happy New Year Guys !! Y(^_^)YLovelove <3
isolatedreader. ^O^

BINABASA MO ANG
It's Gotta Be You
Teen FictionLove develops slowly. It can either make you or destroy you. Love motivates and will bring the best out of you. <3