A/N: Ooops! Bago nyo simulan, gusto kong ipaalala na PUSO na naman ang chapter na 'to. Pagpasensyahan na. Super inlove ang author ng mga panahong sinulat nya yan. :D Don't worry guys, this will be the start of struggle ng ating bida. How can he surpass something odd to him? The Voodoo ... and even love.
************TAGA-ILOG09**************
Chapter 7
NANG gabi na yun, hindi na siya nagpahatid sa bahay nila. Tutal daw ay mauuna madaanan ang aming bahay, hindi na siya nagpahatid. Hindi na ko nagpumilit dahil ramdam ko sa tinig nya na ayaw nya talaga magpahatid.
Simula ng gabi na 'yun, mas dumalas na kaming magkasama. Gumagala na nga kami madalas pagkatapos ng mga klase namin kung maaga pinauwi, at kadalasan, tuwing Saturday o Sunday kung kelan parehas kaming walang pasok.
Mas napapadalas pa nga ang mga lakad namin kesa sa mga barkada ko. Mas may oras ako kesa sa kanya. Nagtatampo na nga sila Arlyn sa akin eh. Pero hindi ako nagku-kwento sa kanila.
Totoong tahimik nga siyang babae, pero may maingay din syang side. Makulit. Pero ewan ko ba, napaka-reserve nyang tao. Minsan lang nya i-pakita ang ganung side nya.
Tuwing lalapit sya, doon nagsisimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang tingin ko nasosobrahan ata ako sa kape kaya nagkakaroon ako ng palpitations.
Sa tuwing matatapos naman ang isang araw at magkakalayo na ulet kami, parang pinupunit naman ang puso ko. May sakit na kaya ako sa puso?
Hindi lang yan ang mga nararamdaman ko, sumisikip na dibdib, hirap na paghinga, at minsan sumasakit na ang ulo ko tuwing iniisip ko siya. Anong karamdaman ba 'to? Sa pagkakaalam ko wala naman akong asthma.
Sa tuwing nag-iisa ako, lagi ko na lang siyang naiisip. Feeling ko kahit nasaan ako may mga matang sumusubaybay sa akin, feeling ko lagi syang nakatingin sa akin. Paranoia ba 'to o baliw lang talaga ako?
Minsan, napansin kong lapit ng lapit sa kanya ang class president namin na si Joseph. Ewan ko. Pero feeling ko mababaliw ako tuwing magkausap sila.
Nasa library kami ng barkada, gumagawa ng assignments na malapit ng ipasa mamaya. Sa gitna ng katahimikan, ay nagsalita si Arlyn.
"Mahal mo na talaga siya noh?" Tumingin ang lahat sa akin.
"Huh? Mahal? Hindi ko alam eh."
Nagkatinginan silang lahat. Pero sa mga tingin nila, ay tila nabubuo ang isang kaisipan.
"May binanggit bang pangalan si Arlyn??" Si Bryan. Oo nga noh. Bakit nga ba kasi ako sumagot na parang alam ko kung sino ang tinutukoy nila?
"Ah, eh ... w-wala?"
"UMAMIN ka Lance! Sino ang inisip mo ng tanungin ko yun?" Napadabog ng kamay si Arlyn sa table. Napatingin sa amin ang lahat ng estudyante at ang librarian.
"SSSSHHHHHH!!!"
"Sorry po." Nakakahiya naman 'to si Arlyn. Mapapalayas pa kami ng wala sa oras. Nag-usap pa rin kami pero ngayon ay sa mas mahinang boses na.
Kinuwento ko ang lahat ng mga nangyayari sa akin nang hindi binabanggit ang pangalan ni Sabrina. Mga sintomas na siguro iyon ng sakit. Pero samu't sari naman ata. Mamamatay na ba ako?
"Sabi na nga ba eh." Napa-iling si Nico.
"Confirmed." Napasapo sa ulo si Ken.
"Na ano?"
"Inlove ka. Nasa denial stage ka pa nga lang." Sagot ni Arlyn.
"Hindi ka na nga sumasama sa mga lakad namin eh, pinagpalit mo na kami kay Sabrina."
.
.
Sandaling katahimikan.
.
.
"KENNN!!? Bakit mo naman binanggit yung pangalan??"
"Aww. Sorry naman."
"P-paano nyo nalaman?" Usisa ko.
"Maliit ang campus. Maliit din masyado ang Megamall para hindi kayo makita." Sarkastikong sagot ni Arlyn.
"Ha-ha! Akalain mo yun, si Arlyn pa talaga ang nakakita sa inyo. Kayo hah." Si Ken, hindi mapigilan ang pagtawa.
Binatukan naman agad siya ni Bryan.
"Tigilan mo nga ang pagtawa. Ikaw na hindi mapigilan ang bibig."
"Sandali lang guys ... isosoli ko lang 'tong mga libro." Tumayo si Arlyn at umalis dala ang mga libro.
"Lance." Singhap ni Ken.
Tumingin ako kay Ken. Parang naging seryoso ang tono niya ngayon. "Oh?"
"Ikaw ang pinakamalapit sa ating lahat kay Arlyn di'ba? Hindi mo ba siya gusto o nagustuhan man lang?"
Tumingin ang lahat sa akin.
"Hindi. Ano bang klaseng tanong yan? Teka. Bakit mo natanong?"
"Ken, wag mo sabihing ..."
"Oy Bryan, hindi ah. M-mali ang iniisip mo!"
"Ano ba sa tingin mo ang sasabihin ni Bryan? Hindi pa siya tapos magsalita ah." Banat ni Nico. Oo nga naman. Magaling talagang manghuli 'tong dalawang 'to.
"Okay okay. Matagal ko na siyang gusto. Hindi ko lang masabi sa kanya."
Saglit na katahimikan.
"Hpf! ... HAHAHAHAHA!" Hindi na napigilang tumawa ni Bryan.
Si Nico naman ay pinipigilan pa ang pagtawa.
"Seryoso ka? Torpe ka pala?" Tanong ni Nico.
"Akalain nyo yun mga men. Ang hindi matikom na bibig ni Ken natotorpe pag kaharap si Arlyn natin."
"Natatakot lang kasi ako na yung taong mahal ko, eh hindi man lang ako magustuhan." Sambit ni Ken habang lumihis ang tingin niya sa pabalik na si Arlyn.
"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga boys ah." Umupo si Arlyn sa tabi ko. Habang si Ken ay nakatingin pa rin sa kanya. Sa akin. Siguro, kahit papano, nakakaramdam siya ng pagseselos.
"Pinag-uusapan lang namin yung tungkol sa pagiging inlove ni—" Siniko ni Nico si Bryan bago pa ito madulas.
"--L-Lance. T-Tama! Yung kay Lance." Palusot ni Bryan. Napayuko naman ako dahil sa lousy excuse ni Bryan. Hindi sya marunong magsinungaling.
"Pero Lance, paano kung ... kinukulam ka lang pala niya? Kaya mo nararamdaman yan dahil kinokontrol ka nya?"
Napatingala ang nakayuko kong ulo. Napatingin kami sa nagsalitang si Nico.
Paano nga kaya?
To be continued ...
BINABASA MO ANG
Tales of a Voodoo #Wattys2015
Ficción históricaLumaban para mabuhay. Mabuhay para sa pag-ibig. Umibig at ... mamatay. Isang istorya ng misteryo, suspense, at konting pag-ibig. Ito ang natatagong kasaysayan ng mga mambabarang ......