Chapter 6
PAUWI na yata si Sabrina. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para habulin siya. Paglabas ng pinto ng pinto ng faculty ay nakasalubong ko kaagad sila Ken, Nico, at Bryan papasok ng faculty.
"Guys! Hindi ako makakasabay ngayon sa pag-uwi ah." Paalam ko sa kanila.
"Huh? Teka –"
"Saan ang punta ni Lance?"
"Hindi ko alam. Bigla na lang siya tumakbo eh."
"Baka may ka-date na chicks?"
Bahala sila basta hahabulin ko si Sabrina.
Pero ... nasaan na nga ba siya?
Imposible namang mawala agad siya. Nakita ko siyang kumaliwa dito sa pasilyo. Bumaba na ba siya? Pero wala namang hagdanan dito. Nasa kanang pasilyo ang hagdanan.
Nilibot ko ang paningin ko. Walang bakas ng kahit sinong estudyante ang nandito. Puro laboratories lang kasi ang mga nandito eh.
"May hinahanap ka ba?" Tanong ng boses na nasa likuran ko.
Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses. Si Sabrina. Nakatayo at suot pa rin ang blangkong ekspresyon ng mukha.
"S-sa totoo lang, ikaw ang hinahanap ko." Hindi na ako nagsinungaling.
Tiningnan lang niya ko na parang nagtatanong.
"W-wala kasi akong kasabay pauwi. Tutal, same subdivision naman tayo, sabay na tayo. T-tapos na klase mo di'ba?" Palusot ko.
"Mamayang alas otso pa ang tapos ng huling klase ko." Diretso nyang sabi.
Tiningnan ko ang relo ko,mag-aalas sais pa lang ng hapon.
"Ah sige. Hintayin na lang kita." Sabi ko na lang. Hindi naman yun ang dapat kong sasabihin pero ... parang gusto ko kasi siyang makilala pa.
"Huh?" Buong pagtataka ang bumalot sa kanyang mukha. "Okay." Hays. Akala ko magtatanong pa siya. Buti at pumayag din siya.
Dalawang oras akong naghintay. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa tapat ng classroom nila. Nakaupo at nakasandal sa pader, nakayuko sa bag na nasa aking tuhod na nagsisilbing unan ko.
Naalimpungatan na lang ako at nakita ang mukha ni Sabrina sa harapan ko. Napaatras naman ako at napatayo.
"Anjan ka na pala. Ano tara na?"
Hindi niya ako sinagot bagkus ay nauna nang maglakad. Napataas na lang ako ng balikat at sinundan siya.
Pagkababa sa exit gate ay napasin ko ang wall clock na nasa guard house. Mag aalas nueve na?
Sinilip ko ang relo ko. Mag-aalas nueve na nga. Ibigsabihinin, kanina pa si Sabrina nandun sa harapan ko? Hindi man lang niya ko ginising.
Tahimik siya, kaya naman binasag ko ang katahimikan.
"A-ahmm, bakit ka nga pala napalipat sa university namin?" Tanong ko sa kanya.
Diretso ang tingin sa harapan nang magsalita siya.
"Bakit ba naghihiwalay ang dalawang taong may relasyon?" Nagtaka ako sa tanong niya. Pero agad ko naman itong sinagot.
"Kasi wala ng pagmamahal. Wala na yung saya."
"Tama. Pero bakit ba nawawalan ng pagmamahal? Simple lang. Minsan kasi kapag hindi mo talaga matanggap ang isang bahagi ng pagkatao nya, nawawala na ang pagmamahal. Kelangan mo ng umalis. Ganun ang naramdaman ko sa pinanggalingan kong university dati. Hindi ko matanggap ang pamamalakad nila, kaya umalis ako."
"Ahh kaya pala." Masyado palang ma-adhikaing tao 'tong si Sabrina. There is something with her that makes her interesting.
"Eh ikaw? Wala ka bang nakikitang mali o pangit sa university natin?" Tanong niya.
"Huh? Ahmm, sa pamamalakad wala. Pero sa sistema na binuo ng mga estudyante dito, meron. Mas makapangyarihan ang mga mayayaman. Priority lage. Yung iba, kilalang mga bully. Katulad ni Trixie. Pasensya nga pala sa kanya at na-tarayan ka nya minsan. Tinapunan ka pa ng juice sa uniporme mo." Tumigil ako sa paglalakad at ginaya ko si Trixie nung araw na nagkabanggaan sila ni Sabrina.
"Waddaya think you're doin'?! ... Dat zervs you rayt!" Sabay acting na kunwari ay may tinapon na baso ng juice kay Sabrina.
Sa unang beses, nakita ko siyang ngumiti. At unti-unti, narinig ko siyang tumawa. Anlambing ng tawa nya. Ang madilim na babaeng 'to, nakitaan ko ng liwanag ngayon.
Ito ang bahagi ng pagkatao niya na matagal na nyang tinatago. Isa syang anghel na lagi na lang namamalagi sa gitna ng kadiliman. Ayaw ipakita ang kanyang napakagandang anyo.
"E'di nakita rin kitang ngumiti. Nakita na rin kitang masaya."
"Hindi kasi ako sanay na ngumiti. Piling ko, hindi bagay sa akin."
"Huh? May ganun ba? Lahat naman ng tao binabagayan ng ngiti. It's a fashion that everyone can wear."
Hindi siya sumagot sa sinabi ko, bagkus ay naunang maglakad. Pero nakita ko sa kanyang mga mata ang tinatagong mga ngiti.
Nung gabi na yun, mas nakilala ko siya.
Nung gabi rin na 'yun, ang tahimik na dahon na nakasabit sa puno, ay unti-unting tinatangay ng hangin. Isang araw nakita na lang ng dahon ang sarili sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Pero hindi iba sa marami. Dahil nahulog na siya mula sa puno, at kasama ng ibang mga dahon sa lugar na 'yon, natutunan niyang umibig sa unang beses.
To be continued ...
BINABASA MO ANG
Tales of a Voodoo #Wattys2015
Historical FictionLumaban para mabuhay. Mabuhay para sa pag-ibig. Umibig at ... mamatay. Isang istorya ng misteryo, suspense, at konting pag-ibig. Ito ang natatagong kasaysayan ng mga mambabarang ......