II. The Culprit : Bloodshed

114 8 2
                                    

II. The Culprit

Buwan ng Pebrero taong1899, nagkaroon ng laban sa pagitan ng mga taliwas sa paggamit ng voodoo para kumita ng salapi at sa mga sumasang-ayon dito sa loob ng angkan ng mga Zalves. Nagkaroon ng feudal war. Others call it "The Feudal War Within a Clan", "A War Between Good and Evil", "Battle Fury" at kung anu-ano pang mga salitang pwedeng ihalintulad sa bagsik ng digmaan nila. But some call it "The Rapture".

The Rapture, dahil sa tindi ng digmaan nila,tila naging impyerno ang maliit na bayan ng San Juan. Mahigit sa dalawang libong Pilipino ang nasugatan karamihan dito ay mga Zalves. Sa gitna ng digmaan, naipit ang kulang kulang tatlong daang Amerikanong sundalo na dapat sana ay pipigil lang sa mga nag-aaklas na Pilipino. Ngunit ang akala nilang simpleng pag-aaklas, ay mga Zalves pala na nasa gitna ng isang matinding digmaan.

Ayon sa mga tagaroon sa bayan na iyon, napuno ng kadiliman ang kalangitan nun. Umulan ng napakalakas at maraming beses na tumama sa lupa ang kidlat.

Sa kasaysayan, ito ang unang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Amerikano. Pero lingid sa kaalaman ng marami, ito ang bagsik ng digmaan ng mga Zalves. Isang digmaan kung saan natalo ang kabutihan. Walang natira kundi ang mga masasamang Zalves ... yun ang kanilang paniniwala.

Dahil buhay na buhay pa ang isang Zalves sa panig ng mga taliwas sa kanila, si Simon Zalves, ang tatay ng lolo ni Sabrina Zalves. Ang pinakamalakas na Voodoo.

Alliance of Philippine Oracles (APO)

Year 1902

Apat na taon na simula nang mabuo ang asosasyong APO, at tatlong taon na rin ang nakalilipas ng maganap ang feudal war ng mga Zalves, nagpatawag ng pagpupulong ang APO. Isang grupo ng mga Shaman na hindi lang lumalaban sa mga Voodoo sa tuwing sila ay aatake, kundi sila mismo ang tumutugis sa mga Voodoo. "Voodoo Hunters" kung tawagin ang kanilang mga sarili.

"Nandito na ang buong assembliya ng mga Shaman sa buong panig ng bansa. Sa loob ng apat na taon, naipakalat ng ating angkan ang kaalaman sa pakikipaglaban sa mga Voodoo. Ngayon, tinipon tayong lahat para tapusin ang mga natitira pang mga Voodoo." Wika ni Antonio Evra, ang sinasabing nagnakaw ng kaalaman ng mga Voodoo. Ang kauna-unahang Shaman. Siya ang magiging ama ng lolo ni Pedro Evra.

"Hayaan mo sila. Hindi mahalaga ang buhay nila. Ang mahalaga, tapusin na ang laban na 'to." Tumingin ang lahat sa nagsalitang si Raja Carigma. Ang pinakabayolente sa lahat ng Bagwis. Pinapatay nito ang mga Voodoo na nakakasagupa nya sa lahat ng bayolenteng paraang naiisip niya.

Ang Bagwis ang labindalawang pinakamalalakas na Shaman ng APO. Si Antonio Evra ang tumatayong lider ng asosasyong APO at pati na rin ng labindalawang Bagwis dahil na rin sa likas na kabutihan nito at sa lakas na pinamamalas niya sa larangan ng pagiging Shaman.

Sa palibot ng Round Table, ay nagpulong sila at nag-isip ng stratehiya. Karaniwan, sa tuwing pagpupulong sa Round Table ay tumatagal sila ng isang oras o higit pa.


"Hanggang kelan nyo balak paghintayin ang mga Shaman na nasa labas para sa inyong stratehiya?"

Tumingin si Antonio Evra at ang mga Bagwis sa pinaggalingan ng boses.

Mula sa madilim na kwarto, ay isang anino ng malaking lalaki na nagtataglay ng asul na mata.


"Habang kasama niyo ako, hindi matatalo ang mga Shaman." At biglang lumabas si Simon Zalves. Ang pinakamalakas na Voodoo. Ang siya ring nagtatag ng APO.



To be continued ...


A/N: Hi! So bale introduction lang ito ng Part Two. The Culprit. Sa unang part, binigyan tayo ng pahapyaw kay Sabrina, ang sinasabing Voodoo Girl. Dito sa part two,  magkakaroon pa ng maraming insidente at .... Ooops! Suspense muna. :P


Tales of a Voodoo #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon