Chapter 13
MAAGA dinismiss ang klase namen. Agad na tumawag ng mga pest control ang aming university. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit daw sa aming silid lang naglipana ang mga ipis na iyon. As if there was someone who summoned them.
"It was Sabrina! I knew it. Lance! She's a witch!"
"No Arlyn! Isa syang Voodoo, pero hindi niya magagawa yun. Kilala ko siya."
"Kilala? Sa ganung kaikling panahon?? Ano yung nakita nating pagbulong nya kanina habang naglipana ang mga ipis? Hindi pa ba sapat na ebidensya yun Lance?! You're crazy!"
Agad akong natigilan.
"Maybe you're right." Siguro ay naghihiganti si Sabrina sa pagsira ko sa manika niya. Sa tiwala na ibinigay nya.
Habang naglalakad ay biglang in-open ni Arlyn ang isang katanungan. Tanong tungkol sa isang nakaraan na halos nakalimutan ko na sa tagal ng panahon na lumipas.
"Nung una kitang nakilala, akala ko ikaw yung tipo ng lalaki na madaling magmahal. Pero nagkamali ako. Anghirap para sa'yo ang umamin na umiibig ka. Siguro dahil hindi ka pa nga nakakaranas umibig, hindi nga ba? O siguro dahil ba yun sa nangyari sa'yo noong sampung taong gulang ka pa lamang?"
"Matagal ko nang kinalimutan yan." Pero may ilang bahagi ng pangyayaring yun ang talagang literal na nakalimutan ko. Parang may kumuha sa akin ng bahagi na yun at tinapon sa kung saan.
"Kung nak—"
"AAAAAAAAAAAARRGH!!!!" Biglang naputol ang sasabihin ni Arlyn nang bigla kaming makarinig ng sigaw ng parang hinagpis sa hindi kalayuan. Si Nico ... kausap si Sabrina.
Anong ginagawa ni Sabrina??
Namimilipit sa sakit ng ulo si Nico. Halos halikan nya ang lupa sa sakit. But Sabrina's just looking down to him, literally.
Whispering something again.
To be continued ...
BINABASA MO ANG
Tales of a Voodoo #Wattys2015
Historical FictionLumaban para mabuhay. Mabuhay para sa pag-ibig. Umibig at ... mamatay. Isang istorya ng misteryo, suspense, at konting pag-ibig. Ito ang natatagong kasaysayan ng mga mambabarang ......