Origin of Voodoo

386 17 2
                                    

Spanish Period


SA hindi mapigil na mapaniil na mga Kastila, pinag-aralan ng mga Zalves ang mahika ng voodoo. Sila ang sinasabing unang gumamit nito sa Pilipinas. Pinag-aralan nila ito upang maipagtanggol ang angkan sa kamay ng mga Kastila. Hindi naglaon, kumalat ang kanilang katanyagan sa mga kapwa Pilipino.

Sila ang laging nilalapitan ng mga taong pinagmalupitan ng mga kastila. Mga inapi. Mga pinagsamantalahan. Mga ninakawan.

Hindi sila nagpapabayad.

Adhikain lang ng kanilang angkan na protektahan ang kanilang pamilya, ganun na rin ang mga kababayan. Nang minsan silang yayain ng Katipunan sa kanilang samahan ay tinanggihan nila.

Dahil likas na mapayapa at matahimik ang kanilang angkan. Ang tanging nais lang nila ay isang ligtas at maayos na pamumuhay.

Pero sa paglipas ng panahon, sa pagkalat ng angkan ng mga Zalves, naging watak watak ang adhikain ng kanilang angkan. May iba na nais gawing kabuhayan ang paggawa ng voodoo. Nagpapabayad upang mapaghigantihan ang mga kastilang mapaniil at mandarambong.

Hindi naglaon, nakamit na ng mga Pilipino ang kalayaan mula sa mga kamay ng Kastila.

Naging tahimik ang angkan ng mga Zalves sa paggawa ng voodoo magic. Yung ibang mga tumiwalag sa orihinal na adhikain ng kanilang angkan ay naisipang ituloy ang pananalapi.

Pero sa pagkakataong ito, kapwa Pilipino na ang palalasapin ng bagsik ng voodoo.

Pahihirapan.

Palalasapin ng pagdurusa.

Kikitlan ng buhay.

Para lamang sa maitim na kaibuturan ng puso, para lamang sa paghihiganti. Para lamang sa inggit.

Dahil dito, nagkaroon ng isang digmaan sa pagitan ng mga pamilya sa angkan ng mga Zalves. Digmaang walang kahalintulad. Digmaang puno ng danyos. Para sa kabutihan, at para sa kasakiman.

Ngunit sa kasamaang palad, natalo ang mga pamilyang panig sa kabutihan. Walang tinira sa kanila.

At ang ng digmaang ito ay nilimot ng karamihan, maging ng kasaysayan.


Tales of a Voodoo #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon