Chapter 12
KUNG sa pagkamatay ni Trixie ay malaki ang naging epekto sa mga estudyante ng university, mas lalo na nang maganap ang insidente kahapon. Pumutok ang usap-usapang mayroong mangkukulam na estudyante sa campus. Ang siyang may kagagawan ng lahat. Kumalat ang takot at tensyon sa bawat isa. Tila sinasabi na hindi na ligtas ang buhay ng bawat isa sa loob ng university. Mukhang nagiging malinaw na sa lahat na totoong may nangyayaring kababalaghan sa university. Sino ba talaga si Karol?
Friday the 13th. Sabi nila mas malakas daw ang mga kampon ng kadiliman sa mga ganitong panahon. Sabi naman ng iba malas daw ang araw na'to. May mas imamalas pa ba ang mga nangyari kahapon?
Kadarating lang ng professor namin sa Philosophy nang sinundan siya ni Sabrina.
.
.
.
.
...S-Sabrina?
Sa dulo siya umupo pero hindi sa tabi ko tulad ng nakagawian niya. Umiiwas siya. Alam ko namang malaking kasalanan ang nagawa ko. Pinagkatiwalaan nya ako, pero sinira ko ang isang mahalagang bagay sa kanya. Yung manika niya, sumisimbolo sa tiwala nya sa akin. Sira. Wala na.
"Class! From now on, we have two sit-in students from Mr. Lagro's class. Dahil nadissolve na ang klase nya, kelangan i-distribute ang lahat ng mga naiwan niyang estudyante."
"Please come-in, Miss Ocampo and Mr. Grande."
Si Arlyn at Nico!
Dumiretso si Arlyn sa upuan sa tabi ko. Sa upuan kung saan dapat nauupo si Sabrina. Habang si Nico naman, ay sa tabi ni Sabrina.
"Lance!" Bulong ni Arlyn. Napansin nya siguro na nakatingin ako kina Sabrina at Nico. Aaminin ko, medyo nagseselos ako. Sana ako na lang yung katabi ni Sabrina.
"Oh?"
"Nakatulala ka ba dahil hindi ka pa rin maka-move on kahapon, o dahil nakatitig ka kay Sabrina?"
Isama mo na rin si Nico. Hindi ko na siya sinagot sa tanong niya.
"Pupunta nga pala kame mamaya sa burol ni Ken. Sasabay ka na ba?"
"Saan ba siya nakaburol?"
"Doon lang din sa loob ng subdivision, sa Chapel."
"Aaah. Sige sasama ako." Tutal malapit kina Sabrina yun.
Hindi ko na siya dinaldal para makinig sa lesson ng professor namin, pero sadyang pinanganak na madaldal talaga 'tong si Arlyn. Kahit papano napapangiti nya ko sa kadaldalan nya.
Ngunit ang inaakala kong magiging normal na araw, ay magiging kahindik-hindik pala.
"Aaaaah! IPIIIIS!!!!!!" Sigaw ng babae sa harapan.
"Ang arte mo! Ipis lang eh." Tinapakan ng lalaking katabi niya ang ipis sa sahig.
Nang biglang ...
"KYAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!!!!"
Naglipana ang sandamukal na ipis sa kung saan mang sulok ng silid. Intrusion of cockroaches. Ito pala ang itsura nun.
Nakakapangilabot.
Makapanindig balahibo.
Ang mas lalong nakapanindig balahibo, ay nang makita namin ni Arlyn si Sabrina.
...bumubulong.
BINABASA MO ANG
Tales of a Voodoo #Wattys2015
Historical FictionLumaban para mabuhay. Mabuhay para sa pag-ibig. Umibig at ... mamatay. Isang istorya ng misteryo, suspense, at konting pag-ibig. Ito ang natatagong kasaysayan ng mga mambabarang ......