Chapter 3
Simula nung araw na yun, paulit-ulit ko naririnig sa isip ko ang mga salitang sinabi niya.
"Lance Magno ... matagal na kitang sinusubaybayan."
Simula rin nung araw na yun, pakiramdam ko lagi may nakamatyag sa bawat kilos ko. Sa bawat gagawin ko.
Sino ba talaga ang babaeng 'yon?
Ni hindi man lang siya humingi ng tulong sa akin sa mga na-miss niyang mga lessons. Pero matalino siya. Hindi ko maikakaila 'yun. Maganda ang pinapakita niya sa Literature namin, lalo na kapag Filipino Folklores ang topic namin. Lalo na nang minsan na-discuss sa amin ni Ms. Jane ang tungkol sa mga mambabarang.
"Sino sa inyo ang pamilyar sa mga mambabarang?" Tanong ni Ms. Jane sa buong klase bilang panimula ng kanyang lesson. Napansin kong biglang nabuhayan ang mukha ni Sabrina.
"Mangkukulam? Meron pa ba nun sa panahon ngayon?" Tanong ng isa naming klasmeyt na mejo may pagka-sosyalera.
"Mangkukulam and mambabarang are two different beings.." Tutok ako sa sinasabi ni Ms. Jane. Interesado ako sa topic ngayon.
"..ang mga mangkukulam o witch ay walang laban kung ikukumpara sa mga mambabarang o Voodoo. Tinatawag din silang sorcerer, pero ang lumang katawagan talaga sa kanila ay mga Voodoo. Makapangyarihan sila dahil kahit walang personal na pag-aari ng kanilang biktima, kaya nila itong saktan basta tanda nila ang mukha at pangalan nito. Ganun kabagsik ang mga Voodoo. Ka -" Biglang naputol ang sinasabi ni Ms. Jane ng biglang tumunog ang fire alarm ng school.
RIIIIIIINNNNNNG!!!!!!!!! RIIIIIIINNNNNNG!!!!!!!!!
"To all students, we advise you to go out of your respective classrooms calmly. Don't Panic. All is under control." Sabi ng boses sa megaphone.
Ang tahimik na klase, biglang nagkaroon ng ingay.
Kanya-kanyang katanungan. Kanyang-kanyang kwentuhan. Yung iba, nagawa pang matuwa kasi wala daw klase.
"May sunog ba? San banda?"
"Baka naman fire drill lang."
"Mamamatay na ba tayo?"
"Yes! Wala ng klase. Uwian na ituu."
"Anu dota na?? Rak na!"
"Class, save the talk later. May sunog daw sa East Wing building. Tinamaan daw ng kidlat ang malaking puno sa tabi ng building. Nadamay ang mga malalapit na kwarto. Though sementado ang mga rooms, we need to evacuate for safety measures." Sabi ni Ms. Jane.
Lumabas kami ng classroom at mula sa kinatatayuan namin sa fifth floor ng Main building ay tanaw ang sunog na sinasabi ni Ms. Jane. Halos umabot sa fourth floor ng East Wing building ang sunog.
"Guys look!" Tinuro ng isa naming klasmeyt ang punong nasusunog.
Mataas ang puno na abot hanggang third floor. Hindi nakapagtataka kung aabot nga sa fourth floor ang apoy.
Nang ligtas kaming makababa ay tinungo ko kaagad ang punong halos maapula na rin ng mga bumberong mabilis ang responde sa nangyari. Sa ilalim ng puno ay napansin kong may bangkay ng isang babae na sunog. Halos wala nang saplot dahil natupok na ng apoy ang kanya uniporme.
Uniporme?
Isa siyang estudyante rito. Nakita ko ang mga labi ng palda niya at tiyak akong estudyante siya dito.
Lumapit ako at tiyak ako sa pagkakakilanlan niya, kahit na nasunog na ang kanyang mukha.
Si Trixie Gonzales.
Ang number one kilalang bully girl ng campus. Lahat ng babae inaaway niya. Minsan na rin niyang nakabangga si Sabrina.
Sabrina??
Nasan ka na nga ba Sabrina Zalves?
To be continued ...
BINABASA MO ANG
Tales of a Voodoo #Wattys2015
Tarihi KurguLumaban para mabuhay. Mabuhay para sa pag-ibig. Umibig at ... mamatay. Isang istorya ng misteryo, suspense, at konting pag-ibig. Ito ang natatagong kasaysayan ng mga mambabarang ......