5th Spell

127 9 4
                                    

Chapter 5

"Ms. Jane!" Hingal na hingal ako na nakatayo sa pintuan ng faculty. Siya lang ang professor na nasa faculty ngayon.

"Ambilis mo tumakbo Lance!" Si Arlyn habang hinahabol ang hininga nya sa pagod.

"Yes Mr. Magno?" Kalmado ang boses niya. Patuloy pa rin sa kanyang ginagawa at hindi man lang nagtangkang lingunin ako.

Kinuwento namin sa kanya ni Arlyn ang lahat ng nalaman namin.


~

"Tama ang mga nalaman niyo. Galing nga ako sa angkan ng mga Shaman. Marunong kami ng ritual ng voodoo. Dahil kami ang angkan ng Evra. Kami ay mga Shaman, hindi Voodoo." Kalmado pa rin si Ms. Jane. Jane Evra-Del Rosario.

"Hindi ko po maintindihan Ms. Jane. Hindi kayo isang Voodoo gayong marunong kayo ng voodoo?" Tanong ni Arlyn.

"Sinilang ang mga Shaman para kontrahin ang mabagsik na kapangyarihan ng mga Voodoo. At para labanan ang voodoo magic, kelangan ng isa pang voodoo magic. Just look at the concept of computer virus. To kill a computer virus, you need to install another computer virus to get rid of it." Paliwanag niya.

"Cool! Yun pala ang mga Shaman. So ibigsabihin, totoo palang may mga Voodoo." Sabi ni Arlyn.

"But unlike Voodoos, we, Shamans, use our powers for humanity. To save people being threaten not only by voodoo magic, but also common diseases, and some incurable diseases unknown to science of medicine." Nakatutok lang ako sa mga sinasabi niya.

"However, hindi lahat ng kapangyarihan ng mga Voodoo ay saklaw namin. They can control some specific insects, or worse, all insects living in this world. They can command them to plague hectares of green field, or kill a certain person. They can also make a field healthy, or if they want they can make it dry as desert. Shamans do not have those kinds of powers." Dagdag niya.

"Meaning, they can control the weather?" Tanong ko.

Tumayo siya sa kinauupuan at nagsimula maglakad sa loob ng faculty. Tumayo siya sa bintana at tinanaw ang kapaligiran sa labas.

"Not exactly ..."

"... pero kaya nilang tumawag at magpatigil ng hangin at ulan, kidlat at kulog, hawiin ang ulap para sumikat ang araw. Marami pa silang hiwaga na tinatago. Kaunti lang ang mga nasabi ko sa hindi mabilang na misteryo nila."

"K-kidlat? Ibigsabihin . . ." Nagkatinginan kami ni Arlyn.

Hinarap niya kami. Medyo nagkaroon na ng emosyon ang kanyang mukha.

"About sa insidente? Posible ang iniisip nyo. Nang araw na maganap ang insidente, kumulo itong berdeng langis na bigay ng aking ina. Isa itong langis na ginawa ng mga Shaman para malaman kung may mahika ng voodoo sa paligid. Pero nung araw na yun, kumulo din ang pulang langis." Nilabas niya mula sa bulsa sa dalawang maliit na bote ng langis. Magkatali. Isang pula, isang berde.

"Pulang langis?" Tanong ko.

"Ginawa ang langis na 'to para matukoy kung may m-"

"Ms. Jane, ang pulang langis!" Biglang kumulo ang pulang langis. Nabuo ang katahimikan sa kwarto. Ang takot. Pero si Ms. Jane kalmado pa rin.

Nagkatinginan kaming tatlo.

"A-Ano po ulet ang sasabihin niyo Ms. Jane?" Malakas na loob kong tanong. Pero tingin ko alam ko na ang sagot.


"May Voodoo sa paligid." Nanlaki ang mga mata namin ni Arlyn. Tutok ang mga mata naming tatlo na nakabantay sa pintuan.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

...then Sabrina Zalves appeared.




To be continued ...

Tales of a Voodoo #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon