Chapter 13

65 4 0
                                    

Chapter 13: The beginning of everything

"Nerd! Nerd! Nerd!"

Walang katapusang pang-aasar sa'akin ng mga kaklase ko.

Simula nang lumipat ako dito, ganito nalang sila lagi sa'kin. Ang bad nila. Lagi nila ko inaaway. Pero wala naman akong magawa.

Tina-try ko nalang silang iwasan o kaya wag nalang pansinin.

"Hoy nerd! Akin na tong baon mong sandwich!"

Sabay agaw ng bully kong kaklase sa hawak hawak kong sandwich.

Lagi nalang nila ako binu-bully. Kasi daw nerd ako. Ayaw nila makipag-friends sa'kin kasi weird daw ako.

Yung iba naman, kinakaibigan lang ako para gawin akong taga gawa ng assignment.

Wala akong friends.

"Akin na yang bag ko."

"Abutin mo muna!"

Pilit kong inaabot ang bag ko sa kaklase kong lalaki.

"Nerd na nga pandak pa."

Di ko na mapigilang hindi umiyak. Araw-araw nalang nila ko inaaway.

Kung minsan ay nilalagyan nila ng bubblegum ang buhok ko. Minsan naman, kapag nagda-drawing kami, may biglang kukuha ng crayons ko tapos babaliin. Minsan naman ay didikitan ako ng papel sa likod na may nakasulat na "Panget ako!"

Tapos ay pagtatawanan nila akong lahat.

Tinatawag nila akong nerd dahil sa malaking salamin na suot suot ko.

Di naman talaga malabo ang mata ko na katulad nung sa iba. Di naman ako sobrang dependent sa salamin ko. Nakasanayan ko lang talaga siguro na lagi ko itong isuot.

Lumabo ang mata ko noong grade 1 ako. Kasi naman, wala na akong ibang ginawa kundi ang manuod nalang ng tv o kaya magbasa kahit madilim.

Wala kasi akong kalaro. Si Kuya Myco kasi nasa US siya. Doon siya nag-aaral. Ang sabi kasi ni daddy, kinuha daw siya ng tita namin doon.

"Tigilan nyo na nga siya."

Isang babae ang nagsalita. Si Kaye. Siya yung muse namin. Ang ganda ganda kasi nya.

Umalis naman yung mga nang-aaway sa'kin.

"Okay ka lang ba Maica?"

"O-oo. Sa-sa-salamat." Nakayuko kong sabi sa kanya. Nahihiya kasi ako sa kanya.

Kumuha siya ng panyo sa bulsa ng palda nya at ipinunas sa mukha ko.

"Wag ka na umiyak."

 Nandito kami ngayon sa garden ng school namin. Hinila nya kasi ako papunta dito dahil nga iyak ako ng iyak.

"Oo nga. Wag ka na umiyak." Sabi ng isang batang lalaki rin. Pero tingin ko mas matanda siya sa'min.

It's Gotta Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon