1st Spell

239 9 3
                                    

I.The Voodoo Girl

Chapter 1


Year 2014

TAHIMIK ang mundo ko tulad ng isang normal na estudyante. Parang dahon lang na nasa puno. Sumasabay lang sa ihip ng hangin nang sa gayon ay hindi matangay. Pero hindi ko alam, darating ang isang bagyo sa buhay ko. Bagyo na magiging dahilan para mahulog ang isang dahong katulad ko sa isang lugar na alam ng marami, pero iba para sa akin.

Sabado ng umaga, maaga ako gumising para sa gimik namin ng barkada. Alam nyo na. Weekends, kaya ang mga estudyanteng katulad ko, nagbubunyi. Katatapos ko lang magbihis nang biglang may sumigaw mula sa labas ng bahay.

"LAAANCE!!!!" Sila na 'yan.

Tulad ng ibang mga magbabarkada, maingay kami habang naglalakad.

Kwentuhan.

Biruan.

Kantyawan.

Tawanan.

Tuwing magkakasama kami ganito lagi. Pero bigla kaming natatahimik kapag nagagawi kami sa lugar na 'to. Sa tapat ng isang malaking puno ng balete sa loob ng subdivison namin, mayroong malaking puting bahay.

Maraming nagsasabi na ang nakatira daw rito ay ang mga Zalves na kilalang angkan ng mga gumagawa ng Voodoo. Isang black ritual magic. Witchcraft. Maaaring makasakit, maaaring makapatay, o pwede namang para baguhin ang isip ng isang tao, o pwede ring gamitin upang gumaling ang isang may sakit. Pero ang punto lang nito, isa itong kapangyarihan na galing sa demonyo.

"Wag kayong maingay guys! Baka magalit nyo ang mga Zalves." Banta ni Ken.

"Mga Zalves? Sabi ng lolo ko, isang tao na lang daw sa mga Zalves ngayon ang may hawak ng kapangyarihan ng Voodoo." Sabat ni Nico.

"Eh isa lang naman po kasi ang Zalves ang nakatira dyan. Siya na lang ang natitira sa angkan nila." Pagtama ni Arlyn.

"Sabrina Zalves ang pangalan niya. Sa pagkakaalam ko, magta-transfer daw siya sa University natin. Hindi ko lang alam kung anong course niya." Paliwanag ni Bryan.

Nakaramdam ako ng takot. Tumaas ang mga balahibo ko. Siya ang babaeng sinasabing salarin sa pagkamatay ni Mang Kastor noong makalawa. Bago mamatay, dinanas niya sa loob ng isang buwan ang mga hindi maipaliwanag na tila ketong sa balat. Mga naninilaw na mata na halos matakpan na dahil sa pamamaga ng kanyang mukha. Mukha na hindi na masasabing mukha ng tao sa sobrang pamamaga. At ang pinakakakaiba sa kanya? Bago siya mamatay, iniinda niya ang sakit na parang tinutusok daw siya ng karayom. Sabi nila, yun daw ang kapangyarihan ng Voodoo.

"KYAAAAAA!!!" Sigaw ni Arlyn.


At nakita na lang namin sa aming harapan ang sinasabing Sabrina Zalves.



To be continued ...

Tales of a Voodoo #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon