[A/N: Ang timeline po is before yung trip nila. So meaning, high school pa lang sila dito. Sina Witch at Kapre muna. Hahahaha xD]
Ang alamat nila Kapre at Witch !!
Kaye's POV
"Kaye. Hiramin ko muna best friend mo ha?" Sabi ni Nathan.
"Oo na. Oo na. Every friday naman ninanakaw mo yang best friend ko sa'kin."
"Kaya nga nagpapaalam na sayo e."
Di na ko nakasagot kasi dumating na si Maica.
Yung sinasabi ni Nathan? Every friday kasi halos, lagi nyang sinasama si Maica dun sa bistro kung saan sya tumutugtog. Lucky charm daw nya.
"Oh Kaye, asan si Erick?" Si Maica yan.
"Ayy may ginawa lang daw. Padating na din yun."
"Osige ingat ka pauwi. Bye!"
Tas ayun. Umalis na sila.
Naiwan tuloy akong mag-isa dito.
Nakita ko si Myco. Mukhang malungkot na palabas ng gate. Di nya ko napansin. Nakayuko kasi sya.
Sinundan ko lang sya ng tingin. Pauwi na siguro sya.
Teka. Teka. Teka. Hindi naman yun ang daan pauwi sa kanila ha?!
At dahil nagmana ako kay Maica na ubod ng kulit, sinundan ko sya. Hindi ako tsismosa aa. Curious lang ako kung bakit dun sya dadaan. Malay ba naman namin kung may tinatago pala syang gf tapos doon sila magkikita.
At least ako ang unang makakakita. Best friend naman nya ko no.
Alam kaya yun ng kambal nya? o.O
Nakita ko syang tumigil sa isang maliit na tindahan dito sa may likod ng school. Konti lang ang mga dumadaan dito.
Tapos tumayo sya dun sa may puno. Tapos sinindihan ang binili nyang SI-SIGARILYO?! AT KAILAN PA TO NATUTO MANIGARILYO TO?
Lalapit sana ako ng dumating yung ibang ka-varsity nya. Diba bawal yon? Tsk. Tsk.
Dahil di ko napigilan ang paa ko, naglakad ako palapit sa kanila.
"Hoy Myco!"
Napatingin silang lahat sa'kin.
"Ka-kaye?"
Oh ano ka ngayon. Nauutal ka kasi nahuli kitang nagyoyosi?
Lumapit sya sa'kin.
"Hoy kayong lahat, bakit nyo iniimpluwensyahan to na magyosi? Diba bawal yan? Mga players kayo pero di nyo inaalagaan ang sarili nyo!"
Napayuko sila. Siguro tinamaan. Tama naman ako e.
"Sa susunod na makita ko kayo ulit na naninigarilyo, isusumbong ko kayo kay coach!"
Nakita ko pa silang tinapakan ang mga nakasindi nilang sigarilyo.
Ha! Mga pasaway!
Hinatak ko si Myco papunta sa may candy shop.
"Lollipop?"
"Oo. Pamalit dyan sa yosi. At kelan ka pa natutong magbisyo ha?"
"Wa-wala. Wag mo na itong ipaalam kay Maica." Tapos yumuko sya.
"Kapre ka talaga!"
"A-ano? Kapre?!"
"Oo. Kapre ka. Ang tangkad tangkad mo. Tapos naninigarilyo ka. Tapos doon pa sa tapat ng puno."

BINABASA MO ANG
It's Gotta Be You
Teen FictionLove develops slowly. It can either make you or destroy you. Love motivates and will bring the best out of you. <3