Chapter 2
Para lang siyang ordinaryong babae. Walang nakakatakot sa itsura niya, pwera lang sa aura niya. Ang mga mata niya na puno ng lungkot at galit kung iyong babasahin. Kanang mata lang niya ang aking nasisilip sa pagitan ng kanyang itim at mahabang buhok. Pero parang nakikita ko na rin ang ilang bahagi ng pagkatao niya. Sabi nga nila. "Eyes are windows to one's soul."
Dumaan siya na parang walang makakasalubong na tao.
Parang si Moses, hinawi niya ang kanyang dadaanan nang walang ginagawa. Tila sinabi na lang ng instinct namin na kailangan namin tumabi kundi may mangyayari sa aming hindi maganda.
Nang makadaan siya at akma ng papasok sa gate ng bahay ay umalis na kamii. Pero hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para sulyapan ulet siya.
Sa aking paglingon, nagtama ang aming mga mata.
~
Monday na. Simula na ulet ng klase. Napaaga ako ng pasok kaya tambay muna sa upuan. Bandang likuran ako nakaupo, pero since wala talaga akong katabi simula nung unang araw ng semester, wala akong makausap. Boring naman.
Yung mga klasmeyt ko nag-iingay at nagkakagulo samantalang ako may sariling mundo.
Malapit na akong antukin nang biglang pumasok si Ms. Jane. Siya ang professor namin sa Literature. Istrika siyang professor.
Ayaw niyang may maingay sa klase niya. Pero ayaw din niya nang may natutulog.
Hay. Magulo talaga utak ng mga babae. Hirap ispellingin. Ilang beses na nga niya akong napalabas ng klase dahil nahuhuli niya akong natutulog. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, pero ayaw ko lang ng subject na tinuturo niya.
"Good morning class. We will be having a new transferee student today. From now on, she will be joining our class until the end of semester so I expect you to treat her nicely."
Nagising ang diwa ko sa sinabi niya. Transferee student??
"Please come in, Ms. Zalves." Pumasok ang isang babae. Si Sabrina Zalves.
Ang babaeng sinasabing gumagamit ng voodoo magic. Mangkukulam. Pero walang alam ang mga klasmeyt ko sa istoryang bumabalot kay Sabrina. Tanging mga nakatira lang sa aming subdivision ang nakakaalam ng istoryang hindi ko alam kung totoo o haka-haka lang.
"You can sit there beside Mr. Magno."
Naglakad siya papalapit sa akin. Blangko ang mukha na tumingin sa akin. Naalala ko na naman ang mga matang nakita ko noong sabado. Kinakabahan ako. Parang nanlalamig ang mga kamay ko. Inalis ko ang bag ko sa katabing upuan ko para naman makaupo siya.
"Para sa mga na-miss mong mga assignments at mga lessons, just ask Mr. Magno. Can I expect you to assist her Lance?" Tumingin sa akin si Ms. Jane.
"Sure Maam. I'll help her cope up with our lessons." May magagawa pa ba ako?
"Good. As for our discussion ..."
Nag-discuss si Maam ng mga lessons namin. Pero parang walang pumapasok sa isip ko. Alam kong may sinasabi si Ms. Jane. Pero nabibingi ako sa katahimikan naming dalawa. Hindi naman mainit pero pinagpapawisan ata ako ng malamig.
Gusto ko sana siyang sulyapan pero pakiramdam ko nakatingin na siya sa akin. Hindi ko malaman kung titingin ba ako o hahayaan ko na lang 'tong pakiramdam na 'to. Sa huli, naglakas loob akong tingnan siya.
Sa pangalawang pagkakataon, nagtama ang aming paningin.
Teka.
Nakatitig siya sa akin?? At nakangiti pa? Natakot ako sa ngiti niya pero at the same time, parang nakaramdam ako ng koneksyon sa kanya.
"B-Bakit?" Tanong ko sa kanya at ramdam sa tinig ko ang kaba.
Ngumiti lang siya. At bumalik na ng tingin sa harapan. Weird. Bumalik ako ng tingin sa harapan pero nanlaki ang mata ko nang nagsalita siya...
"Lance Magno ... matagal na kitang sinusubaybayan."
To be continued ...
BINABASA MO ANG
Tales of a Voodoo #Wattys2015
Narrativa StoricaLumaban para mabuhay. Mabuhay para sa pag-ibig. Umibig at ... mamatay. Isang istorya ng misteryo, suspense, at konting pag-ibig. Ito ang natatagong kasaysayan ng mga mambabarang ......