Chapter 4
HINDI ko na nakita nang araw na yun si Sabrina. Ewan ko ba. Nung araw na yun bigla ko na lang siya hinanap. Parang bigla ako nakaramdam ng pag-alala sa kanya sa gitna ng aksidenteng yun, kahit na sa kabilang bahagi ng utak ko ay natatakot na maaaring siya ang may gawa nun kay Trixie. Pero malabo, dahil kidlat yun. Ano naman ang kinalaman ng voodoo dun?
Malaki ang naging epekto ng pagkamatay ni Trixie. Naging usap-usapan ang kalunos lunos na sinapit niya. Gumawa ito ng mga haka-hakang gawa daw ito ng isang maligno sa kanya. May mga nagsasabi na may mga naparamdaman daw ng kaluluwa ni Trixie. Totoo man o hindi, sigurado ako na gumawa ito ng malaking takot sa university.
Nasa library ang buong barkada at tahimik na gumagawa ng mga assignments.
Ako?
Tumambay lang ako para makasama sila. Sa sobrang tahimik ay naisip kong basagin ang katahimikan.
"Sa tingin niyo ba guys, maligno ang pumatay kay Trixie? Pwede rin kayang isang Voodoo ang nasa likod nito?" Napatigil silang lahat sa mga ginagawa nila at tumingin sa akin. May nasabi ba akong mali?
"Voodoo? So naniniwala ka na si Sabrina ang nasa likod ng pagkamatay ni Trixie?" Tanong ni Arlyn.
"Hindi ko alam. Pero parang may nagsasabi sa akin na may kinalaman ang misteryo ng voodoo dito." Sagot ko habang nakapalumbaba.
"Kalokohan. Maliwanag na isang kidlat ang pumatay kay Trixie. Hindi isang Voodoo. Tsaka kung si Sabrina nga ang may kagagawan, ano magiging rason niya sa pagpatay niya kay Trixie?" Tanong ni Nico.
"Minsan nang nakabangga ni Sabrina si Trixie nang una silang magkita. At hindi maganda ang una nilang pagkikita." Paliwanag ko.
Nagkatinginan ang barkada. Tingin na nagsasabing maaaring tama ako.
Naglibot na lang ako sa library. Pinagtabuyan ako ng barkada. Gagawa pa daw sila ng mga assignments nila. Hays. Naghahanap ako ng libro na maaari kong mapaglibangang basahin.
Economics. Webster's Dictionary. Accounting Principles. Civil Engineering. Literatures. World History. FHM . . . . . .
FHM??? Anong ginagawa niyan dito sa library? Sino naman kaya ang naglagay nyan dito? Tsk. Tsk.
Sa kasuluk-sulukan ng library ay hindi sinasadyang dinala ko ng aking mga paa. Dito nakatambak ang mga librong nilimot na ng university. Mga lumang yearbooks, mga lumang records ng mga estudyante at professors.
Pero may isang umagaw ng atensyon ko habang naghahanap ng libro. Isang napakalumang itim na libro na mas maliit at mas manipis kumpara sa ibang mga libro.
Mahahalatang luma ang libro sa mga pahina nito. Dilaw na dilaw na ang mga pahina sa kalumaan na tila mapupunit kapag inilipat ang isang pahina.
Isa itong journal. May halong panginginig ang mga kamay ko nang biglang may sumulpot sa aking likuran.
"Hoy Lance .." Pabulong na panggulat na sabi ni Arlyn.
"Akala ko naman kung sino na."
"Ano 'yan?" Usisa niya sa hawak kong aklat.
"Hindi ko alam. Pero isa 'tong journal ni Pedro Evra. At sa journal na 'to nagpapakilala siyang dating Professor ng university na 'to. At isang ... Voodoo?" Nanlaki ang mga mata naming ng mabasa na marunong siyang gumawa ng Voodoo.
BINABASA MO ANG
Tales of a Voodoo #Wattys2015
Fiksi SejarahLumaban para mabuhay. Mabuhay para sa pag-ibig. Umibig at ... mamatay. Isang istorya ng misteryo, suspense, at konting pag-ibig. Ito ang natatagong kasaysayan ng mga mambabarang ......