[A/N: Sa mga nag-pm sa'kin about sa insights nyo, thanks. :) Kahit yung ibang critics. I appreciate it tho. Nagsisimula pa lang ako kaya I need you're help para sa mga pagkukulang ko. Thanks sa mga nagbabasa. Hope you enjoy! :) At sana makasama ko pa kayong lahat until 'the end'.]
Chapter 11: Farewell
Ang bilis ng oras. April na. Graduation na namin.
Ang daming nangyari. As in.
After nung JS, ilang araw din akong off kay Sunget. Umiiwas? Hmm. Siguro yun nga yung pinakatamang term.
Update ko nalang muna kayo sa mga happenings sa buhay namin.
Sina Kaye at Erick? M.U na. As in yung M.U na Mutual Understanding. Hindi yung M.U na Magulong Usapan o kaya yung M.U na Malanding Ugnayan. Masaya naman silang dalawa.
Minsan nga, nilalanggam na ko sa kasweetan ng dalawang yun e. Oo di ako naoOP pero ang hirap pa din maging third wheel. Kaya ang nangyayari? Laging si Kuya Myco ang kasama ko. Madalas si Sunget. Gusto ko sana siya iwasan pero parang ang O.A ko diba.
Si Kuya Myco, ayun. Feeling ko masyadong mainit ang dugo kay Erick. Siguro protective kuya lang din yun kay Kaye. Sabagay best friends din naman kasi sila.
Ewan ko ba. Hindi ko alam kung bakit di pwedeng pagsamahin yung dalawang yun. Pag kasi kasama namin si Erick, walang ibang ginawa si Kuya kundi kontrahin si Erick.
Kaya ayun. Ang siste tuloy, kailangan kong ilayo si Kuya para iwas gulo.
At si Sunget naman. Ano. Ahmm. Ayun. After nung... nung... ano... yung... ah basta! Ayun after nun, okay naman kami. Kaso bigla nalang akong nakaramdam ng hiya sa kanya. Ewan ko ba. Pero dahil friends kami, di ko pinapahalata.
Saka ayun. Parang naging maalaga siya sakin. Madalang na nya kong awayin. Tapos lagi nya ko pinagluluto. Every after uwian, pumupunta ko sa kanila para makalaro si Nadine. Tapos siya naman, nagluluto ng masasarap na food. Kahit snacks lang nga ang sarap e. Pero syempre the best pa din luto ng mommy ko.
Tuwing friday at saturday nights, lumalabas kami.
Oyy! Hindi yun date aa. Alam ko takbo ng mga isip nyo. Hindi kami nagdedate. At hindi ako guilty. Hmp!
So ayun tuloy ang kwento. Lumalabas kami as friends. Sinasama nya kasi ako sa gig nya sa bistro. Yung bistro na malapit dun sa park kung san nya ko nabunggo. Badtrip daw siya nung araw na yun kasi ayaw siyang payagan ng parents nya na tumugtog kaya pina-ban siya dun. Pero ngayon, okay na.
Tapos may nalaman ako! Yung gitara nya. Kaya pala mahal na mahal nya yun e. Bigay daw kasi yun nung mentor nya. Kuya Lam daw. Weird name. Yun daw yung nagturo sa kanya na tumugtog ng instruments. Kaya mahal na mahal nya yung gitara dahil sa sentimental value nun. Now I know.
Ang daming audience! Siya na sikat. Puro babae nga e.
So ayun. Yun na ang happenings sa'min.
Ngayon, kinakabahan nalang ako for college. Yey! College na kami. Excited at kinakabahan ako at the same time. Its a brand new world.
**
Graduation Rites.Ako ang class valedictorian. Hahahaha :D Kahit nakakabobo ang Geom na yun. Well, nung naging close kasi kami ni Nathan, siya na yung tutor ko. Pwede nga siyang teacher kasi gets na gets ko na.
Nakuha ko ang Best in Science, AP, Values, T.L.E, at Filipino.
Si Nathan ang Best in Math. Matik na yun e. Saka siya din yung nakakuha ng Artist of the year.

BINABASA MO ANG
It's Gotta Be You
Teen FictionLove develops slowly. It can either make you or destroy you. Love motivates and will bring the best out of you. <3